ONE: The Plot Twist She Never Expected
Nagising si Reign sa ingay ng kanyang cellphone. She tried to ignore it and tried to go back to sleep pero ayaw pa rin itong tumigil sa kaka-ring. She had no choice but to open her still heavy eyelids to check who was calling her. Sakto namang pagkakapa niya ng cellphone ay tumigil ito sa kaka-ring.
She brought the phone closer to her face and tried to adjust her still blurry vision to see who it was.
15 missed calls from Candice? My golly! What happened to her?
Pakiwari ni Reign ay biglang nabawasan ang antok sa kanyang sistema. She dialled Candice’s number to return the call.
“Buti naman at gising ka na,” ang walang ka-intro-intro na wika ng kaibigan matapos sagutin ang tawag niya.
“I just woke up,” ani Reign sa inaatok pang boses.
“It’s already two in the afternoon,” anito.
“I slept at around five in the morning,” aniya. “Nag-edit ako ng video. Why were you calling me? Grabe naman 'yong 15 missed calls. May nangyari ba? Are you okay?”
“Yup, I’m okay. Mukhang ikaw ang hindi magiging okay sa malalaman mo,” anito.
“Ha? Bakit naman?”
“Yung video na ni-upload mo kaninang umaga, nag-viral,” Candice said.
“Ohhh? Talaga?” Pakiwari ni Reign ay tanggal ang lahat ng natitirang antok niya sa katawan.
Ni-schedule niya ang ni-edit na video kagabi para mag-automatic upload sa YouTube channel niya ng 9 AM.
“Yup, magwa-1 million views na siya,” ang pagbabalita ng kaibigan pero parang hindi naman ito excited.
“Oh, wow!” Napalatak si Reign sa narinig. She did the math. “In just five hours?! Almost 1 million views in just five hours?! My oh my!" ang hindi makapaniwalang bulalas niya.
Hindi pa naman kasi ganoon karami ang subscribers niya. Nasa 375 thousand pa lang ang subscribers niya sa YouTube at tatatlo pa lang ang nag-1 million views niyang videos na lahat matagal nang naka-upload. Inabot muna ng ilang buwan ang mga 'yon bago maka-1 million views.
Almost one million views in just five hours?! Wow!!! She must still be dreaming!
“Yup. In just five hours! Nag-viral siya, obviously. Unfortunately, at someone else’s expense,” Candice added.
“What do you mean by that? Ohmigod!” ang bulalas ni Reign nang biglang may naalala. “Don’t tell me…”
“Yup, I think you already know what I’m talking about here,” ang pagsang-ayon nito.
“Oh, s**t!” ani Reign. “Don’t tell me, dahil doon sa sampalang naganap sa likuran?”
“Bingo!” anang kaibigan. “Do you even know who it was?”
“'Yong girl? Hindi ko kilala, eh," aniya.
“Nope, ‘yong guy.”
“Hindi. Bakit?”
“Sure? Hindi mo siya namukhaan? Promise?” ang pangungulit ni Candice.
“I swear! Nakatalikod kasi kaya ‘di ko nakita ang mukha. Who was that?” Reign was getting curious.
“Tristan. Tristan Alcantara.”
“Tristan Alcantara? ‘Yong dating nag-reality show sa TV? Seryuso?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Reign.
“Exactly! Tristan Alcantara of Pinoy Big Brother."
"Pucha!" wala sa sariling napamura si Reign.
"Hulaan mo kung papano ko nalamang siya 'yong lalaking nasa vlog mo?" ani pa ni Candice.
“Masyado ka namang pa-suspense, eh! How?"
“Because his memes are now all over the internet! Thanks to your vlog!”
“OMG! Seryuso ba ‘yan?” Natutop ni Reign ang sariling bibig.
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Oh, shuck, shucks! I didn’t know it was him, swear! What shall I do? Shall I delete the vlog right away?” ang natatarantang tanong ni Reign sa kaibigan.
“Apparently, yes. Kaso parang hindi naman ‘yon ang problema.”
“Ano pa?”
“Kahit i-delete mo pa ‘yong video, marami nang nakapag-download noon. Nagkalat na nga sa t****k ‘yong clips, eh! Saka andami na ding memes at edits sa f*******:, pati sa Twitter.”
“Ohmigod, what shall I do about it?”
“I dunno. Probably mag-public apology ka. Saka sabihin mong hindi naman talaga si Tristan ‘yon. I honestly do not know, basta kailangan mong linisin ang pangalan ni Tristan kasi galit na galit daw.”
“Papano mo nalamang galit na galit siya? Nag-post ba siya? Inamin ba niya sa socmed na siya ‘yong lalaki sa video?”
“Nope, hindi naman," ani Candice. "At saka bakit naman niya gagawin 'yon, eh, 'di mas lalo siyang napahamak."
“So paano mo nga nalamang galit na galit siya? Close kayo?"
“Not exactly but I know someone who knows him.”
"Sino?"
“Si Roi," ani Candice.
“Yong boyfriend mong never ko pang nakilala? Magkakilala sila ni Tristan Alcantara?"
“Hindi lang magkakilala. Apparently, they’re friends. Not just friends. They are really close like some childhood friends."
“Talaga?” ang tila hindi makapaniwalang sambit ni Reign.
“Yup. Kaya bumangon ka na diyan at kailangan mo nang maglinis ng kalat bago pa lumala ang sitwasyon. Gow na!” ani Candice.
“Eto na, eto na, babangon na po,” aniya.
“Don’t forget to eat your breakfast… or lunch…”
“Yes po, opo. Kakain na po.”
“Nag-iwan ako ng seafood pasta diyan sa ref kagabi. Pwede pa naman siguro ‘yon. Paki-microwave na lang,” anito.
“Umuwi ka dito kagabi?” aniya.
“Saglit lang, may kinuha lang akong gamit. Akala ko tulog ka na kaya ‘di na kita inabala. Siya, sige at start na kami. Tawagan kita later pagkatapos ng photoshoot namin. Babye! Mwah, mwah!” ani Candice bago naputol ang linya.
Candice is not just a friend, she’s also her housemate. Share sila ng nirerentahang condo. Pag-aari ng tita nito ang 2-bedroom condo unit na nirerentahan nila kaya kahit papano ay medyo affordable naman.
Matagal na silang magkakilala ni Candice. Samakatuwid ay high school best friends sila. Naputol lang ang komunikasyon nila kasi dito sa Maynila ito nag-college samantalang naiwan siya sa Cebu. Nagkita lang silang muli when the fashion magazine Reign had worked on before did a photoshoot for a certain issue. At isa nga si Candice sa mga models na kasama sa photoshoot na ‘yon.
Pero kahit magkasama sila sa iisang bahay, hindi naman sila halos nagkikita. Kung hindi ito busy sa trabaho, doon ito umuuwi sa bahay ng boyfriend nito.
Bitbit ang cellphone ay bumangon si Reign ng kama at saka naglakad palabas ng kwarto. She went straight to the bathroom to pee. At habang nakaupo sa toilet bowl at umiihi ay nagbukas siya ng socmed.
“Ohmaygas, totoo nga!” aniya nang makitang konting-konti na lang at magwa-1 million views na ang latest upload niya sa YouTube.
She then proceeded on checking her f*******: and Twitter accounts. Candice wasn’t exaggerating when she said that her video went viral. Nagkalat ang memes tungkol sa sampalang nangyari sa restaurant! Nalulunod siya sa notifications sa dami ng tags sa kanya!
“Putek, totoo nga!” Napamura siya.
Sinunod niyang i-check ang kaniyang i********: account. Napatutop siya sa sariling bibig nang makitang may message request siya from Tristan Alcantara.
Chineck niya kung legit account ito at hindi poser. At s**t, mukhang legit nga.
Delete the video at once if you don’t want to get in trouble, said the message.
Medyo kinabahan siya pagkabasa pero agad naman siyang nag-reply.
I’m so sorry. Was it really you? she replied.
As if you didn’t know, he replied.
Aba, ambilis makapag-reply, ah! saisip ni Reign.
I swear, I didn’t know it was you. I couldn’t really see your face, she defended herself.
I’m not that naïve to fall for that. I know fake influencers like you would do anything for engagements and faux popularity. Even at the expense of other people!
“Wait, wait. Ba’t parang below the belt naman 'ata 'yan?” ang malakas niyang sabi bago tumayo mula sa toilet bowl at lumabas ng banyo matapos mag-flush.
I was at fault, I admit, and I’m so sorry for that. Pero mali naman yata ‘yong pagbibintangan mo akong ginagamit ka para maka-gain ng views. You might not believe it but I swear I didn’t know that it was you, she typed and sent the message.
Ipinatong niya sa table ang kanyang cellphone at saka dumiretso ng sink para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay nagbukas siya ng fridge para maghanap ng makakakain.
She saw the pasta Candice left for her last night. Kinuha niya ito at saka isinalang sa microwave para initin. Pagkatapos ay kinuha niya ang carton ng gatas at saka tumungga mula doon.
She put the milk back, closed the fridge, and went back to the table to pick up her phone.
Whatever! Just delete the video at once!
I will be expecting a public apology, too!
ASAP!
At nakatatlong replies na pala talaga ito.
I will, don’t worry. And sorry again for the trouble this may have caused you, Reign replied.
“Antipatiko!” ang malakas niyang wika bago muling nilapag ang cellphone sa mesa. “Ginawa pa akong sinungaling at manggagamit. Eh, sa hindi ko naman talaga siya nakilala. Akala mo naman kung sinong sikat,” ang patuloy na himutok niya habang binabalikan ang kakatunog pa lang na microwave.
She took the pasta out and brought it back to the table. At saka niya muling pinanood ang video mula sa cellphone habang nilalantakan ang kanyang brunch.