bc

Liking Series: The CEO & His Chef

book_age16+
24
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
arranged marriage
arrogant
boss
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Lucas was forced to marry Genny. They're both against it but the whole dynasty wants them to be together. Their parents want them to be together but they don't know why.

After a while, they are finally announced as husband and wife and have to live together on the same roof. But, while they were always fighting, they realized something.

This story is about a CEO and a Chef.

Warning: Matured Content

Started: Mon, November 8, 2021

Finished: Sat, December 18, 2021

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 - Genny's POV - Umagang-umaga ngayon at napakaingay na agad ng paligid ko. Hindi ko alam pero kahit na ito naman ang kinalakihan kong ingay sa bahay ay parang hindi parin ako sanay. Ako si Genny Furi. Ako ang itinuturing na bunso sa amin. Actually, meron akong kakambal, si Gemmy. Ang babaeng-babae kong kapatid. Habang ako, tinatawag na tomboy dahil mahilig lang talaga ako sa stuffs na pang lalaki. 'Daddy's Girl kasi, ehh.' Isa akong chef. Gusto ni Daddy na maging engineer ako pero pagluluto talaga ang mas magaling ako. Si Mommy kasi ay sobrang galing sa pagluluto at ako lang ang nakakuha ng skills nya sa pagluluto. At, ito pa ang nakakagulat. Gusto ni Daddy na maging engineer ako at gusto ni Daddy maging Chef si Gemmy. Pero, pareho kaming naging chef. Nang malaman nya ito ang kinuha ko ay saglit lang ito nagtampo at di rin nagtagal ay sya pa ang naging takatikim ng mga luto ko. Hindi lang naman ako sa pagluluto magaling. Kung tutuusin nga ay kayang-kaya ko ang engineering pero mas gusto ko talaga ang pagluluto at ayokong mahiwalay sa kakambal ko. Nang makagraduate kami ay binigyan kami ni Dad ng isang restaurant. Bumaba na ako galing sa kwarto ko at naroon na si Ate Ara at ate Sarah na nagdedebate nanaman habang si Gemmy naman ay nakatanga lang sa dalawa at mas inaasar nya pa ang mga ito para lalong mag-away. 'May pagka-demonyita din kasi itong si Gemmy minsan.' "Tama na nga yan, ang ingay-ingay nyo na, ehh, ang aga-aga pa." Saway ko sa kanila. "Naku, Genny. Yang Ate Sarah mo ang sabihan mo nyan. Palasagot na. Parang hindi ko sya pinalitan nang diaper noong five years old palang ako, ahh?" Nanunumbat nitong sabi. "Hay, naku. Naiinggit lang ang isa dyan dahil mas maganda ako sa kanya." Pagpaparinig naman ni Ate Sarah. "Hala! Payag ka non, Ate Ara?! Mas maganda daw sya sayo?!" Pang-aasar pa ni Gemmy. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Talaga?! Ehh, bakit ako naging model kung mas maganda ka?!" Naaasar na sabi ni Ara. "Natural, mas pinili ko ang pagkanta ko kesa magmodel. Baka mas maging sikat pa ako sayo kung naging model din ako." Banat naman ni Ate Sarah. "Ate Sarah, wag ka na kasing sumagot." Saway ko. Nagkasabay-sabay na kami kaya nging maingay na ang bahay. Maya-maya pa ay may biglang sumigaw. "Ano ba?!" Sigaw galing sa kung saan. Dahil sa lakas non ay muhkang si Daddy ang sumigaw. Lahat kami ay napatahimik dahil minsan lang ito sumigaw. Lumapit ito at ngumiti. "Joke lang. Ano bang problema at ang ag-aga nagsisisgawan kayo?" Nakangiting tanong nito. "Sige lang, Gavin. Gawin mong baby ang mga anak mo." Biglang sulpot ni Mommy. May dalawa silang pagkain at masama ang muhka ni Mommy. Muhkang mapapagalitan nanaman silang dalawa. Nagsimula na kaming mag-agahan at nang matapos kami ay nauna na akong pumasok kay Gemmy dahil may gagawin pa daw ito. Ayon ang palaging problema nila Mommy at Daddy, bukod sa puro babae ang naging anak nila ay palagi ding hindi magkasundo si Ate Ara at Sarah. Pagkadating ko sa restaurant namin ay marami na ding mga costumers ang naroon. May sari-sariling kaming mga restaurant sa loob ng dynasty. Pero kapag may events, nagsasama-sama kaming lahat para sa malaking handaan at masasarap na pagkain. Palagi lang akong nasa loob ng kitchen sa restaurant dahil mas comportable ako doon. Minsan naman ay pumupunta ako sa bahay para hindi ko maramdamang nag-iisa ako sa buhay. Kahit kasi may kakambal ako ay hindi na iyon ibig sabihin na palagi kaming magkasama palagi. Palagi din akong kino-contact ng mga kapatid ko. Lalong-lalo na kapag may away si Ate Ara at Sarah, naghahanap ng kakampi. Si Gemmy naman ay ang madalas kong kasama pero mas gusto ko talagang mag-isa. "Chef, may bagong order nanaman po." Sabi ni Martin, ang isa sa crew dito at binigay sa akin ang listahan ng mga order. Agad ko namang ginawa ang order at ibinigay sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na si Gemmy at tumulong na din sa akin kaya may napabilis na ang trabaho namin. Maya-maya pa ay malapit na mag-lunch. Tinawagan kami ni Mommy na umuwi daw bago maggabi dahil may pupuntahan daw kaming party. Dahil gusto kong malaman kung anong party ang pupuntahan namin ay tinignan ko ang group chat namin. 'DYNASTY BABIES' Kristine: Happy Birthday!!! Jenny: Happy birthday, Lily and Lyla. Lily: Ako lang po ang may birthday. Hindi ko po kambal yan. Lyla: Ang kapal ng muhka mo, sis. Elize: Oh, nag-aaway nanaman kayo? Lily: Pake mo ba?! Lyla: Pake mo ba?! Elize: Ahm... I'm just trying to stop you, guys. Don't be mad. Sia: Buhay ka pa pala? Kamilla: Oo nga. Tagal mo nang di nagpapakita, ahh? Halatang nagtatago ka. Jenny: Girls, girls. Tama na. Wag na maingay. Natutulog ang mga anak namin. Napailing naman ako dahil kahit na pinitigil na sila ni Ate Jenny ay wala paring tigil ang pag-iingay nila. Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang oras na kailangan na naming umalis dahil kailangan naming pumunta. Kung hindi ay magtatampo ang kambal na iyon. Pagdating namin sa venue ay agad kaming sinalubong ng kambal. Dahil may binigay na daw regalo sila mommy ay hindi na anmin kailangan magbigay, which is, gustong-gusto ko kassi di ko na kailangang umalis pa. "Naku, maraming boys dito." Sabi ni Lyla. "Naku Lyla, kung puro sa dynasty nalang, ay wag na." Parang naiinis at nandidiring sabi ni Gemmy. Sawa na daw kasi sya sa muhka ng mga kasama namin sa dynasty. "Ikaw, Genny? Wala ka parin bang hilig sa boys?" Tanong ni Lily sa akin. "Ewan." Maikling sagot ko. "Naku, 27 ka na. Dapat ay mag-asawa ka na. Pareho kayo ni Kuya." Sabi nya pa. "Oo nga. Pogi din yong kuya nyo kaso, napakasungit." Sabi naman ni Gemmy. Napailing naman ako. Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa loob at pagdating namin doon ay nag-iinuman na ang mga lalaki. Naglakad kami papunta sa kabila dahil sa kabilang lamesa kami. Hindi ko alam pero halos lahat kami ay ayaw nang makita ang mga muhka nila dahil sawa na kami. At muhkang ganon din ang mga baliw na yon sa amin. "Ohh, nandito na din ang dalawang kambal." Sabi ni Lily. "Mabuti ay maaga kayong nakaalis sa restaurant nyo." Sabi ni Ate Ara. "Nasaan si Ate Sarah?" Tanong ni Gemmy. "Nandoon. Kumakanta." Sabi nya at tinuro si Ate Sarah na kinikindatan pa ang mga lalaking nanonood sa kanya. "Ohh, nandito na pala si Kuya, ehh." Sabi ni Lily tapos tumayo at may nilapitang lalaki. Dinala nya ito sa table namin at pinaupo sa tabi ko. - To Be Continued - (Tue, November 9, 2021) -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook