Chapter 38 Gabriel Matapos naming makipag-usap kay Reynold ay bumalik kami ng asawa ko sa opisina. Kinukulit ako nito kung bakit raw siya nawala ng limang taon. Gusto ko man sabihin sa kaniya ang nangyari sa nakaraan ngunit ayaw kong magalit siya o mag-isip sa akin ng masama. Nakipag-ayos ako kay Reynold at mabuti na lang tanggap nito ang kabiguan niya sa asawa ko at tinuruan ko pa siya kung paano niya makuha muli ang first love niya. Madali naman kausap si Reynold, at mukhang pamilyar nga ito sa akin. Mukhang nakita ko na ito minsan. Hindi ko lang matandaan kung saan. Habang nagta-type ako sa laptop ay napatingin naman ang mata ko sa aking asawa. Natatawa talaga ako minsan kapag nahuhuli ko siyang tumititig sa akin wala naman yata siyang natapos na gawain dahil panay ang sulyap ni

