Chapter 37 Allysa Gumuguhit ako habang napapangiti nang maalala ko ang katangahan ko. Naalala ko ‘yong kiss mark ni Gabriel sa leeg ko. Para akong tanga na takot na takot at baka may cancer na naman ako. Napatingin ako kay Gabriel at nakangiting pinagmamasdan siya. Napakabuti niyang ama sa aming mga anak. Nakikita ko kung paano niya alagaan ang aming mga anak. Natutuwa ako nang bigyan niya ako ng bulaklak kanina at ditto sa lamesa ko ay may bulaklak din siyang ipinalagay. May note na nakasulat na ‘I Love You, Allysa.’ Napabuntong hininga ako nang tumunog ang cellphone ko. May nag-text message sa akin at galing iyon kay Reynold. Reynold: I' m sorry what happen yesterday. Gusto ko rin sana humingi ng paumanhin sa asawa mo. Kaya, puwede ko ba kayong makausap? Me: Ako dapat ang humingi s

