Chapter 36 Gabriel Sobrang kabado ako nang makita kong umiiyak ang asawa ko. Akala ko napaano na siya lalo na no'ng sinabi niya may cancer siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at kung paano ko siya patatahanin. Subalit nang itinuro niya ang bakat ng kiss mark ko sa katawan niya ay nahupa ang kaba ko at napalitan ng pigil na pagtawa. Gusto ko sana pakawalan ang tawa ko dahil sa kainosentihan ng asawa ko. Akala niya siguro cancer na ang mga bakat ng halik ko sa katawan niya. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na hindi matawa dahil baka masipa niya pa ako. Niyakap ko na lang siya at pinatahan ng iyak. Inalalayan ko siyang mahiga sa kama at kinuhanan ng tubig at pinainom sa kaniya. Pagkatapos ay tumabi ako sa kaniya. "Puwede ba ako rito matulog sa silid mo?" malambing niyang tano

