Chapter 35 Gabriel Ilang minutong tahimik kami ni Allysa sa loob. Tumayo siya at nagtungo sa pintuan at umaasa na buksan kami ni Gabby. "Maupo ka kaya muli sa kama. Mangangawit ka riyan sa katatayo," basag ko sa katahimikan namin ni Allysa. "Kasalan mo ‘to, eh!" paninisi sa akin ni Allysa sabay padabog na nagmartsa sa kama at umupo. Pagkatapos ay tumingin ito sa larawan namin na nakasabit sa wall. "'Yan ba ang larawan ng kasal natin?" tanong niya habang nakasimangot na tinuro ang larawan namin na nakalabit sa wall. "Yap!" tipid kong sagot habang nagpipindot ng laptop. "Eh, bakit parang nakasimangot ako riyan? At bakit mayroon ka niyan rito? Bakit sa kuwarto ko wala?" nakasimangot pa nitong tanong. "Gusto mo palagyan ko ang silid mo ng larawan natin?" nakatingin kong sabi sa kani

