Ayeen's POV Sa tuwa ko no'ng tumawag si Pierce, kahit ang mga baklang kasama ko ay pinaghahalikan ko sa pisngi. Pakiramdam ko dinala ako sa alapaap nang makita ko ang pangalan niya sa screen call. "What? Hindi ba kayo masaya para sa'kin? Pierce called me!" I said almost shouting. Maingay kasi sa loob ng bar kaya sigawan talaga para magkarinigan. Nakangiwi silang nakatingin sa'kin habang ako nagtatalon-talon sa sobrang saya. "You mean si Pierce Ruscov? Iyong softie na pogi?" pagk-klaro ni Enetta, isa sa mga kaibigan ko na baklush. "Wait, siya 'yong sikat na nursing student 'di ba? Tapos nag-shift sa psychology? Sinundan mo pa nga ro'n!" naiiling pa niyang dagdag. "Girl, ilang beses ka na no'n nireject. Tama ka na!" Tumigil ako sa ginagawa at ngumuso. "No! He called me so it means may

