Kabanata 30

1561 Words

Aza's POV Naramdaman ko ang marahan pagpisil ni Arch sa kamay 'ko. Napansin niya ata ang pakikipagmatigasan ko ng titig kay Pierce na walang balak bumawi ng tingin sa'kin, bwesit. Halata namang galit na galit siya base pa lang sa paraan ng paninitig niya sa'kin. Ginusto niya 'to kaya magdusa siya. Hindi ko masikmura na sa kagustuhan niyang makabawi, dinamay pa niya ang kapatid ni Arch. Tinapunan ko ng tingin ang babae'ng kasama niya. Maganda siya, maputi, at petite. Hindi naman sa pagiging judgmental pero halatang party girl. Tingin ko wala siyang ka-ide-ideya sa nangyayari. Binalingan ko ng tingin si Arch. "Alis na ba tayo?" malumanay kong tanong sa kanya. Ngiti-ngiti siyang tumingin sa akin at tumango. "Sure, you look ready naman. Saan mo 'yan nakuha?" nagtaka ako sa tanong niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD