Napatakip ako ng bibig. Hanggang ngayon ay nangingibabaw pa rin ang halakhak ni Sir Thanatos sa living room. Ang init ng pisngi ko. Gusto kong magtago. Bakit ba kasi 'yon pa ang lumabas sa bibig ko? Bwesit! "Mabuti na lang pala at dumaan ako rito." Aniya at napahawak sa tyan kakatawa. "It's nice to be back here tapos ito pa ang bumungad sa'kin. You made my day, Aza. Thank you." Hindi ko masabi kung sarcastic ba ang pagkakasabi niya no'n o ano. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Tatakbo na sana ako para magtago nang mahawakan niya ako sa balikat. Hinatak niya ulit ako pabalik sa kanya. Umakbay siya sa'kin saka marahas na itinukod ang hawak na pamalo sa tiled na sahig. "S-Sir, ipagtitimpla ko lang po si Sir Pierce ng kape at ipaghahanda ng umagahan si Ma'am Ayeen." Pagdadahilan ko

