Pag-angat ng chopper kung saan kami nakasakay, nakita ko sa baba na hinahabol ni Sir Thanatos si Pierce. Parehong tumigil ang dalawa at sabay na nag-angat ng tingin sa amin. Kita ko mula rito ang nakangiti mukha ni Thanatos na animo'y nakahinga ng maluwag matapos makita na nasa himpapawid na kami. "Aza! Please! Please! Please don't leave me!" pagmamakaawa ng lalaking ilang beses akong sinaktan. "Please, I'll be better! Bumalik ka lang!" Tila naging bulong na lang sa akin ang pagsusumigaw nito. Wala akong maramdaman ngayon kundi pagod. I feel isolated and detached, like an empty shell drifting aimlessly in a sea of nothingness. Nilipat ko ang tingin nang makita ko ang pagluhod ni Pierce. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Sheena na isinantabi ko. Hinayaan kong hawakan ni A

