Kanabata 6: Magulong Isipan

1926 Words
Kabanta : Magulong Isipan. "SIR, Sino ulit kayo?" Hindi makapniwalang saad ni Freda sa guwapong lalaking nasa harapan nila. Iniisip niya kung saan niya nakita ang guwapong lalaki. At tama ba ang dinig niya. "I'm looking for my wife, dito siya nagtratrabaho. Si Nika Miranda Alegre. Nandiyan ba siya?" Ulit nito. May kung anong damdamin ang tila sumipa sa dibdib niya sa nalaman. "May asawa ang fiancée ni James?" sigaw ng utak niya saka napatitig sa lalaking kaharap. Kung hindi siya nagkakamali ito ang CEO nang Alegre Construction. At asawa ni Miss Nika. Nagkakagulo ang isip niya sa sandaling iyon. Bakit babaing may-asawa ang fiancée nito? "Sige Sir upo na muna kayo." Tatawagan ko lang si Ma'am. Imporma niya dito. Halatang naiinip ang lalaki. "Yes please make it fast." paki-usap nito. Naglakad naman itong patungo sa mahabang sofa na naroon sa lobby. Nalilito siya sa nangyayari. Siya na ang nagpresentang tawang si Nika sa office nito. Dalawang ring lang at sumagot naman ito. "Good afternoon Ma'am may bisita ho kayo dito sa lobby?" magalang na bati niya kay Nika sa kabilang linya. "Ha? Sino daw?" bakas ang pagkagulat sa tinig nito. Mukhang hindi inaasahan ang bisita nito. "Asawa n'yo daw ho. Di ba girlfriend ka ni Sir James?" di niya mapigilang usisa sa mahinang tinig. Naguguluhan siya sa nangyayari. Paanong may asawa ang fiancee ni James. Halos mamatay na siya sa selos tapos may asawa na pala ito. "Anong ginagawa niya dito?" wala sa sariling tanong nito. Ewan niya pero tila may munting excitement sa tinig nito. "Pakisabi na lang busy ako." alanganging sagot nito saka tinapos na ang tawag. Lalo tuloy siyang nakakadama ng pagkalito dala ng kuryusidad na nag-uunahan sa utak niya. Pero ano bang magagawa niya. "Sir, pasensya na, pero busy ho si Ma'am Nika." anang ni Vivian sa lalaking hindi mapakali at palakad lakad sa halip na maupo. Saglit itong natigilan at tumitig pa sa kanya. "Okay, pakisabi mag-aantay ako hanggang di na siya busy." determinadong saad nito. May pakiramdam si Vivian na may mali sa mga nagyayari. "Since when did you become this stubborn, Nika?" dinig niya ang nahahapong saad ng lalaki saka nagtungo ulit sa sofa upang mag-antay. Mukhang pursigido ito. May kung anong parte ng pagkatao niya ang natutuwa sa lalaking tila hindi mapakali sa kinauupuan. At tila walang paki-alam sa paligid na na maraming matang napapatingin dito. Kahit si Freda halatang kinikilig dahil panay ang siko nito sa kanya. Pero para sa kanya ang cool nito. Dahil sa efforts nitong mag-antay para sa asawa nito. Naisip tuloy niya kung si James ang dahilan kaya nagkakaproblema ang mag-asaw Bandang alas tres ay nagulat sila ni Freda ng lumapag sa harap nila ang plastic ng food delivery. "Puwede bang paki-bigay sa asawa ko itong isa. Ito para sa n'yo." Nakiki-usap na saad nito. "No probelem, sir. Ako ang magdadala." presenta ni Freda na kaagad nang dinala ang bag ng snack. Nang maiwan sila doon ay hindi na siya nakatiis pa. "Sir, matanong ko lang, asawa ka talaga ni Ma'am Nika? Kasi ang----" "Vivian." Mariing tawag sa kanya ni James na naroon na sa likod ni Mr. Alegre.. Dama niya ang pag-init ng kanyang mukha dala ng pagkapahiya. Pero gusto talaga siuang malaman ang totoo. "Mr. Alegre mukha bang tambayan mo ang lobby ng building ko?" madilim ang mukhang tanong ni James dito. "Sabihin mo nga sa akin Mr. Leviste sino ka sa buhay ng asawa ko?" formal usig ng lalaki. Tila sumikdo ang pulso niya sa antisipasyon. Umaasa siyang mali ang lahat ng balitang kumakalat sa kompanya. "At sino ka naman para magpaliwag pa ako sa'yo, Nika and I---" ngumisi ito saka saglit siyang sinulyapan. Kita niyang umigting ang panga ni James saglit bago muling ibinaling ang atensyon sa lalaking kaharap. "Sabihin na natin she's someone very especial to me, at hindi ako papayag na lukuhin at saktan mo pa si Nika, so if I were you, lubayan mo si baby Nika." "Baby?"nakuyom niya ng mariin ang kamao sa narinig. Malambing ang pagkakabigkas ni James sa pangalan ng babae, and addressing her like that, ibig lang sabihin talagang mahalaga si Nika kay James. "Huwag mo akong buwisitin Mr. Leviste, Nika is my wife," gigit ni Mr. Alegre na halatang galit na. Kahit siya gusto na ring ihampas kay James ang tumbler na nasa harapan niya. Paano nitong nagagawang sirain ang pag-sasama ng mag-asawang 'yon para sa sarili nitong kapritso. "Nanaginip ka Mr. Alegre, you filed annulment, para pakasalan mo ang kabit mo---wait what, don't tell me you regret your actions filling the annulment? Dahil kung oo ang sagot mo, I guess masyado ka ng huli, the annulment will be approved bago pa matapos ang buwang ito." puno ng nanunuyang sarkasmo ang tinig ni James. Dahil sa annulment kaya sinasalo ni James ang babae. Is he really planning to marry her pagkatapos. Paano na siya? Marami pang palitan ng salita ang dalawa pero ipinasya na niyang umalis ang makita niyang paparating si Freda. Ayaw na niyang marinig pa ang pinag-uusapan ng mga ito. Dahil mukhang lalo lang siyang masasaktan. Sa CR siya nakarating upang payapain ang kanyang sarili. Pero mukhang mapanira lang lalo ng araw niya ng makasabay niya si Marites at Kathy sa CR. Ayon kasi sa tsimis na kumakalat sa cafeteria. Siya ang dahilan kaya nalipat ito ng department. Kaya panay ang pasaring ni Kathy sa kanya kapag nakakasabay siya nito. "So akala mo ba panalo ka na ha, Bebang. Mag-antay ka lang at makakabawi rin ako sa'yo." taas kilay na sikmat nito habang nakatitig sa kanya mula sa salamin. "Bakit may ginawa ba ako sa'yo? Ano ba ang nagkunwaring sinaktan ng iba at magsusumbong sa boss na akala mo bata?" panunuya niya ito. Sa totoo lang hindi siya makapaniwalang magagawa nitong gumawa ng kuwento para lang magpapansin kay James. "Kung gusto nong makuha ang atensyon ng CEO bakit di ka kaya mag-aapply na janitress ng opisina niya, nagresign na ako." Kapwa nagulat ang dalawang babaing walang magawa sa buhay. Kala niya ay makakaroon siya ng peace of mind kahit ilang sandali lang pero may mga tao talagang sadyang tuwang tuwa atang buwisitin siya. Samantala nagkatiginan naman ang dalawang babaing tinalikuran ni Vivian. "Ang yabang niya," gigil na komento ni Kathy. "Alam mo sa totoo lang naninibago rin ako kay Bebang, hindi naman siya palasagot dati diba. Ao kayang nangyari sa kanya." hindi maitago ang pagtataka sa mukah ni Marites. "Weird no!" "Well, anong malay mo. Sa lakas ng loob niya ngayon mas naniniwala akong may relasyon sila ni Sir James." namumula ang mukhang usal ni Kathy na napalo pa ng kamay nag lababo para lang mapangiwi dahil sa ginawa. "Alam mo sa totoo lang napapa-isip na rin ako kong totoo ang chika mo eh. Imagine ginagawa siyang katulong ni Sir James tapos madalas pa siyang sitahin at pagalitan kahit maliit na bagay. Kaya baka naman nag-aassume ka lang?" nagdududang tanong ni Marites. "Hay naku, girl," namaywang pa ito. "Alam kong may something sila ni Sir. At sisiguruhin kong makakahanap ako ng ebidensya. Tapos sasabihin ko doon sa fiancee ni Sir James para magbreak din nila. At palalabasin nating si Vivian ang ang may gawa. Tinganan lang natin kong di pa siya mawala dito sa kompanya." "Alam mo girl, your so evil..." natatawang komento ni Marites kasabay ng maarting pagsasalita nito ay ang maarting pagtikwas ng kamay nitong may hawak na lip gloss. "Duh!" sagot naman ni Kathy sabay nagtawanan ang mga ito. Naniniwala kasi ang dalawang babae na hindi kalevel ng mga ito si Vivian na hindi nakapagtapos ng college pero nagtatrabaho sa Leviste Corporation. Para sa tulad nila isang malaking insulto si Vivian sa mukha nila. Pabalik na si Vivian sa kanyang area ng magring ang kanyang phone. Kaagad na napakunot noo siya nang makita ang caller niya. Kaya napangiti na lang siya. "Rich!" excited niyang bati dito. "Dumiretso ka sa address a itetext ko sa'yo. I'll be there around seven." imporma nitong ikinagulat niya. "Pabalik ka na?" bulalas na tanong niya dito, kasasabi lang nitong soon kanina. "Ang totoo nasa Hong Kong ako two days ago pa. Nasa Airport na ako ngayon, I'll see you soon okay. I miss you, girl." "I miss you too, Rich. Sige uuwi ako ng maaga ngayon. Kita tayo." excited niyang saad. Ilang taon na rin ng huli silang magkita kaya excited siyang makita ang kaibigan. Hindi niya maitago ang saya sa mukha sa kabila nang nangyari kanina. But her smiles fades ng makita niyang nakatayo sa di kalayuan niya si James, masama ang tingin sa kanya. Akala ata nagliliwaliw na naman siya. "Kaya pala ang tagal mo, nagseselpone ka pa sa oras ng trabaho. Umakyat ka sa opisina ko at maglinis ka." Mando nito. "Nagresign na ako sa pagiging janitress mo, Sir. Kaya uuwi na ako. Marami kang janitress dito sila na lang paglinisin mo." baliwanang sagot niya dito na lalong ikinakunot nang noo nito. "At pumawag ba ako? Hindi, hindi ba?" paasik nitong sagot. "Kaya umakyat ka doon bago pa ako mabuwisit, Vivian." "It's a no, Sir. May pupuntahan pa----" "Sino? Iyong isa pang lalaki mo? Hindi ba masyado ka na atang malandi, Vivian." namumula ang mukhang bulyaw nito. Tila walang paki-alam kung may makakita o makarinig man sa kanila. "Wala ka nang paki-alam doon kung gusto kong lumandi." pinal niyang sagot. Sabay lunok ng sariling laway. "You're not meeting anyone, Vivian? Pumunta ka sa opisina ko kung ayaw mong sisantihin na lang kita ngayon." banta nito. Sumikdo ang pulso niya sa narinig. Pero hindi niya ipinahalatang naligalig siya. At hindi ba mukhang iyon ata ang mas tama niyang gawin? "Then I'll quit." lakas loob niyang sagot dito. Kita niyang pagkabigla sa mukha ni James saglit. Sa mga nalaman niya kanina ano pang dapat niyang ipaglaban. Nagagawa nitong sirain ang relasyon ng iba, para lang makuha ang babaing gusto nito. Kaya ano pang papel niya sa buhay ng isang James Leviste. Ayaw niyang maging babae nito habang buhay. Isang sarkastikong tawa ang pinawalan ni James saka ito naglakad palapit sa kanya. At muling sumama at tumalim ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "Huwag mong sagarin ang pasensya ko Vivian. And why are you getting in my nerves lately? Sa tingin mo ba papayagan kitang makawala sa akin basta basta. Dream on, alam mo kung anong kaya kong gawin. I can make you're life a hell, oras na umalis ka ng hindi ko sinasabi. Alam mo na siguro kong anong kaya ko hindi ba? So don't make me do the worst." "Hindi pa ba worst ang mga ginagawa mo?" mapait na sumbat niya dito. Saka siya ngumiti ng mapakla. "Pagod na ako James. Kaya mong sirain ng relasyon ng mag-asawang 'yon para lang makuha mo ang gusto mo... Anong klasing tao ang gagawa ng ganun?" nag-iinit ang matang sumbat niya dito. "Exactly. Kung nagawa ko silang paghiwalayin, sa tingin mo hindi kita kayang sirain kapag umalis ka." manlilisik ang matang banta nito. "Your my slave until I threw you out of my life, Vivian. Kaya sumunod ka na lang kung ayaw mong---"? "Aalis pa rin ako." sansala niya dito. Wala siyang planong magpatalo pa dito. "I need to meet someone at hindi mo ako puweding pagbawalan. Oo kaya mong sirain ang buhay ko, James, but trust me! Matagal nang nasira ang buhay ko para matakot pa ako sa banta mo. Just do what you want. Gagawin ko na rin ang gusto ko mula ngayon. At hindi mo ako puweding pigilan. Let's end this!" determinadong saad niya at nakipagtitigan sa galit na mga mata ni James.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD