Kabanata 5: Galit
SAPO ang nasaktang mukha na napatingin si James kay Vivian. Ikinagulat niya ang ginawa nito. Kita niyang nanginig ito habang kuyom ang kamao nito.
Pinag-antay siya ni Vivian sa opisina niya tapos malalaman niyang nag-undertime ito nang hindi nagsasabi sa kanya. Kaya lalo siyang naiinis ngayon.
"Umalis ka na at ayaw kitang makita. Ayaw ko nang maging janitres mo!" pulang pula ang mukha nito at halatang gusto nang umiyak. May inis na pilit na nag-uumalpas sa kanyang pagkatao sa sandaling 'yon. Ito ang unang babaing nanakit sa kanya. Noon emotional ngayon ay nagawa na nitong sampalin siya. But for some reason it wasn't that painful at all.
"Slap me again, Vivian you'll pay for it next time," banta niya dito.
"Insultuhin mo pa ulit ako. I'll punch your face next time." pagpapakatatag nitong sagot at halos mamula ang mukha.
What is wrong with her? "Bakit dahil may bago ka na? Sino ba ang totoy na 'yon ha?" marahas na sighal niya dito. Hindi niya papayagang matalo siya ni Vivian. Siya ang dapat mang-iwan dito ngayon. Hindi siya papayag na basta na lang siya nito ipagpalit ulit sa iba.
Masyado na nitong niyurakan ang kanyang p*********i noon.
"So sinadya mong buwisitin ako! Dahil ayaw mo nang maging janitres ko? Pero babae pa rin kita, kaya huwag mo akong artihan. Huwag mong kalimutang pumayag ka sa kasunduan natin." humakbang siya palapit kay Vivian nang hindi inaalis ang titig niya sa namumulang mukha nito.
"Pumayag ako sa kasunduan dahil---"
"Dahil akala mo mamahalin kita ulit... akala mo mababaliw ulit ako sa'yo," sarkastiko niyang tinawanan si Vivian. At kitang kita niya ang pait na sumilay sa mga mata nito. "I just want to fvck you.. Kaya huwag kang umasang mamahalin pa ulit kita, Vivian. Isa ka na lang sa mga babae na puwede kong ikama kapag gusto ko." pang-iinsulto niya dito.
Yes, parusa lang niya kay Vivian ang lahat ng kanyang ginagawa. Wala naman siyang paki-alam kong anong gustong gawin nito sa buhay nito.
Wala nga kasi dapat siyang paki-alam pero heto siya at nasa harap ni Vivian ngayon. Insulting her... cause she deserve that. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Kung bakit kasi hindi siya makatiis kanina na hindi ito sundan. She can't ditched him like she did before.
"Kahit ata pagpapatawad hindi ko pa kayang ibigay sa'yo, Vivian. Kaya don't expect na mamahalin ulit kita. Dahil kahit lumuhod ka pa sa harap ko hindi ko magagawang patawarin ka. Kaya gawin mo lang kung anong gusto ko. At ako ang magsasabi kong tapos na ako sa'yo saka ka lang lalaya mula sa mga kamay ko." matalim ang tinging ibinigay niya dito.
Wala nang epekto sa kanya ang mga luha ni Vivian. Dahil walang dahilan para kaawaan niya ito. Dahil siya ang higit na nasaktan sa pangluluko nito sa kanya noon. He did give her everything. Ibinigay niya ang lahat ng pagmamahal niya dito noon.
Pero hindi ito nakontento at mas pinili ang ibang lalaki. "You know how much I hate you, do you?" tuya niya dito. Lalong lumamlam ang mga mata nito.
"Oo, hindi ako bulag." mapait nitong sagot pero nginisian lang niya si Vivian. "Pero gusto kong mapag-isa. Umalis ka na." taboy nito na ikinagbigla niya.
"Are you kidding me? Anong karapatan mong utusan ako, Vivian. It's late. Bukas na tayo umalis."mando niya dito
"Hanggang kailan ba tayo magiging ganito, James." tanong nitong nakayuko. "Ganun ba kahirap para sa'yo na patawarin ako. Ang gusto ko lang naman maging maayos ang lahat. Can't you just give me the chance." luhaang saad nito. Sa mga mata nito ay bakas ang takot na hindi niya alam kung para saan.
"What chance do we have, Vivian? You cheated on me at sabi mo, gagawin mo lahat ng gusto ko mapatawad lang kita. Kaya hanggang hindi kita kayang patawarin, wala kang karapatang magreklamo o tumangi. You're mine," humakbang siya palapit dito. Patuloy ang pagpatak ng luha nito. But he keep his gazed emotionless. Hinila niya ang batok nito palapit sa kanya, glared at her wet face. "Katawan mo ang kabayaran sa lahat ng atraso mo sa akin. So stop that crocodile tears of yours, cause I ain't going to believe any of it. Malaya ka na sana kung hindi ka bumalik para guluhin ang mundo ko, kaya kung may dapat kang sisihin sa nararanasan mo ngayon. Sisihin mo ang sarili mo." patuyang saad niya dito.
WALANG nagawa si Vivian kundi ang talikuran na lang si James saka siya nagtungo sa kanyang silid. Pero nagulat siya ng nasa likod niya ito.
"Bakit?" matamlay niyang tanong dito.
"Do you expect me to sleep at the living room. Be my guess." Papasok na sila ng kuwarto ng matigilan ito. Iginala ang mata sa paligid. Saka ito napa-ismid.
Nanatiling walang pagbabago kasi ang hitsura ng kanyang kuwarto. They used to slept in her room nang mamatay ang ama niya noon. Dahil ayaw nitong mag-isa siya sa bahay. Kahit malayo ang trabaho nito. Mas pinipili nitong umuwi sa kanya noon.
Mula kung saan ay tila agos ng tubig ang mga masasayang alaalang matagal rin niyang iningatan.
"This is bull sh*t.." iritadong saad nito. Oo nga pala. It was the same room, na nahuli siya ni James with Roy. Hindi naman dapat ganun ang plano. But things went out of hand.
"Puwede ka sa living room." sabi na lang niya dito. Kahit hindi nito aminin alam niya kung anong iniisip nito ngayon. Ginawa na kasi niyang storage ang dating kuwarto ng kanyang magulang. Dahil nalulungkot lang siya kapag nakikita niya ang dating silid ng mga ito.
"No... sa extention bed ka." utos nito.
"Pero kuwarto ko ito?"
"So, I'm you lover. Dapat lang na ako ang matulog sa kama. And I haven't had dinner yet just to remind you." utos nito sabay hilata sa kama. Napapailing na kumilos na lang siya para bumaba upang ipaghanda ito ng makakain.
Habang naghahanda, napatingin siya sa kamay niyang isinampal niya kanina kay James. Sa totoo lang hindi niya naisip na gagawin niya 'yon. Akala niya ay gaganti ito. Madalas kasi ginagantihan talaga siya ni James kapag may nagagawa siyang hindi nito gusto.
Ilang beses na bang napunit ang mga damit niya kapag galit ito sa kanya. Pero mukhang pagod ito kaya nanahimik na lang. Bitbit ang tray na may lamang pagkain na nagtungo siya sa kuwarto.
Pero naabutan niya itong mahimbing na ang tulog, nakadapa sa kama na tanging boxer lang ang sout. Isa isa niyang dinampot ang hinubad nitong damit at isinabit sa hanger. Gustong gusto talaga nitong pahirapan ang buhay niya at ginagawa siyang tagaligpit ng mga kalat nito.
Sa opisina at sa condo nito. Siya ang tagaligpit ng kalat. Tagaluto kapag nirequest nito. She even prepared him his clothes. Wala naman siyang reklamo doon. Ayos lang sa kanyang pagsilbihan si James. Ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao.
Pero iba sa kanila ni James, siya na lang ang nagmamahal dito. He hates her. Nagpapakatanga na lang kasi talaga siya para lang makasama ito.
But lately lagi na lang siyang natatakot at kinakabahan na isang araw wala na ang lahat na pinaghihirapan niyang bawiin. Handa na ba talaga siyang mawala ang lahat ng ito?
Hindi na niya ginising si James. Inayos na lang niya ang kumot nito saka muling ibinalik sa kusina ang pagkain. Minabuti niyang sa salas na lang matulog. Magtatalo lang sila kapag nagising itong magkatabi sila. Matagal na kasing sira ang pull out bed ng kama niya.
Dala nang pagod ay nakatulog naman kaagad siya.
Kinabukasan. Maaga pa rin siyang nagising.
Nagtungo siya sa banyo para maligo, pagkatapos magbihis ay naghanda siya nang almusal. Hindi naman mapili si James sa pagkain kaya baked mac na lang ang ihinanda niya. Paborito ni James 'yon kahit noon pa kaya talagang pinag-aralan niyang gawin 'yon.
Naghahanda siya ng hapag ng magring ang phone niya. Nagtaka siya na naroon 'yon. Mukhang dinala ni James ang cellphone niya. Tanda niyang naiwan niya 'yon sa area niya. Kaya nilapitan niya ang phone niyang naroon sa ibabaw ng lamesita. Kaagad niyang sinagot ang tawag ni Rachelle. Ang kanyang bestfriend--- napangiti siya.
"Guess, what, Viv?" masiglang bungad nito.
"What?"
"Pauwi na ako next week." excited nitong saad na ikinagulat niya. Natuwa naman siya sa balitang 'yon. Ilang taon rin itong nanirahan sa New Zealand kasama ng ina nito para magtrabaho.
"For good na ba, Rich?" masiglang tanong niya dito.
"Hmm...depende. I'm planning to start a business there. Maganda sana dito kaso nga lang. Mas gusto kong manatili na ulit sa Pilipinas. Kaya I'll see you soon okay. Sana naman may boyfriend ka na this time friend." tudyo nito na saglit niyang ikinatahimik.
"Ah... wala akong boyfriend." sagot niya para lang magulat sa paglingon niya ay naroon si James nakatayo sa may pinto ng silid niya. Kaagad na kumunot ang noo nito sa di niya malamang dahilan.
"Pambihira ka naman, huwag mong sabihing umaasa ka pa rin sa ex mo ha. Bebang, it's time to spread your wings and find new man. Saka balita ko umuwi rin si Jared? Matagal nang umaasa 'yon friend." pabirong saad nito.
"Ano bang ibig mong sabihin?" kunot noong tanong niya dito.
"Ah basta! Hayaan mo at maghahanap tayo pareho ng magiging asawa." positibong sabi nito. Pero kaagad na ring nagpaalam dahil may tumatawag umano dito.
"Mag-almusal ka na?" aluk niya kay James na nakatitig pa rin sa kanya salubong ang kilay.
"May Jared na, may Rich ka pa?" patuwang saad nito na umiigting pa ang panga. "Hind ko alam na ang dami mo palang lalaki."
"James, kumain ka na lang okay." nahahapong saway niya dito. Ayaw niyang makipagtalo pa dito ng ganun kaaga. "Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Kung iyon ang makakabuti para sa akin. Mula ngayon isipin mo na ang lahat ng masama tungkol sa akin. Baka sakaling mapatawad mo na rin ako at matapos na ang kasunduan natin." aniya sabay kagat ng kanyang dila upang itago ang pait sa lalamunan niyang gustong mapakawala ng frustrated na pag-ungol.
Kailangan na niyang sanayin ang sarili. At kapag handa na siya, siya na ang kusang aalis sa tabi ni James. Kung puwede lang sana sa lalong madaling panahon na.