Kabanata 4: His Still the Same

1877 Words
Kabanata 4: His Still The Same "IPINAPAKALAT ni Vivian na---" "No! Hindi iyon, tinawag mo siyang walang pinag-aralan?" Napatitig si Vivian kay James, kung kanina nakatuon ang galit nitong mga mata sa kanya, ngayon ay sa babaing kaharap nila. Mukhang nagulat naman si Kathy at hindi makapagsalita. Hindi marahil nito alam--- si James ang tipo ng taong ayaw na ayaw sa mga taong nagmamaliit sa iba. Isa iyon sa mga dahilan kaya nagustuhan niya noon si James. Akala niya nawala na iyon dahil puro pangmamaliit at pang-iinusulto na lang lagi ang natatangap niya dito. Pero mukhang ito pa rin ang James na minahal niya noon. Gusto niyang matawa sa sarili dahil nagagawa pa niyang isipin 'yon sa sandaling 'yon. Nagulat siya nang magdial ito sa phone nito, isang ring lang at sumagot naman kaagad ang kabilang linya. "Alfred check the CCTV for me?" Sinabi nito ang lokasyon nila. At ang oras. Kitang kita niya ang pagkataranta sa mata ni Kathy. Mabuti na lang at taklesa ang babae at hindi napanindigan ang pagiging maamong tupa nito. Saglit na tahimik si James. Saka biglang tumitig sa kanya? Pero dahil alam naman niyang wala siyang kasalanan kaya inirapan niya si James na ikinaisang linya naman ng kilay nito. "Is that so?" anito sa kausap saka binitawan si Kathy. "Did you intentionally tripped yourself to blame her?" usig nito kay Kathy sabay turo sa kanya. "Ah... no Sir," tarantang saad nito sabay kumpas pa nang mga kamay sa ere. "..naramdaman ko talagang may tumulak sa akin, at...at kami lang naman ang nadito so..." natigil ang sasabihin nito ng sarkastikong tumawa si James. "Next time Miss Acosta, make sure na tama ang bintang mo bago ka mag-akusa. You can leave now." mahinahong taboy nito sa babae na pulang pula ang mukha. At least she was expecting him to let Kathy apologize to her, sa pagbibintang sa kanya pero pinaalis lang ito ni James. Sa inis niya ay gusto niyang ibato dito ang hawak niya tumbler bottle. Mukhang nagkamali siya ng iniisip. Nagbago na si James. "Why are you not answering my call?" baling nito sa seryosong mukha ng sila na lang ang naroon. "Nakasilent ang phone ko, Sir. Bakit mo ako tinatawagan?" formal niyang sagot. "Pumunta ka sa office ko, maglinis ka." utos nito. "Kapag ako ang nakagawa ng kasalanan sa iba, kailangan pilitin mo akong mag-apologize, pero wala kang paki-alam kong pagbintangan man ako ng iba. Hindi ko ba deserve na makatangap ng apology mula sa mga taong nagmamaliit at nag-iinsulto sa akin?" masama ang loob na usig niya dito. "Why would I care about that? Ask her to apologize to you then." walang ganang sagot nito saka siya tinalikuran at nagtungo sa lift. Napadaing siya nang makagat niya ang kanyang labi ng mariin. Saka padabog na naglakad patungo sa exit. Dinig niyang tinawag siya ni James. Pero tuloy tuloy lang siyang naglakad pababa ng hagdan. "Kaya mo 'yan Bebang, gusto mo 'yan eh." sermon niya sa sarili habang mabagal na naglalakad pababa ng hagdan. SA KABILANG banda. Badtrip si James na hindi pinansin si Vivian ang pagtawag nito. Ngayon pati sa pagsakay sa lift ay ayaw nitong sumabay sa kanya. Nakarating si James sa opisina nito na mainit ang ulo. "Alfred, let me see the CCTV copy. Ako lang ang may karapatang magpahirap sa buhay ni Vivian..." lintaya nito saka tuloy-tuloy na dumiretso sa opisina nito. Napapailing naman si Alfred na sumunod sa amo. Bitbit ang clip ng video na kinopya na nito in advance dahil kabisado na nito ang boss nito. Pagdating kay Vivian, lahat inaalam ni James. Kahit madalas itong galit sa dalaga. Pero sa nakita ni Alfred kanina sa CCTV alam niyang mas magagalit ito. Mukhang pinag-iinitan si Vivian ng supervisor nito. Kaagad niyang inabot ang usb dito. Tahimik ito at formal ang mukhang nakatitig sa monitor. At kita niya ang pagtangis ng bagang nito. Saka ito malutong na nagmura. "Transfer that b*tch to other department!" utos nito kay Alfred na ikinagulat ng huli. "Copy. Nakapaglunch ka ba sa cafeteria?" "Hindi! Magpadala ka na lang ng lunch ko. Damn you Bebang!" pigil ang boses na sikmat nito. Tumango na lang si Alfred at pasimpling ngumiti bago tuluyang tumalikod. Sinulyapan pa ni Alfred ang kalat na papel sa lamesita. Sumasakit ang mata niya sa kalat pero hindi niya puweding galawin 'yon. Dahil tanging si Vivian lang ang maaring maglinis ng kalat sa opisina ni James kapag naroon ito. Pero sumapit na ang hapon ay hindi dumating si Vivian. "Tang 'na naman!" Dinig ni Alfred ang pagtama ng kung anong bagay sa pader. Kaya napa-iling na lang ito. Kaya bago pa siya tawagan ni James ay tinawagan na niya si Vivian sa line sa receptionist para paakyatin. Pero si Freda ang sumagot para sabihing nag-undertime umano si Vivian. Napahilot na lang si Alfred ng sintido nito. As soon as lumapag ang receiver niya ay kaagad na nagring 'yon. It was James line. "Bakit wala pa si Vivian?" bungad nito sa iritadong tono. "Ah, nag-undertime daw, Sir sabi ni Freda." "What!" Galit na bulalas nito kaya nailayo niya ang receiver sa tainga niya. "Damn that woman!" NAGPASYANG umuwi ng maaga si Vivian, pero hindi sa condo na tinutuluyan niya kundi sa dati niyang bahay sa Laguna. Once a month ay umuuwi siya doon para ipalinis ang bahay. Hindi kalakihan ang dating bahay niya. Ayaw niyang ibenta dahil iyon na lang ang tanging alaala na mayroon siya sa kanyang magulang na pareho na siyang iniwan. At isa pa wala na siyang matitirahan kapag ibenenta niya 'yon. Kumalat ang liwanag sa paligid ng buksan niya ang ilaw. Maayos at malinis ang loob ng bahay. Nagpalinis siya doon noong nakaraang lingo. Bitbit ang ilang grocery item niya para may makain siya hanggang bukas. Aagahan na lang niyang umalis. Kung tutuusin kaya naman niyang mag-uwian. Pero dahil hindi siya maaring magpagod ng husto araw araw kaya pinili niyang mag-aparment na lang. Mukhang nagkamali siyang i-give up ang apartment niya. Wala tuloy siyang mapuntahang mas malapit. Masyado ata siyang umasa na posible pa sila ni James. Kaya unti-unti kailangan na niyang tangapin ang katotohanan kong ayaw niyang maging isang certified mistress. Matapos ayusin ang kanyang pinamili at ipagluto ang sarili nang makakain ay saka siya umakyat sa kanyang silid. Pero hindi pa man siya nakakapagbihis ay dinig na siya ang katatok mula sa pinto sa ibaba. Ayaw sana niyang kumilos dahil pagod na siya pero mukhang persistent ang panauhin niya. And to her surprise. Ang kababata niyang si Jared Ledesma ang naroon. Kaagad na sumilay ang masayang ngiti sa dating kaibigan. "Finally nagkita rin tayo Bebang," ikinagulat niya nang bigla siya nitong yakapin. At buhatin sa ere. "Jared, akala ko..." kapwa sila nagkatawanan ng ibaba siya nito. Magkaibigan sila ni Jared mula noong mga bata pa sila. Pero bigla na lang itong nagpasyang magpunta sa America at doon na nanirahan. Si Jared ang naunang nakaalam ng plano niyang pagsagot noon kay James. "Kailan ka pa dumating?" "Three days ago, nagulat ako nang sabihin sa akin ni Aling Pilar na dumating ka kaya nagpunta ako kaagad dito. Iniwan ko ang meeting ko para lang makita ka, ang hirap mong kontakin eh." may himig pagmamaktol ang tinig nito. "So ano hindi mo man lang ba ako papasukin?" untag nito. "Ah oo, pasensya na, ang laki na ng pinagbago mo, parang dati kaunti lang ang tangakad mo sa akin ah." pagbibiro niya dito. "Grabe ka, seven years ago pa 'yon. Pasenya na nga pala, nabalitaan ko ang nangyari sa Papa mo, nasabi sa akin ni Rachel pero hindi ako naka-uwi." tukoy nito sa matalik niyang kaibigan at kababata rin nila. "Matagal na 'yon Jared. Kaya okay na ako, isa pa ang layo ni Rachel noon. " aniya saka ito pinapasok sa salas. "So for good ka na dito?" usisa niya nang magkaharap na sila sa salas. Pansin niyang iginala nito ang mata sa paligid. "Depende, kung magkakaroon pa ako ng dahilan para manatili dito." makahulugang saad nito. "Akala ko hindi na tayo magkikita ulit." bakas ang kasiyahan sa mukha nito. "Ah... kayo pa rin ba noong James?" "Ha?" bigla siyang nakadama ng pagkailang. Paano ba niya i-address ang relasyon nila ni James. "Hindi na, pero siya ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko ngayon." pag-amin niya. Hindi na rin naman kailangan malalam ni Jared ang tungkol sa affair nila ni James. "Talaga ba? Mabuti naman." nakangiting sagot nito. "May pasalubong nga pala ako sa'yo pero sa susunod ko na lang dadalhin ha, nakalimutan ko sa pagmamadali ko eh." Ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Jared. Marami itong ikinuwento sa kanya na mga nangyari sa buhay nito. Pero siya wala masyadong naikuwento dito. Hindi naman naging ganun kaayos ang buhay niya noon, lalo ng maghiwalay sila ni James. Sinabayan na rin siya ni Jared na magdinner. Madilim na nang magpasyang magpaa-alam sa kanya ang binata. Sa totoo lang nagulat siyang malamang single pa rin ito. Guwapo kasi ito kahit noon pa man. At mas lalo itong naging magandang lalaki ngayon. "Tawagan kita bukas, or I can pick you up, kung babalik ka rin agad ng Manila?" aluk pa nito ng palabas na sila. Magsasalita sana siya ng umagaw sa atensyon niya ang kotsing pamilyar sa kanya na nakapark malapit sa kotse na naroon rin sa tapat ng bakod niya. Gawa sa bakal iyon na medyo may kataasan kaya kita pa rin ang kalsada. "Hindi na Jared, maaga ako aalis. May pasok pa kasi ako. Tawagan na lang kita bukas. Mag-ingat ka." aniya dito. Tila atubili naman itong umalis. Pero napabuntong hininga na lang ito. Pasakay ito ng kotse ng bumukas ang pinto ng kotse na nasa umahan ng kotse ni Jared. It was James. Muntik ng sumikdo ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. Kita niya ang galit sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Hindi parking, area ito pare." anang ni Jared na naudlot ang pagpasok sa kotse. "Mukha ba akong magpapark lang dito." pasinghal na sagot ni James na nilampasan si Jared at pumasok sa gate. Kita niya ang pag-aalangan sa mukha ni Jared. "Well you be fine here, Bebang?" naninigurong tanong nito. "Bakit mukha ba akong masamang tao sa paningin mo? Umalis ka na dahil kakausapin ko pa si Vivian." taboy ni James dito. "Let's talk." formal nitong saad ng nasa harap na niya ito. Ipinagtataka niya kung bakit naroon ito ng ganung oras. "Ayos lang ako Jared, salamat sa pagdalaw. Tatawagan na lang kita bukas." pag-aasure niya dito. Halatang napipilitan naman itong umalis, pero wala rin naman itong magawa. Hinayaan niyang maunang maglakad papasok ng bahay niya si James. Naabutan niya itong nakatayo sa sofa habang nakapamulsa. "Bakit ka nandito?" mahinahong tanong niya. "Why else, nag-undertime ka nang hindi nagpapa-alam sa akin. Para lang makipagkita sa ibang lalaki, nag-enjoy ka ba sa kanya? Mukha nang maliit ang---" Isang malakas na sampal ang hindi niya napigilang ibigay sa mamumulang mukha ni James na ikinatigalgal nito. At kahit siya ikinagulat niyang magagawa niya 'yon. Pero hindi niya ipinahalata. "Makinig ka James, ginagawa ko naman ang lahat ng gusto mo. But you see wala akong planong maging kabit mo habang buhay kaya huwag mong isiping mananatili akong babae mo kahit may asawa ka na. Kaya wala kang karapatang pagbawalan akong makipagdate o makipags*x sa iba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD