Kabanata 3: Umiwas Kahit Masakit.
HINDI mapigilang mapa-ungol ni Vivian habang walang tigil ang ginagawang pagbayo ni James sa ibabaw niya. Kapwa sila pinagpapawisan. Alam naman niya ang dahilan ni James kapag pinapapunta siya sa condo nito. Para magparaus ng init ng katawan nito.
Iyon na lang kasi ang silbi niya dito. Kaya bakit siya tatangi. Iyon na lang ang pagkakataong mahahawakan at puwede niyang isiping pag-aari pa rin niya si James. Kahit saglit lang at kahit pansamantala lang, sapat pa para sa kanya.
And she accept all that without hesitation. Ganun siguro talaga katanga at kabaliw dahil sa pagmamahal niya para kay James, pero ito, nababaliw lang ito sa sandaling kaligayahang kaya niyang ibigay dito.
"Oh... fvck you Vivian..." pausang ungol nito at halos mayanig ang kama nito sa bilis at lakas ng bawat bayo ni James sa kanya. Kaya napapalakas lang ang ungol niya. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit siyang nakaraos pero ayaw pa rin siyang tigilan ni James kahit halos ala una na nang madaling araw.
"Ba--" kusa niyang pinigil ang sasabihin. Muntik na niya itong matawag na babe. Iyon ang dating endarement nila sa isa't isa. At ayaw na ayaw nitong binabangit niya 'yon. "James...ahh ahh, kailangan ko..ahh." tinapik niya ang braso nito, naiihi na kasi siya pero ayaw pa rin nitong huminto muna.
"Fvck you, Vivian!" singhal nitong pulang pula ang mukha na napahinto sa ginagawang pagbayo sa kanya.
"Kailangan ko lang magbanyo." paki-usap niya. Kaya marahas itong lumayo na ikinasinghap pa niya ng maghiwalay ang kanilang katawan. Mabilis niyang hinila ang tuwalya upang takpan ang kanyang kahubdan.
"Make it fast!" inis nitong utos. Hindi man lang ito nag-abalang takpan ang sarili. Napangiwi si Vivian ng maramdaman niya ang hapdi sa kanyang b****a dahil sa walang tigil na pagbayo ni James sa kanya.
Ewan niya kung bakit hate na hate siya ni James pero kapag nasa kama naman sila. Halos ayaw siya nitong tigilan. Kaya madalas tuloy parang lamog na lamog ang pakiramdam niya. Kaya madalas pa siyang nagkakapasa. Sensitive talaga kasi ang kanyang balat. Pero wala naman itong paki-alam doon. Kahit nakikita naman nitong nagkakapasa siya lagi.
Nang matapos ay naabutan niyang nakatayo si James at nagsout na nang boxer nito. "Sige darating ako ngayon." sagot nito sa kausap sa phone. Saka dinig niya ang mura nito, sabay lingon sa kaya. "Hindi pa tayo tapos Vivian." banta nito saka nagsimulang magbihis.
"Babalik ba ako sa unit ko?" alanganing tanong niya. Dahilan para humarap ito sa kanya. Saglit siyang napatitig sa peklat nito sa bandang dibdib nito. Matagal na siyang kuryos kong paanong nagkaroon ng ganong peklat si James. Pero madalas singhal at galit lang ang sagot nito sa kanya.
"This scar will remind me what kind of person you are Vivian. And every time I see this, I will hate you everyday of my life." iyon ang sagot nito sa kanya noon nang huling beses siyang nagtanong tungkol doon. As if kasalanan niya kung bakit may ganun itong peklat sa katawan.
Pero nang tanungin naman niya si Alfred ay hindi umano nito alam kung bakit. Hanggang sa nasanay na lang siya. Besides hindi naman kawalan sa p*********i ni James ang peklat sa katawan nito.
"Of course I don't want you to stay in my place." walang paki-alam nitong sagot habang isinusout ang damit nito. Sa ibang pagkakataon puwede niyang isiping ayaw nitong mag-isa siya sa unit nito. Pero alam niyang hindi ganun ang ibig sabihin noon, James never want her to sleep with her. Kaya kung nakakatulog man siya sa kama nito pagkatapos nitong magparaus sa kanya. Mas pipiliin nitong matulog sa sofa nang mag-isa.
"Okay..." tipid niyang sagot saka dinampot ang kanyang damit na nasa sahig at nagtungo sa banyo. Pero bago niya isinara ang pinto ay dinig niya ang marahas na mura ni James.
Napatingin na lang siya sa salamin sa harap niya. "Kapag ikinasal ka na sa iba kailangan na kitang iwasan kahit masakit." kausap niya sa sarili saka mabilis na inayos ang sarili. Wala na si James paglabas niya nang banyo. Kaya nagpasya na lang siyang umalis at bumalik sa unit niya.
KALAT sa boung opisina ang balita tungkol sa pagpasok ni Nika Miranda sa kompanya ni James ng araw na iyon, kaya naman hindi siya mapakali buong araw. Masama ang loob niya kay James dahil pagkatapos ng gabing iyon na bigla na lang itong umalis ay hindi pa sila nagkakapag-usap nang maayos. Noong Friday pinaglinis siya nito ng opisina nito saka siya inutusang magluto ng dinner. Pero magdamag siyang naghintay hindi man lang ito dumating.
Ngayon ay mag-isa siyang kumakain sa cafeteria. Hindi kasi sila maaring magsabay ni Freda at madami sa mga kaopisina niya ang ayaw sa kanya.
"So who you ka ngayon, Vivian. Pumasok na pala ngayon ang future wife ni Sir James," patuyang saad ni Kathy na talagang huminto pa sa harap niya. Parang sarap batuhin ng hawak niyang tumbler para lang tantanan siya nito. But she choose to ignore her. Maya maya pa ay pumasok ang babaing topic ng lahat kaya biglang natahimik ang cafeteria. Pero mukhang baliwala lang naman sa babae ang mga tao sa paligid. Hindi niya mapigilang makadama ng ingit kay Nika Miranda.
Sandyang maganda dito kahit hindi naman ito ganun katangakad. She had that soft delicate skin. Mukhang mahusay itong mag-alaga ng katawan nito. Hindi naman siya maintim at hindi rin naman maputi, pero kung tatabi siya sa babae makikita ang kaibahan ng estado nila sa buhay sa kinis pa lang nang balat nito.
Gusto niyang mainis sa sarili ng parang kinakain siya ng labis na ingit. Kahit mukhang hindi naman nagyayabang si Nika. Hindi nito kasalanang maganda ito.
Mukhang VIP treatment rin ito kahit sa pagkain. She had meal same as what is being serve to James. Kaya lalo lang sumasama ang loob niya.
Nakaharap sa direksyon niya ang puwesto nito kaya hindi niya maiwasang pasimpling pagmasdan ang mabagal na kilos ni Nika. Kahit ang pag galaw nito halatang may class.
Mukhang naramdaman nitong nakatingin siya dito kaya nag-angat ito ng tingin saka alanganing ngumiti sa kanya. Kaya kahit ang pait ng lalamunan niya ay nagawa pa rin niyang ngumiti ng tipid dito saka itinuon ang atensyon sa pagkaing halos hindi niya malunok.
Dinig niya ang bulong bulungan sa paligid, pero si Nika mukhang wala itong paki-alam. Sa kabilang banda naisip niyang may pagkakatulad siya ng babae. Pareho silang walang paki-alam sa mga tao sa paligid nila.
Patapos na siyang kumain ng matanggap niya ang tawag mula kay James, bagay na ipinagtaka niya. Pero dahil asar pa rin siya sa ginawa nito sa kanya noong Friday kaya pinili niyang hindi sagutin ang tawag nito.
Alam nitong kaarawan niya noong Friday, kaya gusto niyang magpapalam ng early out, pero imbis na payagan siya pinaglinis pa siya ng opisina nito.
Nagpasya na siya, iiwasan na niya si James sa abot ng kanyang makakaya. Dahil hindi niya pangarap na maging babae nito kahit may asawa na ito. Lalo't mukhang mabait naman si Nika.
Palabas na siya ng cafeteria ng sabayan siya ni Kathy. "Hindi ka ba naiingit sa fiancee ni Sir James?" taas kilay na tanong nito.
"At bakit kailangan kong maingit ha?" aniyang pilit pinatatag ang tinig. Sa sarili lang niya aamining tama si Kathy dahil hindi niya papayagang lalo siya nitong tuyain pa. Nasasaktan na nga siya, gusto pa siya nitong buwisitin ng husto.
"Well, hindi ka na ipapatawag ni Sir James sa opisina niya sa hapon dahil may fiancee na siya, kawawa ka naman." pang-aasar pa nito.
"Ganun ba, makakabuti 'yon dahil nakaka-uwi ako ng maaga, kaya lang imposible namang gawin niyang janitres ang fiancee niya." inirapan niya si Kathy ng muling magring ang phone niya, it was James again. Dinig niya ang pag-ismid ni Kathy, malamang nakita nitong si James ang tumawag sa kanya. Sir James kasi ang nakaregister na pangalan nito sa phone niya.
Pero dahil ayaw niyang kausapin ito kaya pinatay na niya ang tawag.
"Wow, ha ang kapal naman ng mukha mong deadmahin ang tawag ni Sir James." panunuya ni Kathy sa kanya.
"Gusto mo ikaw ang tawagan niya?" sarkastikong baling niya dito. "Bakit ba napaka-ingitera mo? Kung gusto mong ikaw ang tawagan bakit hindi ka kaya sumipsip. Wala kang alam sa akin kaya tigilan mo ang ingit mo Ms. Kathy. Hindi dahil supervisor kita hayayaan ko nang bastusin mo ako lagi. Nagtitimpi lang ako dahil ayaw ko nang gulo, pero huwag mo akong sasagarin kung ayaw mong makita ang hinahanap mo." Banta niya dito. Saka niya ito tinalikuran ng biglang sumigaw si Kathy, paglingon niya ay nakasalampak na ito sa sahig. At sa di kalayuan ay napalingon naman si James na hawak ang phone nito.
Nagmadali itong lumapit sa babaing nakasalampak sa sahig. "Miss Acosta, what happened to you?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni James ng makalapit sa babae at inalalayan pa itong tumayo.
"Ouch!" padaing na usal ni Kathy na hindi niya maunawaan kong paanong natumba ang malditang supervisor niya sa sahig. Napakalampa naman nito. Sa isip isip niya. "Bakit mo ba kasi ako tinulak, Vivian?" mangiyak-ngiyak pang saad nito.
"Ano?" bulalas niya.
"Vivian!" mariing tawag ni James sa kanya, sa itsura nito mukhang tiwalang tiwala ito sa sumbong ni Kathy. "Are you out of your mind, she's your supervisor, damn it!"
"Wala akong ginagawa sa kanya." giit niya. Pero alam niyang hindi ito maniniwala.
"Huwag ka na ngang magsinungaling Bebang, tinanong lang naman kita kung anong masasabi mo sa fiancee ni Sir pero bigla mo akong tinulak." mabilis na naglandas ang luha ng babae... And she was speechless.
"Ginawa mo 'yon, dahil sa isang maliit na bagay ha?" nanlilisik ang matang tanong ni James sa kanya. "Kanina pa ako tumatawag s'yo. Pero hindi mo sinasagot dahil nakikipag-away ka na parang bata." walang prenong akusa nito. "Anong karapatan mong manakit ng iba?"
"Ayos lang naman ako, Sir. Salamat sa tulong." pinalambing pa ni Kathy ang boses at kulang na lang yumapos kay James kaya lalo siyang naiirita.
"Should I suspend you for being a bully?"
"Suspend me? Huh!" inis na palatak niya na ikinagulat ni James. "Bago mo ako i-suspend hindi ba dapat mag-imbistiga ka muna kung totoong tinulak ko ang babaing 'yan. Pero ano bang paki-alam mo. Makitid naman kasi talaga ang utak mo!" walang gatol na saad niya saka tinalikuran ang mga ito. Dinig niya ang maarting ekspresyon ni Kathy.
"Damn it Vivian!" nagulat siya nang hilahin ni James ang braso niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. "Apologize to her!" madiing utos nito.
"Bakit ako mag-aapologize wala akong ginawang masama sa kanya?" giit niya. Kung tutuusin si Kathy ang dapat mag-apologize sa kanya dahil wala na itong ibang ginawa kundi ang insultuhin siya.
"Huwag mo akong galitin Vivian?"
"Ah.. Sir okay lang po. Hindi naman natin napipilit ang mga taong walang pinag-aralan na alamin ang lugar nila. Minsan talaga ambisyosa na sila. Actually pinapakalat niyang may relasyon daw kayo." anang ni Kathy na parang maamong tupa.
"Anong sabi mo?" halos mag-isang linya ang kilay ni James na tumitig sa babaing nasa tabi nito. At kita niya ang pagdilim ng mukha nitong bumaling sa kanya.