Chapter 16 Pagkatapos nilang mag-jetski ni Vivoree ay nagpahinga muna saglit si Roch. Habang nakahiga ay hindi niya mapigilan na hindi mapangiti dahil naalala niya nanaman si Vivoree. Hindi niya talaga alam kung bakit ganoon na lang siya kaattract sa dalaga kahit na hindi man lang niya ito kilala ng lubusan. Pagkatapos magpahinga no Roch ay naligo siyang muli at nag-suot ng damit niya pang opisina. Habang nakaharap sa salamin ay napapangiti siya na para bang isang baliw. Pagkatapos ay dumiretso siya sa conference room na kanyang hiniram sa opisina ni Giodano upang iyon ang gamitin nila ng Jarexx Group sa kanilang pag-memeeting. Mataas ang tiwala ni Roch na papayag ang Jarexx Group sa kanilang proposal kaya naman habang palapit siya ng palapit sa conference room ay hindi man lang ito nak

