Chapter 17 "Si Grandpa, isinugod siya sa ospital kaninang madaling araw. Inatake daw sa puso at hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising." para tuloy binuhusan ng malamig na tubig si Roch pagkarinig pa lang ng sinabi ng Kuya Hunter niya. Habang si Ephraim ay natigilan sa kabilang linya. Kitang-kita nila ang reaksyon ng bawat isa. Hindi naman inaasahan ni Emphraim na ganun ang sasabihin ni Hunter. Kahit naman na malupit at may kasungitan ang kanilang Lolo ay hindi nila hiniling na may mangyari sa kanya. "Oliver! Wala na bang ibibilis ang yateng ito?!" biglang sigaw ni Roch kay Oliver saka siya tumayo upang puntahan ang nagpapatakbo ng yate ng siya ay makabawi na mula sa pagkakabigla dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. Ganoon din naman si Ephraim, bigla itong nawala sa screen ngunit rin

