Chapter 24 Dahil dumating na si Zach sa resort ay nagkayayaan silang uminom. Inaya nila si Hughes kaso ang sabi niya ay may aasikasuhin pa ito para sa resort kaya naman hindi na sila nagpumilit dahil alam naman nilang abala ito sa pag-aasikaso sa naiwanang resort ng kaibigan nilang si Giordano. Agad rin naman nagkabati sina Roch at Octavo, syempre hindi nila matiis ang isa't isa kahit ano pang away o tampuhan ang maganap sa kanila. Pinili na lang din nilang mag-inom para kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan at sakit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang kanilang matalik na kaibigan. Tapos sina Pariston at Jason ay wala din dito dahil nasa ibang bansa sila para sa kanilang negosyo, tuloy hindi buo ang kanilang barkadahan na nag-iinuman ngayon. Pero kahit silang apa

