Chapter 23 Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa din nahahanap si Giordano. Naiinis nga silang magkakaibigan dahil sumusuko na ang mga rescuer na hanapin siya. Malakas ang kutob nila na buhay pa ang kanilang kaibigan. Sa ngayon dahil sa pagkawala ni Giordano ay si Hughes muna ang namamahala sa kanyang resort para naman kapag nakabalik na siya ay nasa ayos pa din ito. Simula ng mawala si Giordano ay mas naging laman sila ng iba't ibang bar at club. Hanggang sina Pariston at Jason ay parehas na pumunta ng ibang bansa para sa kanilang negosyo doon. Sina Maximo, Zach, Roch at Octavo ay naging busy din sa kanilang personal na buhay maging sa kanilang negosyo. Pero kahit ganun ay gumagawa pa rin sila ng paraan para naman makatulong sa paghahanap kay Giordano. Bumibisita rin sila sa res

