"Padala na lang sa address na ito ang gamit ko at ang gamit ni Vivoree, salamat," sabi ni Roch pagkatapos niyang iabot sa dalawa niyang tauhan ang ilang bag nila. Kakarating lang kasi ni Roch ngayon ulit sa condo ni Vivoree at hanggang ngayon ay natutulog pa rin ang dalaga. May pinuntahan lang siya saglit kaya naman pinabantay niya muna sa kanyang mga tauhan si Vivoree. Sinilip niya muna si Vivoree sa loob ng kanyang kwarto at mahimbing pa rin itong natutulog. Bago umalis kanina si Roch sa condo ng dalaga ay maingat niya munang ginamot ang sugat at pasa na natamo ni Vivoree. "Maghahapunan na pala," wika ni Roch sa kanyang sarili pagkatapos niyang tignan kung anong oras na sa kanyang orasan. Pumunta si Roch sa kitchen area ni Vivoree at tinignan kung ano ang maaari niyang iluto para sa d

