Walang pakialam si Roch kung mabangga man siya sa mga oras na ito. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho ng kanyang kotse dahil hindi maalis sa isipan niya ang umiiyak na boses ni Vivoree. Wala namang nabanggit na kung ano si Vivoree sa kanya ngunit nang tawagin nito ang pangalan niya ay alam niyang may mali kaya naman wala na siyang sinayang na oras at pinuntahan na niya ito. Pagkapark pa lang ni Roch ay agad siyang bumaba sa kotse niya. Mabuti na lang at natignan niya noon sa profile ni Vivoree kung saan nakatira ngayon ang dalaga. Kaya naman hindi na nahirapan pa si Roch na puntahan kung saamg condo siya ngayon nakatira. Mabuti na lang talaga at mabilis magresponse ang elevator kaya naman hindi na niya kinakailangan na gamitin ang hagdanan. Patakbo na siyang lumabas ng elevator

