Chapter 19 Sumapit ang araw ng kasal nina Leandro at Jasmine. Sina Roch at Edric lamang ang naging saksi sa kanilang kasal sa simbahan. Pagkatapos ay kumain silang apat sa labas para i-celebrate ang mahalagang okasyon na ito dahil sa wakas ay pinagbuklod na sila ng diyos sa araw na ito. Habang patagal na patagal ang araw hanggang sa maging buwan ay nagiging maganda ang takbo ng negosyo nina Leandro at Edric. Kaya naman nagawa na rin ni Leandro na ipabago ang apelyido ni Roch sa Fajardo. Nakangiti sa isa't isa sina Leandro at Jasmine habang pinagmamasdan nila ang batang si Roch na yakap-yakap ang kanyang birth certificate sa kanyang pagtulog. Tuwang-tuwa kasi si Roch ng iabot ni Leandro sa kanya ang kanyang dokumento. Dahil sa tuwa ay napaiyak siya. Sa paglipas din ng buwan ay mas madami

