Chapter 20 "Sir Roch?" dahil sa lalim ng iniisip ni Roch ay hindi niya namalayan na nakalapag na ang sinasakyan nilang chopper sa rooftop ng hospital. "Sir Roch? Ayos lang po ba kayo?" tanong muli ni Oliver kay Roch mabuti na lang dahil muling nanumbalik sa kanyang wisyo si Roch kaya naputol ang pag-alala niya sa kanilang nakaraan. Mabilis na hakbang ang ginawa ni Roch papunta sa kwarto ng kanyang Lolo Rodolfo. Maya-maya ay nakarating na siya at naabutan niya sa labas ang kanyang ina at ama, maging si Thalia na kanyang kapatid. "Mama, papa, kamusta po si Lolo?" tanong ni Roch sa kanyang magulang ngunit bagsak ang balikat ng kanyang ama na umiling. "Hindi pa rin nagigising si Grandpa kuya," malungkot na wika naman ni Thalia. Lumapit si Roch kay Thalia saka niya ito hinalikan sa noo mag

