Chapter 4
Masayang-masaya si Vivoree habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan para pumunta sa condo ng kanyang boyfriend na si Ethan. May dala rin siyang cake dahil ngayon ang kaarawan ng kanyang nobyo. Habang nagmamaneho ay hindi maiwasan ng dalaga na mapatingin sa ginawa pa niyang cake atsaka siya napapangiti. Mahahalata sa mukha ni Vivoree ang pagmamahal niya sa kanyang nobyo dahil sa kislap ng kanyang mga mata at kung paano siya ngumiti sa tuwing naaalala si Ethan.
"Tiyak akong magugustuhan eto ni Ethan," bulong pa ni Vivoree sa kanyang sarili habang nakatingin pa din sa box kung nasaan ang cake na kanyang binake.
Nagkakilala silang dalawa sa isang kasal ng kaibigan ni Vivoree nagkataon na siya ang maid of honor at si Ethan naman ang naging bestman. Sa reception pa lang ay nagkapalagayan na sila agad ng loob. Kaya napapayag agad si Vivoree na ibigay ang kanyang cellphone number nang hingiin ito ni Ethan. 'Yun pala ay si Ethan ang irereto ng kanyang kaibigan sa kanya. Mabuti na lang daw at nagkakilala na agad silang dalawa. Simula noon ay nag-dadate na silang dalawa at makalipas ang tatlong buwan ay sinagot na niya ang binata noong sinurprise siya nito sa isang mamahaling restaurant. Maalaga at mapagmahal si Ethan kaya naman nagtagal sila ng tatlong taon, kaya naman hindi naisip ni Vivoree na magagawa siyang lokohin ng nobyo. Si Ethan na nga ang nakikita niyang makakasama niya sa panghabangbuhay.
Nang makarating na si Vivoree sa parking lot ng condo building kung saan ang unit ni Ethan ay pinark niya na muna ang kanyang pulang kotse saka siya bumaba at kinuha ang cake na siya pa ang nag-bake dahil gusto niya na maging espesyal ang kaarawan ng kanyang nobyo. Habang nasa elevator ay naaalala ni Vivoree ang masasayang alaala nilang dalawa.
Bahagya pa nagulat si Vivoree dahil dapat ay ilalagay na niya ang code sa maliit na monitor ng unit ni Ethan ay bukas ang unit niya. Nagtataka siya dahil hindi naman iyon ugali ng kanyang nobyo na iwanan iyon ng bukas. Kahit pa sabihin na mahigpit ang security ng condo ay mahirap na. Dahil bukas naman ang condo ng kanyang nobyo ay pinili na lang niya na pumasok doon. Binagalan pa niya ang kanyang paglalakad dahil gusto niyang isurprise si Ethan.
"Baka tulog pa siya," bulong niya ngunit napahinto siya ng makarating siya sa sala ng condo dahil magkalat doon ang tshirt at pantalon ni Ethan. Pinulot iyon ni Vivoree na may pagtataka dahil alam niyang hindi burarang tao si Ethan.
Napatigil siya dahil may narinig siya na kaluskos na nagmumula sa kwarto ni Ethan. Kaya dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan ng kwarto ni Ethan. Pagtapat pa lang sa kwarto ni Ethan ay may narinig siyang mahihinang ungol. Ungol na nasasarapan sa kung ano ang kanilang ginagawa sa loob ng kwartong iyon. Hindi alam ni Vivoree ang dapat na gawin. Pinangunahan siya ng takot at hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan ngayon.
"Aah! Nakikiliti ako Ethan!" natatawang sabi ng isang boses babae na may kasamang ungol kay Ethan kaya naman nagsimula na tumulo ang mga luha ni Vivoree. Gusto niyang pumasok sa loob ng kwarto ngunit hindi niya magawa, hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Gusto rin niyang umalis na lang doon ngunit parang may pumipigil sa kanya para gawin iyon. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. Naguguluhan na siya sa mga oras na ito.
"Diba may pasok ka pa ngayon sa opisina?" rinig ni Vivoree na tanong ng babae. Hindi alam ni Vivoree pero hinihiling niya na sana ay huwag sumagot si Ethan o ibang lalake ang nasa loob ng kwartong iyon, na baka may pinatulog lang ito na ibang tao sa kanyang condo. Pero gumuho ang kanyang mundo nang sumagot si Ethan sa babae.
"Mas gusto kitang makasama ngayon babe. Saka nakakasawa na titigan ang pagmumukha ng Vivoree na iyon. Kung hindi lang naman dahil sa kayamanan nila hindi magtitiis sa kanya ng tatlong taon no," halos mapaupo sa sahig si Vivoree dahil nanghihina ang kanyang mga tuhod sa mga naririnig niya mula kay Ethan. Hindi nito aakalain na makakpagsalita ng ganun ang kanyang nobyo dahil kapag siya ang kaharap ay para itong santo na hindi magagawang manloko. Pero lahat ng akala niya ay mali. Habol lang pala nito ang kanyang pera.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo hiwalayan mo na siya eh," may himig na pagtatampong sabi ng babae kay Ethan.
"Sa tingin mo kung matagal ko na siyang hiniwalayan makakabili ka ng mamahaling damit at sasakyan. Isip-isip ka nga Jessica."
Hindi na talaga makayanan ni Vivoree ang kanyang mga naririnig kaya kahit nanghihina siya ay pinilit niya na lang na ihakbang ang kanyang mga binti. Sa bawat paghakbang niya ay tumutulo ang kanyang luha. Sa bawat hakbang din niya ay naririnig niya kung paano magniig ang dalawa, kung paano siya lokohin ng lalakeng inaakala niyang matapat sa kanya at ang lalakeng nakikita niyang makakasama niya sa habangbuhay. Lahat ng akala niya ay para naging isang bula na lamang ngayon.
Itinapon ni Vivoree ang box kung saan nakalagay ang cake na kanyang ginawa. Dahil isa namang basura ang dapat na sana ay pagbibigyan niya ng cake na pinaghirapan niyang ibake. Nakatulala at nanghihinang naglalakad si Vivoree habang pasakay sa kanyang kotse. Doon na niya nailabas ang galit, lungkot at pagkasawi niya. Pakiramdam niya ay sinasaksak siya ng paulit-ulit sa kanyang puso. Wala rin tigil niyang pinagpapalo ang manibela ng kanyang sasakyan kaya naman nahahagip niya ang busina neto. Nang mapagod ay sumandal na lang siya sa kanyang manibela at umiyak ng umiyak hanggang sa hindi niya nalamayan na nakatulog na pala ito sa kanyang sasakyan.
"Be careful next time, lalo na at kasama natin ang kapatid ko," malumanay ngunit may diing wika ni Roch sa kanyang driver dahil ito ang nag-drive ng kanyang sasakyan papunta sa condo kung saan nila ihahatid si Thalia dahil birthday daw ng kanyang bestfriend at doon ito i-cecelebrate ang kaarawan nito sa condo nito. Paano ba naman kasi ay muntikan na nito mabangga ang katabing kotse na naka-park sa parking lot.
Pagdating kay Thalia ay overprotective talaga si Roch. Ayaw niyang nasasaktan o inaapi ang kanyang nakakabatang kapatid. Kahit seventeen years old na si Thalia ay nakabantay pa rin sa kanya ang kanyang Kuya Roch. Dahil kapag nasaktan ang kanyang nag-iisang kapatid ay baka kung ano na ang magawa niya. Bagay na minsan ay ikinatatakot ni Thalia sa kanyang kapatid ngunit mahal niya ang Kuya Roch niya at malaki ang respeto niya sa kanya.
"Sorry po Sir," nakayukong sabi ng driver at tila kinakabahan dahil baka mamaya ay tanggalin siya ng kanyang boss. Minsan pa naman ay wala ito sa kanyang mood at kapag may nagawa kang mali ay basta ka na lang nito tatanggalin at hindi ka na hahayaan pang magpaliwanag.
"It's okay Kuya, safe naman tayong nakarating dito eh," nakangiting sabi ni Thalia sa kanyang Kuya Roch. Dahil doon ay ginulo ni Roch ang buhok ni Thalia na naka-braid kaya napa-pout naman sa kanya ang nakababatang kapatid. Nakahiligan na ni Roch na asarin si Thalia sa pamamagitan ng paggulo nito sa buhok ng kapatid.
"Hindi naman ako galit. Ang gusto ko lang ay ayusin niya ang pag-dradrive lalo na at siya ang maghahatid sa 'yo mamaya pauwi. Okay Axel?" sabi ni Roch saka niya tinignan ng seryoso si Axel, ang driver nila.
"Yes Sir Roch."
Dahil doon ay napanatag na ang loob ni Roch kaya naman bumaba na siya ng kotse upang pagbuksan ng pintuan ang kanyang kapatid. Ang usapan kasi nila ni Axel ay siya ang gagawa nun kay Thalia kapag kasama siya ng kapatid at kapag wala ay si Axel naman. Bukod sa pagiging driver ni Roch minsan ay mas priority ng trabaho nito ang maging bodyguard at driver ni Thalia.
Minsan lang naman kasi magpa-drive si Roch dahil ang giit ni Roch sa kanilang papa at mama ay marunong naman siyang mag-drive. Ano pa at siya na ang CEO ng automotive company nila kung hindi siya marunong mag-drive. Pagkatapos pagbuksan ni Roch ng pintuan ng kotse ay nagpasalamat si Thalia sa kanyang kuya. Isasama din nila sa loob ng condo si Axel dahil mamaya ay aalis na din siya sa party dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa kanilang opisina.
Pipindutin pa lang sana ni Axel ang button ng elevator ng magbukas iyon at biglang lumabas ang isang babae na nakatulala at tila wala sa sarili. Hindi man lang nito napansin si Roch na busy kakatingin ng kanyang email sa kanyang hawak na cellphone kaya naman nabunggo nito si Roch dahilan upang muntikan ng malaglag ang cellphone ng binata. Dahil doon ay napatingin si Roch sa babae na ngayon ay nakatalikod na habang naglalakad papunta sa sasakyan nito.
Ipinagsawalang bahala na sana ni Roch ang bagay na iyon ngunit nagulat sila ng may narinig silang malakas na busina kaya muli ay napalingon siya kung saan nanggagaling ang businanh iyon. Hindi niya tuloy napansin na nauna na palang pumasok sa loob ng elevator sina Thalia at Axel at hinihintay siya. Nakatuon lang ang kanyang mga mata sa babaeng nagwawala sa loob ng kotse. Pinagpapalo nito ang kanyang manibela at halata din na umiiyak ito batay na rin sa galaw ng balikat nito. Hindi alam ni Roch pero nais niya itong lapitan at tanungin kung ano ang problema niya. Baka makatulong siya. Ngunit sa pagtawag ni Thalia sa kanya ay bumalik na siya sa kanyang katinuan.
"Kuya Roch, are you okay?"
---