Chapter 5: Love At First Glance?

1262 Words
Chapter 5 "Kuya Roch, are you okay?" Dahil sa tanong ng kanyang kapatid ay bumalik sa wisyo ang kanyang sarili. Umiling ito kay Thalia at sa huling pagkakataon ay muli niyang binalingan ang babaeng nakabunggo sa kanya na kanina lamang ay nagwawala sa loob ng kanyang sasakyan na ngayon ay nakasandal na sa kanyang manibela. Nakaharang kasi sa mukha nito ang buhok ng dalaga kaya hindi niya man lang makita ang buong mukha nito. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa elevator na kanina pa pinipigilan ni Axel upang huwag magsara dahil wala pa sa loob si Roch. Pagkarating pa lang sa floor ng unit ng kaibigan ni Thalia ay sinalubong na siya ng kanyang kaibigan na si Shaine. Nasa likod lang ni Thalia sina Roch at Axel. Kilala na rin naman ni Roch si Shaine kaya panatag itong iwan dito sa kanyang party. Madalas rin naman kasing nasa mansion nila si Shaine at minsan kapag pinapayagan ng magulang ay doon siya natutulog sa kwarto ni Thalia. "Thaliaaaa!" natutuwang sigaw ni Shaine nang makita si Thalia kasama ang Kuya Roch nito at si Axel ang personal bodyguard ni Thalia at kung minsan kapag kailangan ay driver ni Roch. Nang magkalapit silang dalawa ay nagyakapan ang dalawang magkaibigan. "Happy birthday Shaine, bestfriend ko," matamis na bati ni Thalia sa kaibigan. Si Shaine lang talaga ang kaibigan ni Thalia magmula pa elementary. At si Shaine lang din ang naging kaibigan niya na pumapayag ang Kuya Roch niya na samahan niya. Sa totoo lang dati ay marami siyang naging kaibigan ngunit hindi sila naging totoong kaibigan ni Thalia. "Happy birthday Shaine," nakangiting bati ni Roch sa kaibigan ni Thalia kaya naman nilingon siya ni Shaine at napangiti ng makita. "Kuya Roch! Thank you po," nakangiting sagot ni Shaine kay Roch. "Mabuti po at nakapunta rin kayo." "Actually hinatid ko lang talaga si Thalia. Si Axel ang makakasama niya," nakangiti ring sagot ni Roch habang napatingin sa kanyang relo. "Heto nga pala ang regalo ko." Saka inabot ni Roch ang isang maliit na box na may ribbon pa kay Shaine. Masaya naman iyong tinanggap ni Shaine saka siya nagpasalamat. "Uh, happy birthday Shaine," nahihiyang bati ni Axel kay Shaine. "Pasensya ka na wala akong regalo," nahihiyang wika ni Axel. "Naku, okay lang iyon! Ang importante nandito kayo ng bestfriend ko. Diba Thalia?" nakangiting sagot ni Shaine kay Axel sabay tingin kay Thalia kaya naman napangiti si Thalia sa kanyang sinabi. "Tara na po, pasok na po tayo sa loob. Nasa loob na din po sina mama at papa." Aya sa kanila ni Shaine pero tumanggi si Roch sa paanyaya ng kaibigan ni Thalia. Kailangan niya din kasi pumasok ng maaga sa kanyang opisina dahil madami pa siyang aasikasuhin. At mamaya ay magbabar sila ng mga kabarkada. Nangako kasi sa kanila si Giordano na pupunta ito at siya ang manlilibre. Napangiti na lang si Roch ng maalala niya ang kalokohan nila kanina bago siya umuwi sakanila para ihatid si Thalia dito sa condo ng kaibigan niya. Mabuti na lang dahil medyo nawala na ang sakit ng ulo niya dala ng hangover ng maligo siya. "Mauuna na ako Thalia at Shaine. Madami pa akong aasikasuhin sa opisina. At mamaya ay may lakad kami ng mga kaibigan ko," nakangiting paalam ni Roch sa kanila. "Axel ikaw na ang bahala sa kapatid ko okay?" "Pakikamusta na lang ako sa kanila kuya," nakangiting sabi ni Thalia. "Happy birthday ulit Shaine," sabi nitong muli saka nginitian ang kaibigan ng kapatid. Saka siya naglakad paalis doon at yumuko naman sa kanya si Axel bilang tanda ng pagrespeto dito. Paglabas niya sa elevator ay agad niya tinignan kung saan nakaparada ang sasakyan ng babae kanina. Nandoon pa iyon at nakita niya na hindi gumagalaw ang babae habang nakayuko sa kanyang manibela. Ang naiisip ni Roch sa mga oras na ito ay baka nakatulog ito sa sobrang kakaiyak at pagwawala kanina kaya naman minabuti niyang lumapit doon. Alam ni Roch na dapat ay wala na siyang pakialam sa bagay na iyon ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil hindi niya mapigilan ang na mangialam. Nakakaisang hakbang pa lang si Roch ay biglang may kumatok sa may bintana kung saan ang driver seat. Lalake ang kumakatok sa bintana ng kotse nito. Hindi na rin nakita ni Roch kung nagising ba yung babae o hindi. Napatingin si Roch sa kanyang paligid saka siya nakunot ng noo. Muntik na nga niya mabatukan ang kanyang sarili dahil bakit dito sa parking lot siya dumaan. Pwede naman doon sa unahan ng condo building dahil hindi naman siya ang magdradrive ng kanyang sasakyan ngayon. "Ano ba ang nangyayari sa akin?" napapailing na sabi ni Roch sa kanyang sarili at hindi na niya binigyan pa ng pansin ang babae kanina at sumakay na lang ng taxi papunta sa Fajardo Automotive Group, Inc. kung saan siya ang CEO ng nasabing kumpanya. Nagising si Vivoree sa ilang katok mula sa labas ng kanyang sasakyan. Hindi niya aakalain na makakatulog siya mismo sa loob ng kotse sa labis na kakaiyak at pagwawala. Napatingin siya sa taong kumakatok sa bintana ng kotse, si Ethan ang kumakatok. Sa pagtingin pa lang kiya sa binata ay para nanamang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso niya at naalala pa nito ang sinabi nito kanina sa kinakama niya. Hindi matanggap ni Vivoree na all this years na naging sila ay minahal lang pala siya nito dahil sa pera. "Pera na lang ba ang mahalaga sa mundong ito?" tanong niya sa kanyang isipan. Pagkatapos ay mas humigpit ang pagkakapit niya sa kanyang manibela. Hindi na siya papayag na muli siyang maloko ng walanghiya niyang boyfriend, ay hindi mali ex-boyfriend. Tama na ang mga narinig niya mula dito kanina. Tama na naging tanga siya sa loob ng tatlong taon para hindi makita ang panloloko ni Ethan. Mabuti na lang talaga at hindi pa niya naibibigay ang kanyang p********e sa walanghiyang ito. Iyon siguro ang maipagmamalaki niyang hindi niya naging katahangahan. Sinenyasan niya si Ethan na pumasok sa loob ng kanyang kotse. Nakita pa niya ang pagngiti ni Ethan sa kanya bago ito pumasok sa kanyang sasakyan. "Kanina ka pa ba dito? Bakit hindi ka pumasok?" halata naman sa lalake na kinakabahan siya. "Kakarating ko lang tapos biglang sumakit ang ulo ko," pinilit ni Vivoree na ngumiti sa harap ni Ethan para hindi siya mahalata nito. Ni hindi nga man lang nito nahalata ang pamamaga ng kanyang mata eh. Jerk! "Anyway, happy birthday," bati ni Vivoree. "Hon," isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Ethan pagkatapos ay hinawakan niya ang hita ni Vivoree at hinamas-himas iyon. "Birthday ko naman. Baka pwede iyon na lang ang iregalo mo." "Not now hon, pag kasal na lang tayo. Special night iyon kaya dapat special din ang ibibigay ko sa 'yo diba?" gustong masuka ni Vivoree sa mga oras na ito ngunit pinipigilan niya lang ang kanyang sarili. Dahil doon ay napasimangot naman si Ethan. "Ibibili na lang kita ng kahit anong gusto mo tutal birthday mo naman," isang ngisi ang sumilay sa labi ni Vivoree dahil sa kapilyahang kanyang naisip. Dumiretso sila sa isang mall at pumasok sa isang mamahaling store. Tinitignan lang ni Vivoree si Ethan na pumipili ng mga bagay na maibigan nito. Bagay sa mga nakikita ni Vivoree ay karamihan doon ay pang babae. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil kumikirot nanaman ito. Naiisip nanaman niya kasi yung mga nasaksihan niya sa condo ni Ethan. Minahal at pinakitaan niya ng mabuti si Ethan pero eto lamang ang igaganti niya sa kanya. Ngayon oras na para siya naman ang mang-iwan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD