Ngayon ang kasal ni Kuya Nelson. Lahat sila ay nasa venue na habang ako ay nandito pa sa loob ng aking kwarto. Nakatitig sa suit and tie ko na nakasabit sa dingding. Para akong tangang nakatulala roon. Ni hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko. Parang wala akong lakas na umattend sa kasal ni Kuya. Parang hindi parin matanggap ng sistema ko na magpapakasal na siya at bubuo ng pamilya. Hindi ko na ulit makakatabi si Kuya at hindi ko na rin magagawa ang mga gusto kong gawin sa kanya. *tok tok tok* Napalingon ako sa may pintuan kung saan nanggagaling ang mga katok. "Migs, hinahanap ka ng Kuya mo. Bakit wala ka pa raw sa venue?" Si Uncle ang nasa labas ng aking kwarto. "A-ayoko pong umattend." Sagot ko rito na medyo basag ang boses. Pinigil ko ang pagpatak ng luha ko. "Bakit naman? Hi

