Sunod-sunod na pinakawalan ng suntok ni Henry si William habang patuloy na bumubuhos ang ulan. At unti-unti naman ay humihina na rin ang bawat pag-atake na ginagawa ni William sa kanya. Tila ang pambihira at kakaibang lakas nito kanina ay unti-unti nang nawawala. At hindi na niya masyado naiinda ang bawat pagsuntok nito sa kanya. Na para bang wala nang dating sa kanya ang bawat pag-atake nito sa kanya. Hindi na rin nagagawang maiwasan nang mabilis ni William ang bawat pag-atake naman niya dito. Sa kanyang palagay ay nawawalan nga ng bisa at kapangyarihan ang mahiwagang kwintas na suot-suot ngayon ni William. Bagay na pinanghihinayangan niya din na nangyayari ngayon. Kung sana ay kanina pa bumuhos ang ulan, hindi na sana kinakailangan na madaming buhay pa ang mawala ngayong gabi sa kanilan

