“Kamahalan, sigurado na po ba kayo sa desisyon ninyong ito? Pwede pa naman pong magbago ang isip ninyo. O hindi kaya’y magpadala na lamang kayo ng mga tao sa lugar na iyon upang ayusin ang nais ninyong ayusin. Mas makabubuti iyon para sa lahat at mas makatitiyak pa tayo sa kaligtasan ninyo,” mahabang pagkukumbinsi ni Lorenzo kay Henry habang sinasabayan siya nitong maglakad patungo sa kanyang malawak at malaking silid. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang matalo niya si William at si Edwin. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mabawi niya sa mga ito ang mahiwagang kwintas na pagmamay-ari ng kanyang ama na nagmula pa sa kanyang ninuno. Ngayon ay unti-unti nang natutupad ang kanyang munting pangarap at hangarin para sa Monarchy Kingdom. Ang magkaroon ng payapa at masayang pamumuhay a

