Mabigat ang mga mata ni Henry nang marahan niyang buksan ang kanyang mga mata. Kaagad din na kumirot ang ulo niya dahil sa kanyang ginawang pagmulat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang kisame at ang ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag sa kanyang kinaroroonan. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagkunot ng kanyang noo dahil sa pagkirot ng kanyang ulo. At pagkalipas ng ilang segundo ay muli na siyang nagmulat ulit ng mga mata. “K-Kaiden? G-Gising ka na?” Kumabog ang puso niya nang marinig niya ang malambot na tinig na iyon sa kanyang tabi. Marahan niyang nilingon ang nagmamay-ari ng tinig na iyon at namilog ang mga mata niya nang masilayan ang nag-aalalang mukha at ang lumuluhang mga mata ng dati niyang asawa na si Faye Nasti. Naramdaman niya ang matinding panunuyo ng ka

