Chapter 35: Promises are meant to be broken "Hindi puwedeng sabay tayo Alexandra. Wala akong gagamiting katawan. At kung makanap ma'y nakakatiyak akong hindi kakayanin ng katawan na iyon ang lakas ng aking kaluluwa." Paliwanag ni Stelian sa akin. Palakad-lakad lang kami sa buong lugar habang pinag-uusapan namin ang gagawing hakbang. "Wala na bang ibang paraan Stelian?" Lubha akong natatakot sapagkat hindi ko alam ang kasunod na mangyayari sa aming buhay. Paano kung hindi na siya makakabalik pa? Ayokong mag-isip ng masama ngunit hindi ko maiwasan. Ayokong mabuhay nang puno ng lungkot. At ayokong maging malungkot si Stelian rito. Ang higit na ikinakatakot ay ang mabuhay na wala siya. "Wala na Alex, hindi natin hawak ang ating tadhana." "Pero puwede naman nating gawin hindi ba?

