ALICE "Uh, are you allowed to go out tomorrow?" sabi ni Mike nang pababa na ako ng motor niya. Inihatid niya kasi ako hanggang bahay kahapon. This is the fifth time simula noong naging kami. Dalawang linggo pa lang kami ni Mike bilang magkasintahan, kaya hindi pa kami nakakapag-date. Although we are always together at school pero puro din naman academics ang usapan namin o kaya mga bagay na nakahiligan na namin na gawin noon pa. Para lang kaming magkaibigan, maliban sa parte na may holding-hands, pahatid-hatid sa bahay, at selosan nang nagaganap kagaya nung kay Nathan kahapon. "Huh? Tomorrow?" sambit ko habang iniisip kung papayagan ba ako. Hindi ko pa naman nasabi kina Mama at Papa na may boyfriend na ako. I quickly thought of a lie to make things possible. I know, ang sama ko, pero

