ALICE "Tama ako ng hinala," ito ang biglaang wika ni Nathan sa tabi ko. Nasa labas na naman kasi ako ng classroom nila Mike, hinihintay na matapos ang lecture nila. And as usual, lagi kong nakakasalubong si Nathan. Nakita niya ako na naghihintay kaya lumapit siya sa akin at kinausap ako bigla. I don’t want to appear snob kaya kahit ayaw ko ay sinagot ko pa rin siya. I chuckled. "Anong hinala ba 'yan?" I asked with a hint of arrogance on my voice. I know I shouldn't act like I already know his crime, iyong pag-iwan niya sa akin sa ere. Pero I can't help it lalo na kung ako na mismo ang may hawak sa katawan ng batang Alice. Every action and emotion belong to me. I am no longer caged. "Hinala na may gusto sa iyo si Mike," he responded, nagulat ako. Sa sobrang gulat ay napalingon ako s

