ALICE [Mike: Good morning babaeng hindi marunong lumandi! send button ay hindi ko na napigilan na bitawan bigla ang cellphone ko at magpagulong-gulong sa kama sa sobrang kilig. "Aaah! Jusko! Jusko! Kung kailan nag-beintisyete doon pa nakaranas ulit ng kilig! Jusko ka Alice!" bulalas ko sa sarili habang gumugulong pa rin sa kama na may kasamang mahinang tili. Mabilis akong kiligin, at magaling din akong magtago ng kilig. Pero kung may makakita man sa akin na kahit na sinong alam ang sekreto na ito ay malamang ay magsususpetsa na sila na tinatago ko na naman ang kilig ko. Kaya hindi na ako nagulat nang muling tumunog ang cellphone ko at mabasa ang chat ni Mike na: [Mike: Uuuuuuy kinikilig siya. Kunware ka pa!] Napangisi ako dahil dito. Makikipagkulitan pa sana ako kay Mike, kaso nga

