ALICE Ilang beses na akong naglabas-pasok sa kuwarto ko katatanong kina Mama at Andrea. "So, eto? Okay lang?" tanong ko. "Okay din siya, Ate. Diba, Ma?" sabi naman Andrea na nasa baba ang kamay na para bang binubusisi ng mabuti ang suot kong damit. I am wearing a ruffled dress na may coconut palm designs habang suot ko naman ang kaisa-isa kong nude-colored sandal. Good thing na ito ang binili ko noon dahil maraming damit ang nababagay dito. "Ang ganda, saan mo nabili 'yan?" ani Mama na hawak-hawak ang gilid ng kanyang salamin sa mata. "Sa ukayan doon sa Victoria," sagot ko. "Ang gaganda. Bagay sa' yo, Ate." "Gusto mo rin ba, Drey?" Mabilis na lumapad ang labi ni Andrea at kuminang ang mga mata niya sabay sabi ng, "Of course! Bibilhan mo ko, Ate?" "Hindi." Kaagad na napalit

