ALICE
Habang nasa daan ay hindi ko maalis sa isip ko si Mike. Paano ko ba kasi makakalimutan 'yon? How can I forget if after years of silence, years of forced oblivion, with a single electronic mail I have realized that I still have feelings for him? Worse, it's his wedding invitation. Masaya ako na naaalala pa niya ako. Pero kung ganito man lang, sana hindi na lang. Sana nakalimot na lang siya. Edi sana nasa tahimik pa rin itong puso ko ngayon.
The image outside the taxi only makes my heart more sorrowful as it can be. The passersby on the street are unaware of someone who just terribly broke her heart. Terribly. I wonder if a few of them are also going through the same pain? I wonder kung heartbroken din ang blonde na babaeng nakaupo sa labas ng restaurant sa tapat ko ngayon. Naisip ko rin na baka hindi tinanggap ang wedding proposal ng lalaking nakasuot ng mamahaling tuxedo na kalalabas lang sa parehong restaurant.
Wala naman sa itsura nila na heartbroken sila, pero wala naman 'yan sa itsura talaga, hindi ba?
I don't know. No one knows. I feel awful all over my body.
“Nakakainis na aircon naman 'to, malungkot na nga ako ang lamig-lamig pa ng buga ng hangin.”
Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig.
Terrible. Today is terrible. He is terrible for sending me the invitation. For letting me know. Para bang nagpapaalam siya na tuluyan niya na akong iiwanan.
Oh. He left me a long time ago. He already let me go.
But the wedding will only mark that he can never be mine again. Sometimes, I wish I am the feisty type of person. The tough one, a woman oozing with courage to keep a man to her. I wanted to be like that but it's not me. That's not how I am. The only thing I can do is to be happy for him. Ang cliché lang pakinggan, pero ‘yon lang talaga ang kaya kong gawin.
Finally, after almost an hour of trip, I have reached my destination.
I hastily carried my heavy baggage as soon as the taxi had its full stop in front of the high school. My large turquoise travel bag stuffed with all my clothes worth for a week-long stay-in seminar looks like a fat sausage. Not to mention I am also carrying my handbag which is almost as heavy as the baggage even though it is only half the size.
No. It's less than half the size. Nabigatan siguro ang bag sa nilagay kong bath towel. 'Di na kasi kasya sa baggage kaya isinuksok ko na lang ng sapilitan dito
Isa pa hindi lang naman ang mga bag na ito ang problema ko ngayon. Kailangan ko rin ihanda ang mga tenga ko. Sigurado akong raratratan ako ng sermon ni Eric dahil late akong dumating. At saka baka umiyak ako, hindi pa ako nakakarecover.
“Ang hirap naman nito oh!”
Eric's presence as a confidant appeases me enough that I am free to expose my sadness to him whenever I feel vulnerable. Kaya baka hindi ko mapigilan ang lumuha.
"Alice Valencia, what took you so long? Alam mo ba na kailangan kong bitbitin ang lahat ng ito ng mag-isa? Ang sabi ko ala una tayo magkikita. Sa tingin mo? Anong oras na ba ngayon?" Eric yelled while hastily striding towards me.
Inis na inis na siya, kitang-kita ko ang pag-usok ng kanyang ilong at pamumula ng kanyang mukha dahil sa inis.
However, he isn’t able to go full steam on me because before he could even utter the next word, hindi ko na nakayang pigilan pa ang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata.
I felt my tears rising from my nose up until my tear ducts. My throat painful for resisting to cry as if I am choking. Mike is indirectly choking me. Sinasakal ako ng mga ala-ala. Sinasakal ko ang aking sarili.
The pearls in my eyes keep falling but I don't want to appear pathetic as how I already have become. I am trying to speak even though my throat is still throbbing from inside.
"I'm sorry... I-I'm sorry kung late akong pumasok, and— and I'm sorry for crying s-so suddenly when I just got here... I-I'm sorry," sabi ko sa pagitan ng mga hagulgol at uhog na tumutulo sa ilong ko.
I look like a child begging for forgiveness for doing something that she had no idea was just fine, yet she felt it was wrong. I feel just like that. I know it is okay to cry, but I am not in the right place and time. I feel awful for bringing personal matters in my workplace. I feel awful for crying the moment I thought I shouldn't. I am just a big mass of emotions.
"Ally. Ally. Hoy! Ano ba ang nangyari? Sige na. Sige na. Pasensya na kung nagalit ako sa’yo agad ng hindi nagtatanong kung ano ang dahilan," Eric replied in his gentlest voice.
Kahit imposibe naman talaga maging tunog gentle ang boses niya sa kahit anong paraan niyang gawin.
Hinawakan niya ang balikat ko upang maingat akong maalalayan papunta sa aking mesa.
"There, kukuha lang ako ng tubig."
When I get on my table, the first thing I have noticed is the piles of neatly stacked papers that was just all over the place yesterday. Beside me are three large paper bags of supplies that we need in this seminar. These are the tasks that I was assigned to prepare but they are already done.
I cried even more because I knew that Eric did these. Ano bang kabutihan ang ginawa ko sa past life ko para bigyan ako ng kaibigan na kagaya ni Eric?
“Why am I getting so emotional over a stack of papers and three large bags”
"Here. Finish it and calm down." Inabot niya sa akin ang isang baso ng maligamgam na tubig na walang paligoy-ligoy ko rin naman na ininum.
Ang sakit na kasi talaga ng lalamunan ko. After drinking ay lumunok ako ng hangin para tingnan kung nawala na ba ang sakit sa aking lalamunan.
"What happened?" Jessa, a faculty member and a long-time friend asked when she saw my horrifying appearance upon passing in front of my table.
She looked at Eric and asked again, "What happened, Eric?"
Eric just shrugged sympathetically.
"Naaalala mo pa ba si Mike?" I said while sniffing, I am trying to clear my nose so that I can speak clearly.
"Mike?" she paused to recall the familiar name. "Oh, your college buddy! Why? What happened to him?"
"Ikakasal na siya," sagot ko.
Muntikan na akong umiyak ulit nang marinig ko ang sarili ko. It just sounds so unreal to me.
May sasabihin pa sana si Jessa nang biglang nag-ring ang telepono ng faculty office. She raised her hand to me, wide open, indicating to wait for her then immediately walked to the telephone's table.
"Hello?" she answered, "Oh yes, yes... I guess we're ready. Sure po... Okay, were going now, sir..." The phone call keeps going on.
While waiting, I feel that I am finally calming down.
", maayos... ikaw—na ba ang... mo?" Eric asked.
I simply nodded as a response, ngunit tumango lang naman talaga ako dahil hindi ko narinig ng maayos ang tanong niya.
I am too busy spacing out I even failed to noticed that Jessa finished talking on the telephone.
"Uhm, guys. We have to go, nagbigay na ng go signal si Mr. Pacot."
Ah. Of course, I still have to continue functioning. This is what adulthood feels like. You are a slave to your work. It can be tedious but you are not allowed to stop. Don't stop. Well, excited naman talaga ako sa seminar nato. Sa sobrang excited nga ay maaga akong nag-empake.
***
"What about Mike?" tanong ni Jessa.
We are now inside the school bus boarding to the Villa Señorita. I've never been there but the organizers chose the place as they said it has relaxing ambience. Pumayag naman ang lahat. Sino ba kasi ang may ayaw sa ganoong klaseng lugar?
Nevertheless, I look like a mess. I am not paying attention to Jessa the reason why she has to repeat the question.
"Ally? What about Mike getting married?"
"Ah," I uttered, "y-yes he's... ikakasal na siya next week. He sent me an invitation letter through email," I said quietly, squeezing my hands together.
"Sino ba si Mike?" Eric responded, completely puzzled.
"Mike is... was—is. Whatever. He was Ally's college buddy, perhaps not only in college. They were classmates during senior high school years," wika ni Jessa bilang simula ng medyo mahabang kuwento namin ni Mike.
The bus’s rows are three-seater, Jessa is in the middle of us therefore she is next to Eric. I would have answered but she spoke first so I just kept quiet. And one more thing, matagala na kaming magkakilala ni Jessa, simula pa noong high school. I simply trust her sharp memory.
"They’re so close to each other that we thought there was something about them but, it turns out we were… right,” she said laughing, sinusubukan niyang magdagdag ng suspense sa pagku-kuwento. “They actually started acting more than friends in college. When exactly was it, Ally?" Jessa looked at me while squinting her eyes.
"Mga last semester?" I answered quite unsure.
"Yeah, about that time. Unfortunately, Ally and Mike dating each other never happened. Oh, yeah. Bakit biglang natigil kayo, Ally? Ano bang nangyari noon?"
I guess the one thing I have forgotten about is I did not tell the most important part to Jessa. Wala naman kasing nag-akala na magiging mag-kasama kami sa trabaho ngayon.
I explained to them what happened between us, to Mike and I. From the very beginning up until now. What I am feeling — the regrets and sadness that I kept buried in the deepest part of my heart, and how much a sole letter lit a burning desire in me.
"So, pupunta ka ba?" Eric asked, his brows both bending northward.
Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Oo naman, gusto ko lang naman siyang kumustahin," I said, "P-puwede naman siguro akong umiyak, diba? I can cry as a friend kasi I am happy for both of them," paninigurado kong tanong sa kanila.
Napatingin ako sa labas ng bus. I will surely have my emo moment if it happens to be raining today. Funny to say that I am too much emotional even without raindrops sticking on the window.
Halos dalawang oras din ang lumipas nang gisingin kami ni Eric dahil nasa villa na kami. Mabibigat ang mata ng lahat, it's either from sleeping or from the bumpy ride we had.
Makikita sa buong paligid ang mga nagtataasan na puno. Ginawa raw kasing villa ang lugar matapos umalis ang dating may-ari ng mansyon. Binili ito ng kasalukuyang may-ari at pinaganda para pagkakitaan bilang isang villa na puwedeng rentahan ng mga kustomer nila.
Pagpasok pa lang ay bubungad na ang malaking water fountain na halos singtaas na ng tatlong tao na pinagpatong, at ang mga makukulay na bulaklak sa paligid nito.
Kapansin-pansin din ang mahaba at asul na ilog na nasa gilid lang ng mansyon. Kahit na natatabunan ito ng malalaking puno ay hindi pa rin maiwasan na mapatingin dito ang mga taong papasok ng villa at isa na ako doon.
"Ally, do you know kung ano ang tsismiss dito?" sabi sa akin ni Jessa.
"Ang sabi-sabi may kakayahan daw na tumupad ng hiling itong fountain na ito."
Napasilip naman ako sa water fountain at nakita ko ang kumikintab na mga barya sa ilalim.
"Puwede kaya akong magpabarya rito?" biro ko.
"Gag*," tawa ni Jessa.
Anong water fountain ba kasi ang walang kakayahan na tumupad ng hiling? Lahat na siguro ng water fountain sa mundo ay sinasabi na mahiwaga, lalo na ang mga ganito uri ng water fountain — matayog, maganda, at luma. Kumuha ako ng barya sa bulsa ko, piso lang naman, at saka walang mawawala kung susubukan kong magtapon ng piso.
“Sana maibalik ko ang panahon.” bulong ko at pasimple na inihagis sa water fountain ang barya.
Pagpasok namin ng mansyon ay bumungad kaagad sa amin ang masasarap na amoy ng pagkain. Alas syete na rin kasi ng gabi, gutom at pagod ang lahat kaya siguro na minabuti ng villa na ipagluto na kami agad.
Malawak at maganda ang dining hall ng villa. May dalawa silang long table na may tabil na dirty white na table cloth at mga nakatayong limang pulang gumamela sa gitna. Hindi rin mawawala ang malaking chandelier sa taas na nagtila diamanteng nagliliwanag dahil sa ilaw sa gitna nito. Idagdag pa ang naglalakihang litrato na nakasabit sa puti nilang dingding. May litrato ng mga tao at mga tanawin, agaw pansin sa lahat ang litrato ng babaeng nakatayo malapit sa asul na ilog. Maliban kasi sa magandang kulay ng ilog ay kaakit-akit din ang ganda ng babae. May malapad siyang ngiti, tila alon na itim na buhok, at pulang daster na mas pinaganda pa ang hubog ng kanyang katawan.
Nang matapos na kaming kumain ay nagsitungo na kami sa aming mga silid na nasa likod na bahagi lang ng mansyon. May mga kuwarto naman sa ikalawang palapag kaya lang hindi na kami nagpalagay doon — ako, si Jessa, at Eric. Nagsawa na kami sa hagdan, nasa ikatlong palapag kasi ang aming mga classroom kaya as long as possible dapat bawas-bawasan din namin ang paggamit ng hagdan. Nakakapagod kaya.
"Ally, naiihi ako. Saan ba 'yong banyo rito?" tanong ni Jessa. Nasa iisang kuwarto lang kami kasama ang dalawa pang faculty members.
"Ah, sure."
Binitawan ko muna ang mga damit na inaayos ko saka naunang lumabas ng kuwarto para ituro kay Jessa ang banyo. Nasa gilid kasi ito ng mansyon at nakatago sa likod ng dining hall kaya marami ang hindi nakapansin nang pumasok kami kanina.
"Magsi-cr ka rin ba?"
Umiling lang ako bilang sagot.
Habang naghihintay kay Jessa ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Bukas pa kasi ang glass door ng terrace nila and they were not exaggerating about this place having a relaxing ambience.
Ngunit sa hindi ko malaman na dahilan ay dumako ang aking tingin sa ilog na kitang-kita mula sa kinatatayuan ko. Out of curiosity, I stepped down from the platform and slowly walked near the river. As I am going nearer to the river, I can hear the calm rage of the water. The clashing of rocks and water flow as well as the silent echo it created. This could be serene. Okay na sana, subalit mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Siguro ay dahil hindi ko pa naaalis sa isip ko si Mike.
The whole time up until this moment I am trying my best to divert my attention.
“Itigil mo muna kaiisip kay Mike, magtrabaho ka muna.”
But I guess that is not enough. The more I thought about forgetting the more I remember. Para lang akong tanga. Sino ba kasi ang niloloko ko?
"Ally?" rinig kong tawag sa akin ni Jessa mula sa terrace. Tapos na pala siyang gumamit ng banyo.
Tumalikod na ako sa ilog at akmang hahakbang na sana pabalik sa mansyon nang may kumapit sa paa ko. Napayuko ako para tingnan kung ano ito, but before my eyes could even perceive the figure it has already dragged me to the river. Sinubukan kong sumigaw but it is futile since I am underwater. I struggle and struggle. Sinusubukan kong makawala sa kung ano mang bagay na humihila sa akin sa ilalim. Sa gitna ng kadiliman na bumabalot sa ilalim ng ilog, tanging ang kalat-kalat na liwanag ng buwan lang ang aking natatanaw.
Hindi ako makahinga. Patuloy ang pagpasok ng tubig sa aking baga. Sa bawat segundo ay sumisikip din ang aking dibdib, hundred times tighter than before. Nanlalamig na ang buo kong katawan, at hindi ko na kayang igalaw pa ang aking mga kamay at paa.
“Mamamatay na ba ako?”
Ito ang huling salita na naisip ko. I winced and gasped when the peak of losing oxygen inside my body has started. Pakiramdam ko tumigil na sa pagtibok ang puso ko. I guess, this is the end. I stopped struggling and let myself fall deeper into the abyss.
***
"ALICE! ANO BA KANINA KA PA DYAN!"
I immediately opened my eyes when I heard someone calling. Huminga ako ng pagkalalim-lalim para bawiin ang nawalang hangin sa katawan ko.
Buhay ako. Buhay ako sa kabila ng nangyari. Kinapa ko ang sarili para siguraduhin na buhay nga talaga ako. Subalit nahinto ako nang mapansin ang liwanag sa paligid.
“Umaga na ba?”
"Alice! Ano ba? Bakit ang tagal mong maligo?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto pero mas nagulat pa ako nang matagpuan ko ang aking sarili na nasa bathtub. Hindi lang 'yan, nasa bahay ako ngayon, sa bahay ng mga magulang ko na matagal na akong hindi nakakabisita.
Biglang gumalaw ang doorknob ng banyo saka bumungad sa akin ang galit na galit kong mama.
"Ano na? Hindi ka papasok? Isang oras ka na dyan ah," sabi niya habang idinuro-duro sa akin ang bitbit niyang sandok.
Hindi ako nakasagot, dumako ang mga mata ko sa malaking salamin na nasa kuwarto ko, nakatapat kasi ito sa pinto ng aking banyo.
Shuta, bumalik ata ako sa panahon ng sampung taon.