S01: CHAPTER IV

2194 Words
ALICE Magulong kama, mainit na silid, maingay na paligid. Ganyan ko mailalarawan ang sandaling ito. What am I doing here sa bahay ko ten years ago? Joke ba ito? Napakamot ako ng ulo habang hawak-hawak ko pa ang dulo ng tuwalyang nakatapis sa akin. Nasa harap ako ng salamin, and without any doubts ako nga talaga ito. Ako nga ito noong labing pitong taong gulang pa lang ako. "What's happening here?" Kinapa-kapa ko ang aking mukha, ang mukha na may apat na pimples pa; sa may sentido, sa gilid ng baba, sa pisngi, at sa taas ng noo. Napapitik na lang ako ng dila nang mapansin ang mga ito. I can't believe na back to basic na naman ang mukha ko. I spend a lot of money para sa pagpapa-derma huwag lang tubuan ng pimples sa kalagitnaan ng abala kong buhay. Lilibutin ko pa sana ng tingin ang dati kong kuwarto nang bigla na lang na bumukas ang pinto sa harap ko. "Ate! Bilisan mo daw!" Napatalon ako sa sigaw ng batang babae sa harap ko. Suot niya ang puting blouse na obviously, I can tell na school uniform niya tapos may suot siyang plaided na palda na kulay red at black na lagpas tuhod. Ah, may plaided ribbon din pala siya na nakapin sa gitna ng dibdib niya. "W-Why?" aligaga kong tanong. "Anong why? Malelate ka na! Bilis!" wika niya tapos ay mabilis na umalis. Napatingin ako sa maliit na relo na nasa ibabaw ng lamesa na lalagyan ko ng mga butingting. "Six thirty-two," mahina kong wika. Maliban sa life size mirror ay may salamin at lamesa kasi na naka-attached sa isa’t isa na pumapagitna sa dalawa kong aparador. Doon nakapatong ang mga bagay na essential (aka butingting) para sa akin noon. At hindi make-up at mga pabango ang ibig kong sabihin. Mga libro ng Penguin Classics at mga libro ng foreign language ang tinutukoy ko, at iilang papel na rin at sandamakmak na paint brush, watercolor, acrylic paint, at iba't iba pang art materials. Magulo ang lamesa pero hindi pa rin mawawala ang maliit na relo dahil importante sa akin ang oras. "ALICE!" sigaw ulit ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko. At para bang bumalik ako sa panahon na naiirita sa mga sigaw niya, mabilis kong binuksan ang aking aparador at tumambad sa akin ang tatlong uniporme na maayos na nakaplansa. Nang makita ko ang mga ito ay narealize ko kaagad na literal nga talaga akong bumalik sa nakaraan. I simply groaned, "Ah~ bumalik nga talaga ako sa panahon na iyon." Kulay violet na blouse at mas dark violet na palda, iyan ang itsura ng uniform ko ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang magkadugtong nitong tahi at ang walang kuwenta na matabang sinturon na kulay violet din. "Seriously? This ugly uniform again?" Okay wala na akong ibang choice kung hindi ang makisama sa mga pangyayari as of this moment. I'll figure something out once matapos na ang araw ko sa eskwelahan. I mean, I know that I have school today, but it always ends early. Unlike my adulthood, a three o'clock dismissal is always possible when I am in high school. Inaabot kaya ako ng alas siyete sa faculty dahil sa dami ng gawain at tsismis ng mga katrabaho ko. Mas mabuti pa nga talaga noong high school pa ako. I remember my mantra after I graduated in college, “Graduating is a trap.” Mas magiging mahirap ang buhay dahil magsisimula pa lang ang tunay na laban sa oras na nagtapos ka na ng pag-aaral. Sinuot ko na ang nakakainis na uniform na ito. Hinalungkat ko ang likod ng salamin na nagsisilbing lalagyan ng mga pabango at make-up ko raw kuno. Naghanap ako ng lipstick pero as expected of my past self, wala akong lipstick. Hindi pala ako mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko noon. Napatingin ako sa harap ng salamin. Nakikita ko ang sarili kong walang suklay ang basang buhok at suot-suot ang kulay ube na uniform. Walang lipstick, pero hindi maputla, at walang kahit ano man na kolorete sa mukha. "So, this is how I look like ten years ago," sabi ko sa sarili, tapos ay nagpalinga-linga para makita ang gilid ng aking mukha. "Ang dugyot ko nga." "Ay! Jusko kabayo!" gulat kong bulalas nang marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto ng kuwarto ko. Marahas pala na binuksan ni Mama ang pinto sanhi para lumagapak ito sa dingding ng kuwarto "ALICE! Kumain ka na, tapos nang maligo ang Kuya mo!" mandar ni Mama. Oo nga pala. Madalas na nakadepende sa bilis ng galaw ko sa umaga ang hinaharap ko noon. I know. I know it sounds lame, but that’s how my days always began back then... o now... today? Basta, kung mabagal akong kumilos male-late ako sa klase at kapag late sa klase kahit sampu o limang minuto lang ay hindi na ako pumapasok. I can't help it, it’s my way of solving things before — I run away. Lumabas na ako sa kuwarto ko. Just like how it was ten years ago, my room is right beside my sister's tapos kay Kuya naman ang nasa tapat, at katabi ng kanya ay ang kina Mama at Papa. That's the order of this alley and then once I walk straight out here, I will immediately reach the living room. "Ang baduy pala talaga nito," bulong ko. Tatlong sofa na may disenyong suklob na bilog-bilog na kulay green, iyan ang unang-una na nakita ko. Nakaharap sa akin ang mahabang sofa habang nasa gilid naman ang one-sitter na dalawa pa. At nakatalikod naman mula sa kinatatayuan ko ang matabang TV namin. Hindi ko na pinagmasdan pa ng matagal ang baduy namin na sala set at nagtungo na sa kusina. This part is the busiest every weekday morning. Alas kuwarto y medya pa lang ay nagluluto na si Mama. Pagsapit naman ng alas-sais ay lalabas na kaming dalawa ng bunso namin para kumain habang abala na si Mama sa paglilinis ng bahay. Kahit na wala naman talagang masyadong lilinisin. 'Yon ang inakala ko dahil may narinig akong kaluskos ng walis tingting sa labas. Pagtingin ko roon ay andoon na si Mama, nagwawalis ng mga nahulog na dahon ng puno ng bayabas namin sa likod. Oo nga pala, may puno kami ng bayabas noon. Muntik ko nang makalimutan kasi matagal na itong pinutol. "Athe! Thaposh kah na?" tanong sa akin ni Andrea na mag toothbrush pa sa bibig. Si Andrea ang bunso kong kapatid. Sa aming dalawa siya ang pinaka mature mag-isip. Mali nga ata 'yong order ng pagkapanganak sa amin, siya dapat ang nauna at mas matanda. "Ma! Lumabas na si Ate!" tawag niya kay Mama matapos niyang magmumog. Tulad ng sinabi ko, mature si Andrea kaya hindi na nakapagtataka na minsan ay siya pa ang nagbabantay sa akin. At kung hindi ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha, iba si Andrea. She's in her last year in junior high but look at her, she has a neatly tied ponytail, shiny pair of shoes, perfectly leveled white socks, and a clean eyebrow. Not to mention she used eyelash curler to make those pretty lashes of her look even prettier. Kulang na lang ay lipstick at konting pink tint sa pisngi niya kaso bawal ata sa kanila kaya hindi siya naglalagay kahit na marami siyang ganun. "Naku naman Alice! Bakit hindi ka pa tapos?" sambit ni Mama sa sandaling bumalik na siya sa loob gamit ang pinto ng kusina. "Ewan ko ba diyan sa kanya, Ma. Biyernes na Biyernes wala sa sarili," gatong naman ni Andrea. "Anong wala sa sarili? Hoy! Mag-aalas siyete na. Bilis, gumalaw ka na at matatapos nang maligo iyong kuya mo." Hinila ako ni Mama para umupo sa lamesa. Para namang may sariling utak ang mga kamay ko nang kinuha nila ang kutsara. And just like how it was before, kumakain ako habang sinusuklayan ni Mama ang magulo kong buhok. I know, I am a senior high school student who has yet to master hair combing. Originally, hindi naman masyadong wavy ang buhok ko it turned that way lang when I stop combing my hair regularly. Lalo na noong nag-college na ako. May mahaba akong buhok kaya pagkatapos maligo at matuyo na ng konti ay kaagad ko na siyang iniikot at tinatali in a bun. I know, I am lazy but it's my nature. Ganoon na talaga ako noo pa… o ngayon? Basta tamad ako. "Sige na bilis na," mandar ulit ni Mama nang matapos na siya sa pagsusuklay ng buhok ko. "Ikaw, Drea? Tapos ka na?" tanong naman niya kay bunso. "Yes, Ma! Aayusin ko na lang gamit ko," sagot niya sabay ayos ng kuwelyo ng blouse niya. Sa saglit na sandaling iniwan nila akong mag-isa sa kusina namin ay napaisip ako. Why am I here... again? My teenage days may look normal, I mean it’s normal, but I hate it. I hate every minute of it, as well as the days I spent with my closest friends. Closest friends. Dalawang kataga na kataga na lang nang tumuntong ako ng college. Mga alaala ng mga sandaling kunwari ay masaya. Kunwari madali lang ang buhay. Isa pa, there are a lot of memories na pumapasok sa isip ko when I see this wooden dining table na oblong at kulay brown. Mga plastik na upuan at puting tiles ng hugasan. Ang daming nangyari sa bahay na ito, good and bad. Napangiti ako nang makita ko sa bintana na nasa harap ko ang payat na puno ng bayabas. "Favorite ko dati ito," sambit ko sabay subo ng kanin. Nakaramdam ako ng kaunting init sa dibdib. I don't know if it is the rice, or it is a feeling. The warmth of the past that has left me a long time ago. Which part of this old times is warm? Which part makes me feel nice? I don't know. Hindi ko rin alam ang sagot at ayaw ko na malaman ito. At this moment, all I want is to return in the present. The present where I find peace in my solitude. "Aalis na ako! Sinong sasabay?" Naputol ang pagninilay-nilay ko nang bigla na lang sumulpot ang nakakainis na taong ito sa kusina. Si Kuya Allan. Eksaktong sampung taon ang agwat naming dalawa kaya naman kasing edad ko siya sa kasalukuyan sa panahon na ito. Kung tama ako ng naalala ay isa na siyang empleyado ng gobyerno ngayon at may sariling sasakyan. Ito ‘yung una niyang sasakyan na bigay ni papa. Kaya naman bakbakan para sa akin ang bawat umaga. Kung pabagal-bagal ako ay lagot ako, hindi ako makakasabay sa kanya at kakailanganin kong makipagsiksikan sa jeepney. "Oh! Ba't kumakain ka pa?" gulat niyang tanong habang nagpupunas ng kamay. Oo nga pala. Madalas akong nauunang kumilos dahil ayaw kong sumakay ng jeep, nagtitipid kasi ako. "Ah, wala. Hindi ako nagmamadali ngayon," tugon ko tapos ay sumubo ulit ng isang kutsara ng kanin. "Talaga? Good. Makakasave ako ng oras," wika niya tapos ay naglakad patungo ng sala. "Ikaw, Andrea. Sasabay ka?" Hirit niya nang nadaanan niya si Andrea palabas ng bahay. Nakakainis talaga itong isang ito. Nakakotse lang akala mo na kung sino. "Of course! Sabay ako!" Nagmamadaling sinuot ni Andrea ang bag niya tapos ay humabol na kay Kuya. Hindi ako kumibo. Sa haba-haba ng panahon na laging ganitong eksena ang nakikita ko tuwing umaga ay hindi na ito nakaka-entertain para sa akin. At isa pa, nalilito ako. I am so confused to what's happening right now, school is the least thing I should mind... or so I thought. Biglaan akong tumayo at nagsipilyo ng ngipin na hindi naaayon sa gusto ko. Hindi ko na pinunasan ang sapatos ko, ganitong-ganito naman talaga ako dati pa. Sunod ay lumapit ako kay Mama para humingi ng dagdag na pera pang pamasahe. "Ano 'yan?" angal niya na nakatingin sa bukas kong palad. "I need extra— kailangan ko ng coins pangpamasahe sa jeep. Papel na fifty kasi binigay sa akin ni Papa kagabi," sagot ko habang ipinapakita ang pulang-pula na limampung pisong papel. "Ay! Naku! Alice. Bakit hindi ka na lang sumabay sa Kuya mo kung aalis ka na rin pala kaagad." Tumayo muna siya ng bahagya sa inuupuan niya para silipin kung nasa labas pa ba sila Kuya. "Ikaw talagang bata ka! Ano na naman kaya napasok sa isipan mo at hindi ka sumabay. Naku! Naku!" Umiiling-iling siyang dumukot ng wallet sa bulsa at kumuha ng dalawang limang piso. Hays. Nakalimutan ko ulit na kuripot pala si Mama. "'Yan. Ipabarya mo na lang iyang pera mo pagbaba ng jeep." Hindi na ako umangal. Lumabas na ako ng bahay at napakunot ako ng noo nang makita ang pamilyar na kapaligiran. Ang kalye na maingay dahil sa dumadaan na mga sasakyan. Ang naglalakihan at tigdadalawang palapag na kabahayan na pumapalibot sa bahay namin na may isang palapag lang. At ang mainit na sikat ng araw sa umaga. Ayaw ko sanang pumasok, pero parang may sariling kagustuhan ang katawan ko at dinala ako sa labas ng bahay. Bumuntong-hininga ako at muli kong tinanong ang sarili ng, "What's happening here?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD