Chapter 1

1201 Words
Naalimpungatan ako nang marinig ko yung cellphone kong tumutunog.  Best Loree Calling…  “Hello?” inaantok kong pagsagot sa kanya nang makuha ko na ang cellphone ko.  “Hoy best! Wala kang planong pumasok?” sabi niya sa kabilang linya. Agad na napatingin ako sa orasan. My gosh!  8:33 na! Mabilis akong bumangon at agad dumeretso sa CR na nasa kwarto ko lang din naman. Geez! Bakit di ako ginising ni yaya?  “Teka maliligo muna ako. Second subject na lang ako papasok.” Sabi  ko kay Loree bago ko mabilis na in-end ang call.  9 o’clock na ako dumating ng school. 9:20 pa naman yung second subject namin kaya ok lang. Pero absent na ako sa First subject. Kaasar! Bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi kakatingin sa f*******: ng mga chicks eh! 'Yan tuloy di na ako nakagising ng umaga.  “Oh? Napuyat ka ata ah?” –Loree “Daming magagandang chicks sa f*******: eh.” –Ako  “Ayan ka na naman diyan sa pagka-"  Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil baka marinig pa ng iba. Tinabunan ko kaagad ang bunganga niya.  “Ano ba, best! 'Wag ka nga maingay diyan. Marinig nila eh.” Sabi ko sa kanya.  “'Sus! Arte nito!” sabi niya naman matapos alisin yung kamay ko sa pagkakatabon sa bunganga niya. Di ko na siya sinagot at umupo na lang sa tabi niya. Nag vibrate naman cellphone ko sign na may nagtext.  From: Eunice Sabay tau lunch. Hehe  Agad ko naman siyang nireplyan.  To: Eunice Sure! Saan mo ba gusto?  From: Eunice Sa canteen nlng jan mlpit sa labas ng building nyo. See u.  To: Eunice Ok.  Binulsa ko na yung cp ko. Tapos bigla naman akong kinuhit ni Loree kaya napatingin ako sa kanya.  “Sabay tayo mag lunch ha?” –Loree  Patay! Um-oo na ako kay Eunice eh! Ahem. At saka always naman kami magkasama ni Loree mag lunch eh. Kaya siguro ngayon, kami na muna ni Eunice para na rin makapag move on na talaga ako kay Loree.  “Sabay na kami ni Eunice, best eh. Ok lang?” –Ako  Expressionless 'yung mukha niya sandali saka biglang nag pout. Ganda niya! Hoho paano ba ako nito makaka move on kung ganyan siya palagi?  “Daya! Dapat sabay tayo eh.” She said while pouting.  “Parati naman best eh. Ngayon lang nga ulit kami magkakasabay ni Eunice eh.” –Ako  “Fine. Gusto mo naman?” –Loree  “Haha syempre, oo! She’s fun to be with.” –Ako  “Do you like her?” she asked seriously. Waaaah! Honestly? Pakialam ba ng isang Loree Mae Gerez kung may gusto ako kay Eunice? Haha! Don’t tell me, she’s jealous? Haha ay erase! Parang di naman. Di lang siguro siya nasanay na wala ako sa tabi niya every lunch. “Yes. I think so. Hehe.” Sagot ko naman sa kanya. I saw her lifts her left eyebrow up. “Yuck! Kadiri ka best!” –Loree “Nah! Di ka nga nandiri diyan nung malaman mong may gusto ako sayo eh!” sabi ko naman sa kanya. Pero hininaan ko lang 'yun. Baka marinig pa ng iba naming classmates eh. “Eh? Ibang usapan naman yun eh! I mean, how can you like someone like her? She’s ugly!” –Loree “Ugly ka diyan! Maganda siya 'no!” –Ako “Mas maganda pa rin ako. Hmft!” parang nagtatampo niyang sabi. Haha! Got yah! Yeah, but she’s right. She’s prettier than Eunice. Wala na atang makakatalo sa ganda niya eh. “Oo na mas maganda ka na. Sino ba naman kasing nagsabi sayong i-compare mo yang mala diyosang ganda mo sa kanya? Haha ewan ka rin best, ano? If hindi ko lang alam na straight ka, malamang inisip ko nang nagseselos ka.” –Ako  “Yuck! Kanino? Sayo?” –Loree  “Sa kanya.” –Ako  “Eww! Di tayo talo 'no! Hindi kita gusto!” –Loree  “Ouch! Ok lang. Makaka move on rin ako sayo, best! Haha.” Sagot ko naman sa kanya. Nasaktan talaga ako doon sa sinabi niya pero ok lang. 'Di ko na lang sineryoso. Promise! Makaka move on rin ako Loree! Someday I’ll forget about you. Pero ang isiping ikakasal ka na sa lalaking gusto mo… That pains me a lot! Swear kapag di ko nakayanan, magpapakamatay na lang ako.  “Best? Sorry na. 'Wag ka na magalit. Alam mo namang mali talag—“  “Yeah, I know. Ok lang best ano ka ba?”  Nginitian ko na lang siya saka dumating na rin naman ang teacher namin.  @Lunch  Nagpaalamanan na kami tapos si Loree sasabay na lang daw siya sa kuya Rey niya habang ako naman ay pumunta na ng canteen at naghintay kay Eunice. Di naman nagtagal ay dumating na rin siya. “Kanina ka pa?” –Eunice  “'Di naman. So? What do you wanted to eat?” –Ako  “I want a rat.” –Eunice  “What?” –Ako  “Haha 'don’t mind.” 'Yun lang sabi ni Eunice saka namili na kami ng foods for lunch namin at pumwesto na sa isang table dala dala ang mga pagkain namin.  “So? How’s life?” –Eunice  “As usual. Yours?” –Ako  “Ok lang naman. I hope someday you’ll have an important part here.” Eunice said then she grinned. Oh how I love seeing her like that! Lalo siyang nagiging maganda sa paningin ko pag gumaganyan siya eh.  “Will you stop that?” sabi ko sa kanya. Marahil nagtaka siya sa sinabi ko kaya naman dinugtungan ko na agad. “I mean, stop being like that.”  “What?” –Eunice  “Wala. 'Never mind. Uhm? Let’s just eat, ok?” –Ako  “Uhm, Rian?” –Eunice  “Yeah?” –Ako  “Do you like me?” –Eunice  Waaaah!!! Yes I do! Haha oo! Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang tulad niyang Varsity Player ng Softball? Hehe 'diba nga sabi ko sa inyo na athletic siya? Ako rin naman, varsity player din pero sa Volleyball lang. “U-uh? Natanong mo Eunice?” nahihiya ako umamin eh. Kahit na alam ko namang pumapatol siya sa isang tulad ko, still may hiya parin ako 'no!  “Wala lang. Uhm kasi Rian… I guess I like you.” She said giving me a single smile then iniwas ang tingin. *heart beat* *DugDug* Is she? Is she… ashamed of me? Then she blushed. Oh em gee!!! She likes me, too? Waaaah!!! Our feelings our mutual! Hooray! Haha!  “I… I like you, too, Eunice. Hehe.” Sabi ko naman giving her a sweet smile. Nakakaloka 'to! Bigla naman siyang tumingin sa akin then she smiled, too out of shock. Parang hindi pa siya convinced kaya dinagdagan ko pa. “Oo, Eunice! I like you, too!”  “Rian? T-totoo?” paninigurado niya. Haha! Natatawa ako the way she asked me that. She sounded so excited. At 'di ko pa man nasasagot ang tanong niya ay unti-unti nang nagsi-spark ang mga magaganda niyang mata at unti-unti na ring sumilay ang mga ngiti niyang nakakabaliw tignan.  “Yes, Eunice. Totoo, promise!” –Ako  “Uhm, hehe so? Akala ko ang isang Rian Marie Marco ay straight?” –Eunice  “Nah, akala mo lang 'yun. Hehe. Ako, in the first place, Eunice akala ko rin straight ka. Hehe.” –Ako  “So, saan mo nalaman na hindi?” –Eunice  “Kay Princess. 'Yung ex  gf mo.” –Ako  'Nga pala. Eunice ex’s gf, Princess, is the one who told me that Eunice isn’t really straight. Close friend ko rin kasi si Princess eh at nanonood kami noon ng Softball at nagustuhan ko kaagad si Eunice because she’s simply amazing in playing the game. ~Flashback~  “Ang ganda at ang galing naman ‘nong babae oh!”  Turo ko sa isang babae na may hawak ng bat. Maya-maya pa’y tinira na nito ang bola at sapul, 'yun! Naka home run siya!  “Si Eunice tinutukoy mo, Rian?” tanong sa akin ni Princess na katabi ko lang habang nanonood.  “Ah Eunice pala pangalan 'nun? Haha ang ganda niya 'no? Nakailang boyfriend na kaya 'yan?” --Ako  “Ex girlfriend ko 'yan.” –Princess  “Ha? Don’t tell me, lesbian ka  at s-siya?” –Ako  “Ssshhh! 'Wag ka maingay. Oo.” –Princess  ~End of Flashback~  At noong nalaman kong hindi siya straight, well, I did everything para mapansin niya ako’t maging magkaibigan kami. Hindi naman ako nahirapan dahil kilala din naman ako dahil sa ako nga ay isang tulad niya ring Varsity Player ng college namin when it comes to Volleyball. So we became friends then. Hanggang sa maging mag textmates. Hanggang sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD