Chapter 2

2121 Words
Loree Mae’s POV  6 PM at uwian na. Lakas ng ulan! Nakita kong abala pa rin sa cellphone niya ang bestfriend kong ang sarap sipain kanina pa. Sino pa ba? Eh di si Ms. Rian Marie Marco!  “Best? Mauna na ako sayo ha?” –Rian  “Oh saan ka?” I asked her.  “'Di raw dala ni Eunice yung car niya eh. Sasabay na raw siya sa akin.” –Rian  “In your car? Sa sasakyan mo siya sasakay?” –Ako  “Ah yeah. Ihahatid ko lang siya.” –Rian  “Sige. Ingat sa pagmamaneho, Best.” –Ako  “Ok, kaw din. Babye.” Rian said then kissed me on my left cheek saka umalis. Tss. Simula na lang nang magkakilala sila ng Eunice na 'yan, puro siya na lang bukambibig ni Rian! Nah! Mas maganda naman ako sa babaeng 'yun ah! Psh! Oie 'di ako nagseselos ha! I mean, oo nagseselos ako but that’s just because nasanay akong parating ako lang ang inaalala’t pinapahalagahan ng bestfriend ko at wala ng iba. Saka kung nagseselos man ako, it’s just because ayaw ko lang na agawin siya sa akin ng iba ‘coz mahal ko siya kasi bestfriend ko siya eh. Baka kasi pag nagkamabutihan na sila ni Eunice ay kalimutan niya na lang ako na bestfriend niya. Ayaw ko pa namang inaagawan ako ng kaibigan. 'Yun lang yung dahilan, ok? Hindi ako magseselos because I like Rian or what, mali kasi ang magkagusto tayo sa kapwa natin babae. Ok? “Uhm, Loree?” tinawag ako ni Mark, one of my admirers.  “Hmmm?”  “'Need an umbrella? Uhm, hatid na kita sa car mo?” –Mark  “Yeah, I guess so. Thanks.” Sagot ko naman sa kanya. At hawak ang isang medyo may kalakihang payong ay naihatid niya na ako sa kotse ko nang hindi nababasa ng malakas na ulan. I started the engine. Then… Fuck! Ayaw umandar! Sinubukan ko ulit nang ilang beses but still it’s not working! s**t! Kung mamalasin ka naman! Napatingin ako sa relo ko. 6:45 na? Ang bilis naman.  At dahil sa hindi ako makalabas ng kotse ko dahil wala naman akong payong at malakas pa rin ang ulan, napahinga na lang ako ng malalim and waited for the rain to stop. *Knocks* Napadilat ako sa sunod-sunod na katok na narinig ko sa labas ng bintana ng kotse ko. s**t! Nakatulog pala ako? I opened my car’s window beside me then saw our guard’s face. Malakas pa rin ang ulan at nakapayong ito. Na realize ko ring madilim na pala. May dala din itong flashlight. “Ma’am? Ok lang po ba kayo?” he asked.  “U-uhm, my car won’t start.” –Ako  “Ah iwan niyo na lang ho muna 'yan rito. Umuwi na po kayo, ma’am mag aalas otso na ho.”  “WHAT!?” gulat kong tanong sa kanya. Waaah! Talagang ganoon ako katagal nakatulog?  “Ah opo. Tara na po.” I opened my car’s door then leave. Dinala ako ni manong guard sa guard’s house sa may gate at doon na muna pinag stay habang kino contact ko sila mommy at daddy. Pero di pa rin nila ako sinasagot. Maybe they’re on a meeting. Tapos wala na ring mga estyudante ditto. Wrong timing naman! Tss. *Ting* Isang bright idea ang pumasok sa isip ko. Then I dialed Rian’s number.  Riiiiing riiiing….  “Hello?” –Rian  “Best! Where are you?” –Ako  “Uhm nandito pa kanila Eunice. Naghahapunan. Bakit?” –Rian  Kaasar naman 'to! Mag a-alas otso na 'di pa rin siya nakakauwi and worst nasa bahay pa rin siya ng Eunice na yun? Ang sabi eh ihahatid lang daw tapos hanggang ngayon nandoon pa rin siya? Hay! *Deep sigh*  “Wala. Mabilaukan ka sana!” 'Yun lang sabi ko sa kanya at in-end ko na 'yung call. Asar! Nakakabadtrip 'tong araw na 'to! Tss.  Biglang nag ring yung cellphone ko. Best Rian Calling…  “Ano?” –Ako  “Anong problema mo? Ikaw nasaan ka?” –Rian “Nandito pa sa school. Ayaw mag start ng car ko eh. Nakatulog din ako kaya hindi ko namalayan ang oras.” –Ako  “Oh tapos? Haha diyan ka na lang magpalipas ng gabi!” –Rian  “At nang-aasar ka pa? Ang buti mong kaibigan, promise!” –Ako  “O sige hintayin mo ako. I’ll pick you up.” –Rian  “'Wag na. Mag enjoy ka na lang diyan sa company ng Eunice mo!” –Ako  “'Sus! Pa-inosente ka pa diyan. Basta hintayin mo ako. Ten minutes nandyan na ako.” Rian said then she ended the call. Bahala siya!  After 11 minutes ay dumating rin siya. Bumaba siya with an umbrella on, tapos sinundo ako hanggang sa makasakay na ako sa Front seat at siya naman ay pumwesto na rin sa Driver’s seat. May kaliitan yung payong na dala niya kaya I’m sure medyo nabasa rin siya securing na ako ay hindi.  “Tagal mo naman.” Sabi ko sa kanya. Kunwari lang naman na nagrereklamo ako. Hehe wala lang. Trip ko lang eh sa malakas pa rin ang ulan eh!  “Wow! Ikaw na nga 'tong sinundo ikaw pa may ganang magreklamo diyan.” –Rian  “Haha, by the way, thanks, best ha?” –Ako  “You’re not welcome. May bayad 'to, ano.” –Rian  “Tss daya! Sige kahit ano.” –Ako  “Kahit ano?” she repeated. Tapos ngumiti ng nakakaloko.  “Oo kahit ano!” –Ako  “Kiss me.” She said.  “Yuck! Sapak Rian, gusto mo? Ha?” –Ako  “Haha! Joke lang nga eh! 'Di ka naman mabiro!” she said tapos ini-start niya na ang makina and we started travelling.  Nakarating kami sa bahay. Basang basa na siya nang hinatid niya pa ako papasok. Kaasar naman na mga bobong gwardiya dito sa bahay eh! Pinagbuksan lang kami ng gate tapos di man lang nag-abalang mag offer ng payong?   “Best, sige una na ako.” Rian said after niya akong ihatid.  “Ok. Sige mag-ingat ka sa daan ha?” –Ako  “Ok sige by—Waaaah!!!!” Rian screamed tapos biglang yumakap sa akin. Kumulob kasi bigla as in 'yung malakas talaga! Kaya di na ako mag-aakala kung bakit ganon na lang bigla ang naging reaction niya. She’s afraid of it!  “Uhm best? D-dito ka na lang kaya muna sa amin magpalipas ng gabi? Holiday naman bukas eh.” –Ako  “H-hindi ok lan—Waaaah!!!” Biglang kumulob ulit kaya sumigaw rin siya ulit. Natawa ako sa reaction niya kaya palihim akong ngumiti habang nakayakap pa rin siya sa akin.  “Oh ano? Uuwi ka pa?” paghahamon ko sa kanya. Haha! I know Rian! Takot na takot na 'yan!  “Fine! Dito na muna ako. O-ok lang ba?” she asked saka kumalas na sa pagkakayakap sa akin.  “Yeah. Tara na sa loob. Damn! Basa na rin ako.” Sabi ko habang papasok kami sa loob. Err! Siya kasi eh! Niyakap ako yan tuloy nabasa na rin yung uniform ko. Tss.  We went inside my room.  Lock kasi ang guest room since si Dad lang rin ang may control ng keys dito sa bahay at wala pa sila ni Mommy kaya sa kwarto ko na muna kami dumeretso. Rian Marie’s POV  “Mauna na muna akong maligo.” Sabi sa akin ni Loree tapos nauna na siya sa cr habang ako dito yakap yakap ang sarili sa lamig dahil nabasa talaga ako sa malakas na ulan. Kung bakit ba kasi ang lakas lakas pa rin nito eh ilang hours na kaya umuulan. Tss! Naantala pa tuloy 'yung moment naming kanina kanila Eunice. Haha pero ok lang! Nandito rin naman ako ngayon kanila Best eh! Hehe.  Ilang sandali lang naman akong naghintay at lumabas na rin si Best nang nakatapis lang. Waaah!!! She’s so hot! Waaaah! Napatulon na lang ako ng laway nang bahagya niyang suklayin ang medyo mahaba niyang itim na buhok gamit ang kanyang mga kamay. Biglang tumibok ang puso ko nang mapadako ang tingin ko sa mapuputi niyang legs at makikinis niyang balat paitaas rito. Waaaah! Ang swerte talaga ng mapapangasawa ng Best ko! Tss. Model nga siya 'diba? Kaya siyempre alaga niya katawan niya.  “Hoy best! Ikaw na sa cr!”—Loree  “H-ha? A-ako na?” ano ba yan! Bakit ba kasi ganyan siya kaganda eh! Tss. =.-  “Oo, your turn. Teka sandali.” Sabi niya tapos pumunta siya sa isang may kalakihang drawer doon at nag-ukay. Tapos bahagya siyang napayuko para may kunin na kung ano sa baba. Waaaah! Ang hot hot at ang sexy niya! Waaaah! Mababaliw ako sa kanya! Napatulon na lang ako at iniiwas na lang ang tingin sa maganda niyang katawan. Hoho baka ma rape ko pa siya eh! Tss.  “Eto.” She said then mabilis na nakalapit sa akin dala ang ilang mga damit. “May towel na sa cr. 'Yan muna pagdamit mo.” Then she gave me the dresses. Tapos tumango lang ako at nagpasalamat at pumunta nang cr. “Meron ding cellophane diyan sa cr, best. Diyan mo na lang ilagay mga basa mong damit. Papalaba’t papa-dry ko na lang sa katulong namin mamaya.” Nag “Ok” lang ako saka tuluyan nang pumasok sa Cr. Whooosh! 'Di talaga maalis sa isip ko ang bestfriend ko! Hoho, kung naging lalaki kaya ako? May pag-asa  kayang maging kami? Hoho.  Loree Mae’s POV  After 123 years! Lumabas na rin siya! Well, siyempre, nakabihis na siya pero may tuwalya pa sa taas ng ulo.  “Ang tagal mo.”—Ako  “Hehe.” Tumawa lang siya tapos nagpa cute. Yay! Haha! I admit, bagay sa kanya magpa cute.  “Ang tagal mo, gutom na gutom na ako!” reklamo ko sa kanya. Pumunta siya sa harapan ng mirror ko, tinanggal ang tuwalya sa ulo at nagsuklay ng buhok.  “Ano naman ang connection 'non don? Bakit di ka pa kumain? Don’t tell me, hinintay mo pa ako?” –Rian  “Yeah, I waited for you.” –Ako  “Shunga! Kumain na ako kanila Eunice kanina eh! Sinabi ko na sayo 'yun kanina nung tumawag ka.”  Asar! Bakit ba di ko naalala 'yun? Tss. Dapat pala 'di ko na lang inantay pa! BV!  “Kumain ka ulit!”—Ako  “Huh? Busog na ako, best.” –Rian  “Ah bawal tumanggi! Samahan mo akong kumain!” matigas na sabi ko sa kanya saka hinila na siya palabas sa room ko’t papunta sa Dining Room.  Si Eunice sinamahan niya tapos ako hindi? Unfair!  Pagdating namin roon ay kumain naman siya pero kaunti lang. Tapos sabay na rin kami nag toothbrush at natulog na. Yeah! Magkatabi kami sa kama. Wala namang mali roon diba? Ok lang naman na magtabi kami. 'Wag niya lang ako hahalikan, masasampal ko siya, swear!  “Best?” maya-maya’y tawag niya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. Patay na rin ang ilaw eh. Matutulog na nga kami diba? Pero di pa ako makatulog.  “Hmmm?” –Ako  “Tulog ka na?”—Rian  “Bakit?” –Ako  “'Di ako makatulog eh. Tell me a story, or sing me a song. Sige na please?” –Rian  “Ang tanda mo na nagpapa bedtime story ka pa?” hinarap ko na siya. Medyo may nakita akong kalungkutan sa mga mata niya so I wondered for a while.  “'Di eh, ganito talaga ako, Best. Oh sige, if ayaw mo ako kwentuhan, perhaps, sing me a song na lang. Sige na, best! Love mo naman ako diba? Pleasssssseeee???” nagpapacute niya na namang pakiusap.  “Song? Uhm, matagal na akong hindi nakakakanta best eh. I have a weak voice na. 'Di na ako magaling kumanta.” Palusot ko lang. Wala ako sa mood magkwento o kumanta ngayon eh. Ano ba naman kasing babae 'to. Ang tanda tanda na pero parang bata pa rin umasta. “Best? Sinong crush mo?” –Rian  “Si Coco Martin.” –Ako  “Umayos ka nga!” –Rian  “Wala pa akong new crush eh. Alam mo na naman mga past crush ko 'diba? Saka madali akong magsawa.” –Ako  “Wala ka bang nagugustuhan sa mga manliligaw mo?” –Rian  “Marami. Pero wala naman akong magagawa eh.” –Ako “Tayo na lang?” –Rian  “Sipa, gusto mo?” –Ako  “Haha! Bakit? Kaya mo?” –Rian  “Oh ba, 'lika dito!” bumangon ako kaya bumangon na din siya at umalis ng kama. Hinabol ko siya at nang matikman niya naman ang sinasabi ko sa kanyang ‘sipa’na akala niya eh 'di ko kayang totohanin.  “Hina naman tumakbo! Tss!” pang-aasar niya nang nasa taas na siya ng kama habang ako nasa baba pa at hinihingal na sa kakahabol sa kanya. Kaasar! Palibhasa magaling sa field ng Volleyball eh! Idagdag mo pa ang pagiging athletic niya. Eh ako ano? Model, Dancer at Singer? Itapat sa tibay ng legs ng babaeng 'yan? Tss.  “Suko ka na?” –Rian  “Of course not!” then I jumped on her on my bed. 'Di ko inakalang mabibigla siya sa pagtalon ko sa bouncy kong kama kaya 'di ata siya naka prepare at natumba sa may bandang dulo ng kama ko. Muntikan na siyang mahulog pero buti na lang nahawakan ko kaya hinila ko siya para 'di tuluyang mawasak ulo niya pag nagkataong mauunang bumagsak doon ang ulo niya.  “Ikaw kasi!” she blamed me after.  “A-anong ako?” it was too late to realize that we’re so close to each other at nakahiga pa kami and I’m on her top. Waaah! Anong nangyayari? Naaamoy ko pa nga yung toothpaste ko eh.  “Uhm b-best?” Rian said. Napadako saglit ang tingin ko sa mga labi niya. *dugdug* then back to her eyes. *dugdug* she’s looking straight into my eyes, too then down to my lips. Tapos napalunok siya bigla… at ako rin. s**t! I know this is wrong! She slowly looked up and dared to reach my lips… I wanted to protest but I can’t find myself moving away from her! Napalunok na naman ako ulit nang dumako na naman bigla ang tingin ko sa mga labi niya which is slowly reaching for mine now. Kaunti na lang ang layo ng mga labi namin when my cellphone rang for a moment.  Thanks! I’m saved! Bumalik na ako sa sarili ko at nagawa ko ring umiwas at ibinuhos na lang ang atensyon sa pagsagot sa caller ko. “Hello, mom?” –Ako  “Hey, baby. How’s school? I called to tell you na hindi muna kami makakauwi diyan ng Dad mo tonight. Nandito kami sa ***** Hotel at abala pa kami sa meeting. Dito na rin muna kami matutulog.”  “Ah ok mom. Take care po.”  “Ok. 'Night baby. Matulog ka na ha. 'Love you.”  “Sige mom. 'Love you, too.” Then I ended up the call. Hay! Salamat sa tawag mom! You saved me from a sin that I’m really sure of regretting at the end of the day.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD