Rian Marie’s POV
Panira ng moment naman 'yung mama niya eh! Tss. Baka nakatsansing na ako kay Loree 'non eh tapos wrong timing naman 'yung mama niya tumawag!
Hay! Napapaisip tuloy ako. Natukso rin kaya siyang halikan ako? Siguro, dahil kapag wala naman yun sa isip niya agad agad na 'yung bumangon kanina sa pagkakadikit namin eh. Saka hindi kami magtatagal ng about 30seconds sa ganong posisyon kung hindi rin siya natuksong halikan ako eh ang lapit lapit na talaga namin. Hay! ERASE ERASE! Wala 'yun! Straight si Loree, remember? Baka nabigla lang siya kaya ganon.
“Kung ano-ano na ang iniisip mo diyan, best ha! Matulog na tayo.” –Loree
“B-best?” –Ako
“What?” –Loree
“Pahingi ako ng kiss, sige na? Isa lang!” tapos nagpa cute ako sa kanya. Nakahiga na kami pareho at nakatalikod siya sa akin kaya naman niyakap ko siya habang humihingi ako ng kiss. Hinarap niya naman ako at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.
“Para kang bata na humihingi ng lollipop!” –Loree
“Kiss ang gusto ko eh. Mas masarap daw 'yun sa lollipop! Hehe.” –Ako
“There’s no way I’m giving you that! Ano ka? Sinuswerte? Hindi ko sayo ibibigay ang First kiss ko 'no!” –Loree
“Waaah! Wala ka pa palang first kiss, best? Haha!” –Ako
“Eh sa wala pa talaga eh! Bakit ikaw? Meron na? –Loree
“Wala pa rin naman. Hehe ikaw gusto ko maging first kiss ko, best! Pengeng kiss!” –Ako
“Kiskisin kita kasama ng mga kaliskis ng isda eh! Will you shut up, Ms. Marco?” –Loree
“Anong sabi mo? ‘Will you shut up, Ms. Mahal ko?’” Haha! Eh yun yung narinig kong sabi niya kanina eh!
“Sabi ko, shut up, Ms. Marco!!!” –Loree
“Hindi! Ang sabi mo, shut up Ms. Mahal ko!” –Ako
“Bingi!” –Loree
“Ok lang, haha mahal mo naman pala ako eh, dali bigyan mo na ako ng kiss! Please, best?” –Ako
“Tumigil ka nga! Kukutusan na kita diyan!” –Loree
Tss. Akala ko makakalusot na ako’t pagbibigyan niya na. 'Di pala. Haha! Kunwari nagtatampo ako sa kanya.
“Sige, kay Eunice na lang ako mapapakiss bukas.” Sabi ko tapos tumalikod na sa kanya.
“A-ano? Yuck! Doon sa babaeng 'yun ka magpapahalik?” –Loree
“Yuck ka diyan! Tse!” nagtatampo kong sagot sa kanya. Haha! Akala niya siya lang marunong umarte ha! Haha lalambingin na ako niyan! I know Loree Mae Gerez! Lalambingin na ako niyan if nagtatampo ako.
“Best naman eh! Daya mo! Sa lalaki ka na lang pahalik.” Loree said. Tss! Akala ko pa naman pipigilan niya akong magpahalik kahit kanino eh. Ang straight naman nitong isang 'to!
“Hindi. Promise bukas papakiss ako kay Eunice. Kahit na holiday, lalabas pa rin kami.” –Ako
“Huh? Lalabas kayo? Eh yayayain sana kita samahan ako bukas mag shopping eh.” –Loree
“Uhm, ok. Sabay na tayo tatlo?” –Ako
“Not a good idea. Hindi ko gustong kasabay 'yung malanding babaeng yun!” –Loree
“Kilala mo ba siya? How can you say so na malandi nga siya?” tinanong ko siya. Nagtataka ako eh. 'Di naman sila magkakilala ni Eunice.
“Basta malandi siya kasi pinapatulan niya ang isang kagaya mo. Sayang pa naman kagandahan niya tapos sa isang tulad mo lang rin pala siya babagsak? Tss, so cheap. Ok lang sana eh kung lalaki ang gusto niya.”
Nasaktan ako sa sinabi ni Loree. Siguro nga wala na akong pag-asa sa kaniya. Time to move on na talaga siguro. Ok. Starting tonight, 'di na ako mag a-assume na magugustuhan niya rin ang isang tulad kong babae rin ang gusto. Masakit sa tainga 'yung narinig ko and it’s more than enough para i-tolerate pa 'tong nararamdaman ko sa kanya. Sayang pa naman kagandahan niya tapos sa isang tulad mo lang rin pala siya babagsak? Tss, so cheap. Ok lang sana eh kung lalaki ang gusto niya.
'Di ko na siya sinagot pa at nagkunwaring natutulog na.
“Night, best. Sleep well.” Loree said and gave me a quick kiss on my left cheek. Ok na. Tanggap ko na, Loree. All these days we’re together, bestfriend lang pala talaga ang turing mo sa akin. Pipilitin ko na talagang mag move on sa paraan na hindi ka masasaktan. I’ll use Eunice to forget you. Pero pinapangako kong hindi ako mawawalan ng oras sayo. I’ll still be your bestfriend, after all. That’s what friends are for.
Loree Mae’s POV
I dialed for Rian’s number. Nasaan na naman ba kasi 'yung babaeng 'yun? 'Di man lang marunong magreply sa mga text ko! Kaasar na siya! Don’t tell me baka magkasama na naman sila ng Eunice na yun? Arghh! Pagdikitin ko silang dalawa diyan eh!
“Hello?” –Rian
“Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko. Nasaan ka na naman ba’t kanina pa ako text ng text sayo, di ka ba marunong magreply ha?” –Ako
“Sorry. Hehe I’m with Eunice. Kumakain pa kami dito sa Resto nila eh kaya 'di kita nareplyan. Oh? Napatawag ka?” –Rian
Sabi na nga eh! Magkasama na naman! Tss! Sarap nila pektusan! Ang landi eh! Mga babae pa naman kapwa nilalandi! Tss. =.-
“Yayayain sana kitang mag shopping. Wala akong kasama eh. Anong oras pa kayo matatapos diyan sa date niyo? Text mo na lang ako pag tapos na kayo.” –Ako
“Eh? I’m not sure eh. Baka kasi magpapakiss pa ako sa kanya after? Hehe.” –Rian
Shit! Landi nito! Kung di ko lang siya bestfriend eh! Tss. Bigla na lang nag init buong katawan ko. Badtrip! 'Di pa rin niya nakakalimutan yung kiss kiss na yan?
“Nah, sige mag enjoy ka! Malasahan mo sana laway niya at mandiri ka!” –Ako
Asar eh! Sarap lagyan ng hotcake sa taas ng ulo!
“Haha whatever, Loree! Sige itetext kita pag tapos na kami. Nah, gusto ko pa naman kasama siya whole day eh. Pero sige na nga. Sasamahan na lang din kita mag shopping. Haha! Kawawa ka naman kasi eh!”
Aba’t ginawa pa akong kawawa sa lagay na 'to?
“Hoy, Rian tumahimik ka! Hindi ako kawawa! Wala lang talaga akong ibang mayaya kasama kaya pwede ba? Ay by the way, gusto mo siyang kasama whole day? Talaga? Sige magsawa ka! Si Mark na lang yayayain kong samahan akong mag shopping! Tse!” sabi ko sa kanya then I ended up the call. Naaasar ako! Tss! Akala niya hindi ko tototohanin 'yung sinabi kong si Mark ang isasama ko ah? Hmp! 'Dad’s guards are stupids! Saka busy si Dad ngayon so I can do whatever I want!
I quickly dialed Mark’s number.
“Hello?” –Mark
“Hey! Busy ka? Wanna be with me?” Haha! Ako na wagas magyaya! Eh sa Bad Vibes ako ngayon eh!
“H-huh? A-ah hindi naman. S-sige. Saan ba?” –Mark
Bakit ba siya nauutal diyan? Haha, ganito na ba talaga ako kaganda para kabaliwan niya? Sa bagay! First kong magyaya sa kanya. Saka bakit siya pa niyaya ko sa lahat ng mga manliligaw ko? Uhm kasi pinayungan niya ako kahapon at hinatid pa papuntang kotse.
“Magkita na lang tayo sa mall. See you, Mark! Thanks.” Then I ended up the call.
Eunice’s POV
Ahem… Magkasama pala kami ni Rian this time. Alas dose pa naman kaya sabay na kami nag lunch. I’m not really that rich. Pero may kaya kami ng pamilya ko. My dad is a chef and we own this Resto na kinakainan namin ngayon ni Rian. While my mom is a Businesswoman. She’s new to that job at 'di pa masyadong asensado kaya naman kaunti pa lang ang kita.
By the way, I like Rian. She’s beautiful, smart and tall. Maganda rin ang katawan niya dala ng pagiging athletic niya. She’s also fun to be with, everyday. 'Di ka magsasawa 'pag siya lagi mong kasama.
“Do you know how to play Softball?” –Ako
“Hmmm? Ah, konti. Hehe, pero 'nung sinubukan ko, nabukulan ako eh. 'Di ko natamaan 'yung bola at dumeretso pa siya sa mukha ko kaya ayun. Hehe.” –Rian
“Haha! Want to play? I’ll teach you.” –Ako
“Waaah really? Seryoso? Walang talent fee?” –Rian
“Haha of course, meron! Turuan mo rin ako sa Volleyball para quits. Ok ba?” –Ako
“Yeah, great! Haha! Set the date.” –Rian
“Uhm, 'pag may time. Hehe.” –Ako
Kumain na kami ulit ni Rian. She’s really fun to be with. 'Di ko maiwasang i-compare siya kay Princess. Malaki ang pagkakaiba nila. I think of Rian as a treasure. She’s shining, and I know her worth. Mahirap siyang pakawalan once she’s yours. At ganon din siya kahirap hanapin 'pag nawala na sa iyo. And literally, I want her to be mine. Alam kong di dapat ako magmadali but I just can’t let my feelings gone. The more I get closer and closer to her, the more I find myself falling for her.
Dati kasi, she’s just an ordinary girl I’ve known sa school. Yes she’s a varsity player of the Volleyball. But I never noticed her since then kasi committed pa naman ako kay Princess that time. Then came one day, 'nong wala na kami ni Princess, Rian approached me at nagpakilala siya. Nagustuhan ko kaagad siya the way she talks to me. Kaya naman naging magkaibigan rin agad kami and there I started liking her. May nakikita rin akong parating kasama niya. 'Di ko alam ang pangalan but she’s well known, too. Maganda siya at matangkad din. She’s a model, I guess. Minsan, nagseselos din ako sa closeness nilang dalawa pero ang nasa isip ko that time is straight sila. 'Di ko pa kasi alam na hindi pala straight si Rian that time while I’m observing them eh. Pero 'yung babaeng maganda at parati niya ring kasama, sa tantiya ko ay straight 'yun. At wala akong kalaban laban 'dun sakali mang may gusto si Rian doon.
Hay! There’s nothing to worry, Eunice! Inamin na niyang gusto ka rin niya 'diba? So it means, you have to be confident na may-asa ka kay Rian. But nah! I wan’t to be sure pa rin if may gusto rin siya doon sa babaeng model na parati niya ring kasama.
“Uhm, Rian?” –Ako
“Yeah?” –Rian
“A-ako lang ba gusto mo? Or may iba ka pang crush maliban sa akin?” I sounded like a jealous pot but I don’t care! Sana sabihin mong ako lang ang gusto mo, Rian.
“Uhm, natanong mo?” –Rian
“W-wala lang. I mean, sino nga pala 'yung parati mong kasama?” –Ako
“Ah! Si Loree ba?” –Rian
“Ah maybe? Basta she’s pretty, saka matangkad din at model ata?” –Ako
“Yeah. She’s Loree. My bestfriend. Hehe.” –Rian
Ah! Bestfriend niya lang pala! Eh bakit parang minsan, iba siya makatingin sa Loree na 'yun?
“Ah. 'Di mo ba siya gusto?” –Ako
“I like her. But she’s straight.” –Rian
Haha! Mabuti! Sa akin ka na lang kasi Rian!
“Ah, alam niya ba na may gusto ka sa kanya?” –Ako
“Yeah. Ok lang naman sa kanya. Pero mali daw 'yun so I must stop it na daw.” –Rian
"Haha so? Until now ba, gusto mo pa rin siya?” –Ako
“I don’t think so. I’m moving on.” –Rian
Good! You’re mine now, Rian.
“Use me.” –Ako
“H-huh?” –Rian
“Let me be a part of yours while you’re on the process of moving on. You can use me, Rian.”
I’m desperate!
“S-sigurado ka, Eunice? Uhm, I like you naman eh. At kahit di mo yan sabihin, I’ll still manage to be with you ‘coz sabi ko nga, gusto kita. Hehe.” –Rian
Napangiti na lang ako at muli na naming ipinagpatuloy ang pagkain. Mamaya-maya ay mag sa-shopping pa kami dalawa. So susulitin ko na rin ang pagkakataon na hindi sila magkasama ng Loree na 'yun.