Gulong-gulo na naman ang utak ko, kay tagal kong hinintay ang pagbabalik ni Tanya ngunit hindi ko naman inaasahan na sa pagbabalik niya ay makikita ko silang isang buo at masayang pamilya. Yung pag-asang nabubuhay sa puso ko ay parang isang bula na bigla na lamang naglaho, pakiramdam ko tuloy ay gumuguho na naman ang aking mundo dahil sa kanila. Mga katok sa pintuan ko ang pumukaw sa aking malalim na pag-iisip at nakasisiguro akong ang aking ina ang kumakatok dito sa aking silid. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng aking silid at sumungaw ang nakangiti kong ina at nilapitan agad ako. "Kamusta ka na anak? Nalaman ko na gustong makipag-usap sa iyo ni Tanya at ni Jacob, bakit hindi mo sila bigyan ng pagkakataon?" Ani ng aking ina habang nakaharap pa rin ako sa aking laptop at nagpapanggap

