Habang naglalakad kami sa mall ay makakasalubong namin si Jacob kasama si Michelle, Tanya at ang cute na bata. "Bro okay ka lang? Huwag kang masyadong magpa apekto, ang nakaraan n'yo ay tapos na at ang pang kasalukuyan mo ay maaaring naghihintay lamang sa iyo." Sambit ni Hanz na may pag-aalala at natawa din ako sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko tuloy ay mas naistress pa ang aking mga kaibigan kaysa sa akin sa tuwing nakikita namin sila Tanya. "Yes, I'm okay, don't worry about me." Ani ko na natatawa at tuloy-tuloy lamang akong naglalakad at hindi sila pinapansin. Wala namang dahilan pa para pag aksayahan ko sila ng panahon ko kaya diretso lang ako ng paglalakad para naman makita nila na hindi na talaga ako apektado pa. "Isaac." Tawag ni Jacob sa akin kaya napahinto ako sa aking paglalakad

