PROLOGUE🌙
***
"Zoey, mas maganda ang reality", pag-pupumilit na aniya.
Kanina mopa pa sinasabi 'yan. Halos minu-minuto ay pina-paalala nya na mas maganda ang reality ko. Kung ako ang tatanongin mas maganda nga dito eh, kunting lakad ko lang nasa Paris na ako o kaya isipin ko lang makakarating na ako.
"Zoey, tandaan mo mas maganda ang reality, hindi mo lang ito nakikita at pinapahalagahan kasi pinipilit mo na masama ang reality mo", muling aniya ng lalaking katabi ko.
Ito na naman siya sa pangungulit. Sigiradong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako sumasang-ayon.
"Oo na paulit-ult ka". Inis na sabi ko sa kanya at umalis sa tabi nya.
Pa'no nya nasasabi 'yun gayung hindi naman nya alam kung anong klaseng buhay ang meron sa reality. Sa panaginip lang siya nakatira at walang ibang alam kundi ginhawa at saya.
Pa'no nya nasasabi ang bagay na'yun kung hindi naman nya nararanasan ang mga hirap ko sa reality.
Paano?
Gusto kong magalit dahil lagi nya'ng sinasabi na mas maganda ang reality ngunit hindi naman niya alam ang buhay sa mundong iyon. Hindi niya alam kung paano manirahan doon.
Ngunit siguro nga ay tama s'ya mas maganda ang reality hindi ko lamang iyon nakikita at pinapahalagahan. Pero kung papipiliin ako gugustuhin kong mamuhay sa lugar na 'to. Walang sakit, walang luha at puro saya lang. Puro lungkot at hirap lang siguro ang buhay ko kung hindi ko nadiskobre ang mundong ito. Mundong lahat ng isipin ko ay magkakatotoo.
"Zoey-" magsasalita pa sana ulit siya pero inunahan ko na.
"Ok, you win reality is better than fantasy !" Sigaw ko, "Hindi mo na kailangang ulitin-ulit," pagpapatuloy ko.
"S-sorry," malungkot niyang sinabi.
"Kailangan ko muna ng katahimikan, iwan mo ako dito," mahinahon kong sinabi.
"H'wag ka nawang mahulog sa desisyon na hindi mo alam ang kahahantungan, Buksan mo ang iyong puso't isip, pagmasdan ang kagandahan ng reyalidad," makahulugan niyang wika bago umalis.
Ang kanyang linya ay hindi maalis-alis sa isip ko. Anong nais niyang iparating? Anong alam niya?
ಠ﹏ಠ
Continue reading at alamin ang kwento sa likod ng lalaking sa panaginip lamang nakilala.