GUSTUHIN mang magtagal pa roon ay nagyaya na rin si Chelin na bumalik. Kailangang mag-focus siya sa ibinigay na trabaho sa kaniya. She would have a vacation once she’s all done. She also applied a job in some companies around Makati. Kaya habang ginagawa niya ang design sa mansiyon ni Stone ay naghihintay rin siya ng tawag mula sa isa sa mga kompanyang iyon. Sumubok din siya kung saan ini-refer siya ng lalaki. Ilang linggo na rin niyang natapos sa project nang makatanggap siya ng e-mail. She’d be having an interview in an outstanding company! Maaga siyang tumulak pa-Makati para puntahan ang kumpanya. The interview was more like a formality of her getting hired. “I expect you to be here on Monday, Ms. Song. You will be under Ms. Gomez’ supervision. I believe you are on the same age so

