bc

Call Me Bao Bei

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
badboy
aloof
student
drama
sweet
Writing Challenge
bxg
campus
first love
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang gusto ng bwisit na Chinese na ito at iyon ay ang tawagin ko siyang Bao Bei. .

chap-preview
Free preview
Call Me Bao Bei
"Delete that!" gigil na sigaw ko saka ko ibinaba ang kamay kong naka-dirty finger. "Nope." "Wang Lie Jun! Sinasabi ko sa iyo! Delete that!" "I can't understand you. But I do understand what this button does." Nanglaki ang mga mata ko nang itinutok niya ang daliri niya sa send button. No. Nasa isang group chat siya at ready to send na iyong video. I can't let that happen! Masisira ang image ko! "No." "Yes." aniya na may kasama pang pagtango habang nakangisi. "You know how to speak and understand Tagalog, you asshole! Delete that!" "It wouldn't be fun if I did." "Fun?! Anong masaya sa ginagawa mo?! You're blackmailing me, Lie Jun!" "Ano itatawag mo sa akin? Hindi ba, I asked you to call me using my nickname?I don't remember you calling me that all throughout the day." he asked and his accents hints that he's Chinese. Unti-unti niyang inilapit ang daliri sa send button ng cell phone niya kaya mas kinabahan ako. I better follow his bullshits and just think of a plan on how to have that video deleted. "Bao... Bao Bei..." pabulong na sinabi ko. "What was that?" "Bao Bei..." "I can't hear you, Patricia." "Bao Bei!" With that, his smile grew wider. Inialis niya iyong attachment at isinara iyong messenger. " Keai. Good girl." "f**k you." "Is that a threat or an invitation?" "Gago!" "Parang gusto ko na ituloy ang pag-se-send ng video mo? Hindi ko kasi narinig iyong dapat mo itawag sa akin." He groaned in frustration saka ko siya inikutan ng mata. "Bao Bei." "That's more like it. From now on, Patricia, call me Bao Bei." That was us back then. We were happy kahit lagi pa kami nagtatalo. We struggled to get to where are now. Thinking about the past makes my heart ache. Nang dahil sa mga naging desisyon ko, naputol ang kung anong mayroon kami. I sacrificed a lot of things for him pero in the end, ako pa rin ang talo. That's what love is all about naman, hindi ba? It's all about sacrifice. "Siya?" Napatingin ako sa kaibigan ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Sinundan ko ng tinginang direksyon na tinitignan niya. My heart beat fast as I laid my eyes upon him. It's been a year since I last saw him and it's been a year since I did something to make him loathe me. He left because of me. We were not able to reach our dream of graduating together because of what I told him. Nagbulungan ang ibang estudyante sa paligid namin habang nakatingin sa kaniya. Sinasabi ng mga ito kung gaano siya ka-gwapo at ang iba pa ay pinag-uusapan ang mga naging balita na umikot sa kaniya habang nag-aaral pa rito. Walang mababakas na emosyon sa mga mata niya habang naglalakad papunta sa podium para sa gagawin niyang speech. Napahawak sa kamay ko ang kaibigan ko. Kahit ako ay nagulat dahil hindi ko alam na siya ang magsasalita ngayong graduation ko. May hinawakan siyang papel sa podium bago itinapat ang mic nito sa harap ng bibig niya. Habang nagsasalita ay inililibot niya ang paningin. Bago ko pa man itago ang mukha ko sa pamamagitan ng pagtungo, nagtama ang mga paningin namin. Nanatili siyang nakatitig sa akin the whole time na nagsasalita siya kaya ang ginawa ko, bumitaw ako sa kaibigan ko't bahagyang tumayo. Akmang aalis na ako nang magsalita ulit siya. "Miss, please sit down." Nailibot ko ang paningin ko sa pag-aasam na hindi ako ang tinutukoy niya pero ako lang ang bukod-tanging estudyante na nakatayo. Itinuro ko pa ang sarili ko na parang tanga kaya napataas ang isang kilay niya. "Yeah. You." Na-miss ko iyong ugali niya na pagtaasan ako ng kilay. "M-Mag-C-CR lang. Hindi ko na kaya kasi." Napuno ng tawanan ang buong venue at tatanggapin ko ang kahihiyang ito dahil mas gugustuhin ko pa makaalis rito kaysa malusaw sa mga titig na ipinapako niya sa akin. Nakatungong nag-excuse ako sa mga madaraanan ko hanggang sa makalabas ako ng venue. Pagkasara ko ng pinto ay siyang pagtulo ng mga luha ko. Kung tignan niya ako kanina, parang hindi niya ako minahal ni minsan. Siguro kasi hindi niya na ako mahal at kasalanan ko kung bakit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.5K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

OSCAR

read
248.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.6K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.4K
bc

Married with the Engineer

read
344.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook