2

2583 Words
Patricia Nalula ako sa laki ng university pagkahinto ko sa harap nito ng bike na sinasakayan ko. Napakataas nito at harap pa lang ito ng papasukan ko. Base sa nabasa ko nang mag-research ako tungkol rito, hiwa-hiwalay ang bawat department na nakapalibot sa school grounds. Pagpalagay na rin natin na may dalawang department sa isang building tapos ilang department mayroon sila. Sobrang yaman siguro ng may ari nito. At ang pinakagusto ko rito ay walang uniform kaya Malaya kong maisusuot lahat ng gusto ko. Tutal fashion student naman ako, magpapaka-fashionable ako rito. Inagahan ko ang pagpunta rito para makapaglibot at nang maging pamilyar ako sa lugar. Wala kasi akong nai-print out na mapa para hindi ako maligaw. Dapat rin ay kasama ko si Kuya Gavin ngayon sa paglilibot pero nagkaroon siya ng biglaang lakad kaya sadly, wala siya sa tabi ko ngayon. Bukas pa ang official start ng klase ko. Talagang bumalik lang ako rito para tignan ang paligid. Sa luwag ng kalsada, marami akong nakikita na mga estudyanteng naka-bike lang rin tulad ko. Siguro malapit lang ang bahay nila rito o puwede rin na naka-dorm sila. May iilan rin na sasakyang dumaraan pero lamang lang talaga ang mga naka-bike. Napakaaliwalas rito dahil may mga puno sa gilid ng kalsada at puro d**o pa kaya hindi nakakapagtakang maraming estudyante na tumatambay sa gilid-gilid. Iipinarada ko muna ang bike na gamit ko sa parking lot dahil duon ikinakadena ang mga ito. At dahil nga maaga pa, naglakad-lakad muna ako sa grounds. Nang matapos ko maglakad-lakad, napagpasyahan kong puntahan ang magiging mga classroom ko. Nasa akin naman na ang schedule ko pati na ang mga kakailanganin kong detalye para sa pagpasok ko rito kaya hindi ako nahirapang puntahan ang mga ito. Well, nahirapan kasi nagtanong-tanong pa ako kung paano makakapunta sa ganito-ganiyan at ang ilan sa klase ko ay kakailanganin pang lakarin. Nakakapanibago lang kasi nasa ganito kalaking lugar na ako, hindi tulad sa pinasukan ko noong high school. At nakakagulat rin kasi kahit na nag-alangan ako sa resulta ng exam, nakapasa pa rin ako. Siguro ganuon lang talaga. Kahit ano pang taas ng tiwala mo sa sarili mo, kapag sa exam, mawawala ito. Nang mapadpad ako sa field, nakakita ako ng maraming booths. Nagkaideya ako kung anong nangyayari dahil sa nakita kong mga banner. Mukhang ngayon pa lang, naghahakot na ang mga club ng member. "Miss, sali ka sa club namin!" salubong sa akin ng isang lalake na naka-civilian. Inabutan niya ako ng flyer at nakalagay rito ang details ng swimming club. May nakasunod rin sa kaniyang dalawang babae na may hawak na flyers habang nahahati ang atensyon sa akin at sa mga taong dumadaan para mabigyan nila ng mga dala nila. "S-Sorry po." Binigyan ko sila ng magalang na ngiti para lang ipaalam na humihingi ako ng tawad dahil hindi ako interesado. "May gusto po kasi akong salihan." "Ganuon ba?" Napasimangot siya saka tinanggap ang flyer na ibinalik ko sa kaniya. "Pero kung sakaling magbago isip mo, puwedeng-puwede ka mag-apply." Ibinalik niya sa akin iyong flyer kaya para makaalis, tumango ako't tinanggap ulit ito. Nagpaalam na ako para makapaglibot-libot at hindi ko mapigilang maging masaya kasi iyong mga ganitong eksena ay napapanuod ko lang sa dramas at animes pero heto't dindumog na kaming mga bago rito para maisali sa club nila. Nang makita ko ang hinahanap kong club, napangiti ako ng malawak. Napatayo ang tatlong babae at dalawang lalake nang lumapit ako sa table ng booth nila. Tinignan ko ang mga picture nakadikit sa lamesa. Karamihan rito ay picture ng mga taong nagluluto, which I guess are their club members at ng ilan naman ay mga picture ng pagkain. "Gusto mo po sumali?" nakangiting tanong ng lalakeng naka-reading glasses. Siniko niya iyong katabi niyang babae na nakatitig sa akin habang nakangiti. Mukha naman itong natauhan saka napatingin sa kaniya. Inginuso niya ako kaya bumalik ang tingin sa akin ng babae. "Sali ka sa cooking club, miss." pag-aalok nito sa akin saka ako binigyan ng flyer. "Marami na po ba kayong member?" Nagtaka ako kaya nagsalubong ang mga kilay ko dahil sabay-sabay na nagbagsakan ang mga balikat nila at iyong mga ngiti nila, nabura. "M-May nasabi ba ako?" "See for yourself." Ngumiti ng bahagya iyong isang lalake na kasama nila saka itinuro ang application list. "Oh, boy." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil blangko ito. "As in wala pa?" tanong ko pagkabalik ko ng tingin sa babaeng nasa gitna. "Oo, eh. Sobrang desperado na kami makakuha ng members kasi kung hindi namin maabot ang 10 members sa club, mabubuwag kami." sagot naman nito. "Sa ngayon, kaming lima na lang ang natitira. Iyong lima kasi sa amin, gumraduate na. Pero promise namin na kapag sumali ka, hindi ka na mababagot, mabubusog ka pa." "Promise?" Nakangising kinuha ko iyong ballpen sa gilid ng application list saka ko ito sinulatan. "There." "Oh, my gosh! Thank you!" Napapalakpak iyong babae sa gitna at iyong mga kasama niya ay nagsipag-apir. Napatigil sila sa pagpalakpak at napatingin sa gilid ko nang may tumabi sa akin. Nilingon ko ito at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I didn't know na dito rin siya. "Are you interested?" Nag-unahan sa paglapit iyong tatlong babae sa kaniya kaya umusog ako. Sabay naman na napabuga ng hangin iyong dalawang lalake saka ako nilapitan. Binigay nila iyong contact number nila para matawagan ko sila kung may kailangan at kinuha rin nila iyong sa akin para mai-message ako kapag kailangan na nila ako para sa application ko. Tumingin muna ulit ako rito para siguraduhing hindi ako namamalikmata at naagaw ng t-shirt nito ang atensyon ko dahil may animated na pusa itong print. Kaagad akong nagpaalam dahil hindi ko lubos maisip na lumapit siya sa booth ng club na sinalihan ko. That only means one thing, right? Anong sense na lumapit siya duon kung hindi naman siya sasali? Imposible naman na girlfriend niya ang isa sa tatlong babae na naka-assign sa booth kasi as far as I remember, dati pa ini-insist ni Kuya Gavin na mag-girlfriend na ang lalakeng iyon. Pero kung sakali nga na sumali siya sa cooking club, imposibleng hindi ko ito makasalamuha. Alam kong masama ang naging bali-balita tungkol sa kaniya dati pero mas maigi nang maniwala sa mga iyon kaysa naman mapalapit ako rito't pati ako, masira ang kinabukasan. Nang makalayo lumapit ako sa bench na nakapuwesto sa gilid ng building of architecture saka ako umupo rito. Kinuha ko ang cell phone sa shoulder bag ko saka ko hinanap ang pangalan ni Kuya Gavin sa phonebook ko. "Kuya?" bungad ko nang sagutin nito ang tawag. "Hey, Pat-Pat." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko ang tawag niya sa akin. It's been a while since I last heard him utter that name. Hindi ko kasi siya tinawagan boung vacation dahil una, ayoko namang maabala siya at isa pa, ayokong magka-ideya siya na interesado ako sa kaniya. Alam ko kasi na kapag sinimulan kong tumawag sa kaniya, sa karupukan ko, baka araw-arawin ko na and if that happens, he'll have an idea about my feelings. "Kumusta po iyong nilakad mo?" "It's okay. Medyo nakakapagod. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa restaurant ng family friend. Grand opening kasi ng bagong branch. Bakit ka pala napatawag?" Right. Talagang magtatanong siya dala ng pagtataka kasi hindi naman ako normally tumatawag sa kaniya. Tumawag man ako, hindi out of the blue na tulad nito. Pero tama ba na sabihin ko sa kaniya na nakita ko ang kaibigan niya na sumali sa cooking club? Wala kasi sa itsura ng lalakeng iyon na mahilig ito magluto. Besides, wala pang nababanggit si Kuya Gavin na nagluluto ang kaibigan niya. Pero sabagay. Hindi niya naman ito babanggitin kung hindi ako nagtatanong, which never happen kasi alam niya na lumalayo ako rito. Siguro hindi ko na lang ipapaalam sa kaniya. Baka sinisikreto ng taong iyon kay Kuya Gavin ang bagay na ito. It's really none of my business. "A-Ah. Wala naman po. Nangangamusta lang. Gusto ko rin sabihin na mukhang magiging masaya po iyong pag-s-stay natin sa Eclaire kasi sobrang lawak tapos ang babait pa ng mga nakausap ko." Naging maikli lang pagkukwento ko sa kaniya dahil ayoko namang maabala pa siya. Bumalik ulit ako sa paglilibot. May iilan pa kasi akong gusto makita sa personal. May mga nakita kasi ako sa internet nang mag-search research ako. Tanghali na nang makarating ako sa kanto namin. Malayo pa lang, kitang-kita ko na medyo may karamihan ang customer na nasa loob ng bakuran namin at sobrang proud ako kay Mama dahil kinakaya niyang magtinda mag-isa. Malaki ang pasasalamat namin sa may ari ng bahay na nirerentahan namin dahil pumayag ito sa pinlano naming pagnenegosyo. Sinabi kasi ni Papa na makakatulong ito para hindi ma-delay ang pagbabayad namin kaya siguro nila ito napapayag. Binati ako ni Mama nang lapitan ko siya at sinabing tumulong kaya nagbihis muna ako't bumaba para tumulong sa kaniya. Pagpatak ng alas tres, naglipit na kami at sobrang tuwa ni Mama dahil naubos ulit ang paninda niya. Naging mabenta sa mga tao rito ang iniluluto niyang mga ulam. Hindi ko naman sila masisisi dahil sobrang sarap magluto ng ulam ni Mama kaya hindi na nakakapagtakang balik-balikan nila ang mga ito. Matapos magligpit, umakyat na ako sa kwarto para maglaro. Napasimangot naman ako pagkasara ko ng pinto dahil nang madako ang paningin ko sa bintana, nakasara ito. Ayoko naman kasing buksan dahil hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako kapag tumitingin rito. Paano ba naman, noong mga nakaraang araw, nakikita ko iyong kapitbahay namin na dumadaan sa bintana. Wala namang kaso kung makita ko ito sa bintana. Ang problema, sa tuwing nakikita ko ito, naka-maskara ito o hindi kaya ay ulo ng mascot ang suot. Sobrang creepy nito at hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito kilala. Sinabi ko nga ito kina Mama at kinausap naman nila ang landlord na nagpapaupa sa katabing bahay. Ang sabi nito, wala pa raw krimen na nangyayari sa lugar at tahimik lang raw talaga ang umuupa sa nasabing bahay. Apparently, mag-isa lang itong nakatira sa bahay na iyon, which makes it a lot creepier kasi sino bang matinong tao ang uupa sa ganuong kalaking bahay at magsuot ng mga maskara kahit nasa kwarto lang? Sino bang hindi matatakot, hindi ba? In addition, tinanong namin kung sino iyong nakatira at anong klase ng tao ito pero hindi raw puwede i-disclose base na rin sa request nito. Duon ko naisip na kung hindi ito masamang tao, bakit nito itatago ang katauhan nito. Nakikita ko ito minsan na umaalis na nakamaskara at umuuwi na ganuon rin. Nasabi na nga sa akin ni Mama na napag-uusapan na ito ng mga kapitbahay namin pero parang balewala naman rito ang mga chismis dahil araw-araw pa rin ito sa pag-alis at pag-uwi na nakamaskara. I honestly want to achieve his level of unbotheredness. Pinatay ko muna ang ilaw ng kwarto saka ko binuksan ang PC at inilapag ang cell phone ko sa gilid ng monitor. Nang mabuksan ko na ito, iyong online game kaagad na nilalaro ko ang una kong binuksan. Hindi pa man rin ako nagtatagal, biglang bumukas ang pintuan kaya dali-dali kong pinatay ang monitor at nilingon ang nagbukas ng pinto. "Seryoso?" Ipinako ni Kuya Kendrick ang tingin sa akin saka humalukipkip. "Nakaupo lang ako rito." pagdadahilan ko saka ko inikot ang swivel chair at humarap sa dingding sa gilid ko. "Nakaupo pero nakabukas iyang CPU ng desktop mo." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang lumapit siya at binuksan iyong monitor. "Ran Online na naman?" Hinablot ko ang dalang kamay niya saka ko ikinulong ang mga ito sa mga kamay ko. "Kuya, please huwag mo sabihin kina Mama." "Parang..." Hinila niya ang isang kamay niya saka kinamot ang leeg bago siya tumingin sa kisame. "Parang nauuhaw ako. Parang gusto ko ng Mogu-Mogu na lychee flavor." "Tubig na lang. Ikukuha kita." "Maaa—!" Napapikit ako ng mariin. Buti at natakpan ko kaagad ang bibig niya. Bwisit na lalakeng ito talaga. Siya may trabaho pero ang lakas mangburaot sa akin. "Ang layo kasi ng 7-Eleven rito!" Hinawi niya ang kamay ko saka ako itinulak at tumalikod. "Maaa—!" This time, napatigil siya dahil tinalunan ko siya sa likod at tinakpan ang bibig niya. "Fine!" At dahil na-blackmail na naman ako ng kuya ko, heto ako't napabili sa 7-Eleven ng hindi oras. Lukot na lukot ang ekspresyon sa mukha ko kaya napapatingin na lang ang ibang tao na nadaraanan ko. Nang makarating ako sa street namin, nakita ko na nakabukas ang garahe ng katabing bahay namin kaya out of curiosity, pasimple akong lumapit rito. Nagtago ako sa nakaparadang kotse sa harap ng kapitbahay ng kahitbahay namin. Walang tao sa loob ng garahe at may tatlong magkakatabing PC sa gilid nito. Medyo magulo ang loob ng garahe ng kapitbahay namin dahil may mga cables na nakakalat, which I know na puro cables na related sa PC. Bumukas ang pintuan sa gilid ng garahe at iniluwa nito iyong kapitbahay namin at as usual, nakamaskara ito pero ang galing lang kasi ang maskara nito ay iyong kay Gin ng Hotarubi pero unlike gin, itim ang buhok nito. Naupo siya sa harap ng isang PC bago kinalikot ito. Panay rin ang paypay niya sa sarili kahit pa may electric fan naman siya sa gilid. Sabagay, sobrang init ngayon kahit hapon na. No wonder pati iyong garage door niya, binuksan niya. Usually kasi, nakasara lang ito. Bakit kasi hindi niya na lang alisin ang maskara niya para makita ko na ang mukha niya? Mas nakakadagdag kaya sa init iyan. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa panunuod sa kaniya at dahil wala namang kakaiba sa ginagawa niya, napagpasyahan ko na lang na umuwi na. Tumayo ako ng tuwid at nagsimulang maglakad. Mas binilisan ko nga lang ang lakad ko dahil nang dumaan ako sa harap ng garahe niya ay nahuli ko ang tingin niya sa akin. Nang makauwi, pumanik kaagad ako sa kwarto at nakita ko ang kapatid ko na prenteng-prente na nakahiga sa kama ko. Nakabukas na rin ang bintana kaya dali-dali ko itong nilapitan at isinara. "Bakit mo ba isinasara iyan?" Kinuha niya sa kamay ko ang plastic na may dalawang bote ng Mogu-Mogu saka siya naupo sa paanan ng kama. "I told you. Sobrang creepy ng kapitbahay natin." Nagkibit-balikat lang siya dahil alam niya kung bakit ko sinasabing creepy ito. "Oo nga pala. Huwag ka na maglaro ng online games, mapa-PC man iyan o mobile." "It's fine, as long as hindi ako nahuhuli." "Nahuli nga kita kanina, eh." Inirapan ko siya saka ako umupo sa swivel chair at chineck kung nakabukas pa ang PC ko, only to find out na nakapatay na ito. "Kapag nakita ka pa nila Mama, sinasabi ko sa iyo, hindi malabong ipakuha sa amin ni Kuya Billy iyan. Alam mo nang bawal ka dahil gusto nila na mag-focus ka sa pag-aaral dahil hindi biro iyong univ na papasukan mo, naglaro ka pa rin. Pasalamat ka nga, ako lang nakakita sa iyo." "Bakit noong high school pa lang ako, napagsasabay ko naman iyong studies at laro? Hindi naman ako bumagsak; achiever pa nga kung tawagin ako, hindi ba?" "Tandaan mo; hindi ka pa scholar. Ang laki ng ilalabas naming pera para lang makapag-aral ka sa Eclaire. Natatakot lang sila na masayang iyong pagpapaaral sa iyo dahil lang diyan sa video games na iyan. May tiwala sila sa iyo pero wala silang tiwala sa kaadikan mo sa video games." "What if bigyan kita ng Mogu-Mogu araw-araw pero hahayaan mo akong maglaro?" nakangising suhol ko saka ako tumayo at inilahad ang kamay ko sa harap niya. Inisang lagok niya iyong bote na binuksan niya bago sinampal ang kamay ko at tumayo. Ikinulong niya ang leeg ko sa braso niya kaya napahawak ako rito. "Sinusuhulan mo pa ako? Isa ako sa nagpapaaral sa iyo, tandaan mo iyan." "K-Kuya, hindi ako makahinga." Tinap ko iyong braso niya pero hindi pa rin siya bumitaw. "Bumaba ka na. Tinawag ka kanina ni Mama para maghugas ng pinggan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD