“MABUTI nga naisipan ng mga kataas-taasan na gawin ang malaking unibersidad na ito bilang maskara ng mga plinaplano natin laban sa mga mortal na ‘yan. Natatadaan ko pa kapag ako ay nakakaluwas sa Intramuros akala mo kung sino ‘yang mga mortal na ‘yan! Wala naman mga angkin galing katulad natin!” dugtong naman ng isa. Imbes na magpatuloy sa paglalakad ay mas pinili ko na lamang na magtago sa mayabong na halaman kung saan malinaw ko pa ring maririnig ang mga pinag-uusapan nila. “Doon nagkamali ang mga mortal na ‘yan! Lalo ‘yang gobyerno nilang halang din naman ang bituka kaya panay ang tanggap ng donasiyon mula sa tin. Ang akala yata nila ay wala iyong kapalit kaya tanggap lang sila nang tanggap,” may halong galit na wika ng panibagong boses, tatlo kas

