NAKARINIG si Uno ng pagbukas at pagsara ng kan’yang pintuan. “Panginoong Uno, hindi na ako kumatok pa dahil napansin ko ring bukas ang iyong pintuan tatanungin lamang sana kita kung ipaghahain na rin ba kita ng tanghalian?” tanong ni Anggusta, ang kasama sa bahay ni Uno na siyang ring nag-alaga rito. “Mamaya na lamang, Anggusta, hihintayin ko na lamang si Ina na magising upang sabay kaming kumain, ngunit maari ka bang maghanda ng halamang gamot para sa lagnat? Nagsisimula kasing uminit ang katawan ni Ina. Naisip ko lamang na mas mabuti nang painumin agad natin siya ng gamot bago pa lumala ang kan’yang nararamdaman,” ani ni Uno. Yumuko muna si Anggusta. “Masusunod po, Panginoong Uno,” anito. “Sa ‘yong paglabas ay maari mo bang isara na laman

