IKA-LABING LIMANG KABANATA

3130 Words

            NAGTATAWANAN kami ni Virginia sa kalagitnaan ng aming paglalakad tungo sa aming silid aralan ng biglang lumitaw sa kalagitnaan ng daan ang dalawang matataas na nilalang sa unibersidad, ang pinsan at halos kanang kamay ni Uno, si Dos at si Tres.             “Kinakapatid! Magandang umaga sa inyo ngunit mas maganda talaga ang umaga kapag ang mukha ko ang bubungad sa inyo, tama ako ‘di ba?” pagmamayabang na naman ni Dos. Hindi yata talaga nauubusan ng kahanginan sa katawan ang pinsan na ito ni Uno.             Napa-iling ako at napangiti na lamang habang nakatingin kay Dos.            “Ang aga-aga, Dos, ano bang inuulam mo kanina sa umagahan? Kasinungalingan? Tsk. Mahiya ka naman sa mga pinagsasabi mo,” seryoso ngunit alam mong nanunukso lamang na patudsada ni Tres.          

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD