“NATATAKOT ka na naman bang mauwi sa wala lahat ng plano mo tulad ng nangyari noon?” Alam kong ayaw n’ya sa lahat ay ang pinapamukha sa kan’yang nabigo siya lalong lalo na noon. Malakas n’ya akong iwinaksi paalis ng kan’yang katawan at mabuti na lang dahil alerto rin naman ako sa gagawin n’ya kaya agad akong nakabalanse at hindi nabangga ang likod ko sa matigas o matalim na bagay. “HINDING HINDI NA AKO MABIBIGO SA PAGKAKATAON NA ‘TO!” galit na n’yang bulyaw na siyang nagpangisi sa kin. “Gaano ka kasiguradong magtatagumpay ka na sa pagkakataong ito? Ipalagay nating magtatagumpay ka nga ngunit hindi naman magtatagal ay maglalabasan lahat ng mga pinaggawa mong mali na pilit mong ikinukubli. Matakot ka naman sa karma!” Mabilis itong nakalapit sa kin at agad

