“TUMIGIL KA NA, ISIANG! HINDI NA AKO NATUTUWA SA ‘YONG BABAE KA!” paghuhurumintado n’ya ngunit nanatili lamang akong kalmado at nagpapaawa. “Tinawag mo pa nga akong demonyo, hindi ba? Ako pa ang lumalabas na demonyo sa paningin mo dahil hindi kita hinahayaang makalapit kay Binibining Ina! Hindi ko hahayaang masaktan n’yo si Binibining Ina sa muli!” Napailing si Virginia at aakma pa sanang saktan akong muli dahil sa galit n’ya n’ong humarang na si Binibining Ina sa harapan ko. “TUMIGIL KA NA, VIRGINIA! Hindi ba at ngayon na ang alis ninyo rito sa unibersidad? Bakit ka pa pumunta rito? Hindi na pa ba sapat ang nangyari sa kin? Kailangan n’yo pa bang mas lalo pang sirain ang pagkakaibigan nating anim! Virginia, sumusobra ka na! Hindi n’yo naman kailangang um

