Chapter 23

2011 Words
'Always remember that you are absolutely unique. Just like everyone else.’ – Margaret Mead -Scarlett’s POV- Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. A-anong ginagawa niya rito? P-paanong nasundan nila ako rito? Parang kanina lang ay hinahanap ko sila dahil nalulungkot ako at hindi man lang ako nakapagsabi sa kanila na matagal akong mawawala. Nakakatawa lang isipin na ‘yong hinihintay ko sa apartment ko ay nauna na palang makauwi rito. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako na makita ulit siya o hindi dahil nasundan nila ako rito. Si Eleanor pa lang ang nakikita ko, pero palagay ko ay narito rin si Mr. Julian at Jackson. Ang dami kong gustong itanong sa kanya kaya naman nagsimula na akong maglakad papuntang kusina nang bigla kong makasalubong si Auntie Amanda na pababa ng hagdan. “Nakauwi ka na pala, Scarlett,” she said kaya naman agad na napatingin sa amin si Manang at Eleanor. “Ah, opo, kararating ko lang din,” sagot ko naman sa kanya. “Ayos ka lang ba? Namumutla ka,” nag-aalalang tanong niya at saka kinapa ang noo ko para tignan kung may lagnat ba ako o wala. “Para kang nakakita ng multo,” dagdag pa niya. Hindi ko tuloy alam kung paano sasagutin ‘yong sinabi niya dahil nakakita naman talaga ako ng multo. Kaya naman agad akong bumaling sa pwesto nila Manang at bumalik na ito sa pagluluto na para bang hindi ako napansin. Kung gano’n ay hindi lang pala ako ang pwede nilang sapain, kung hindi pati na rin ang ibang taong kasama ko rito sa bahay. “Manang, matagal pa ba ‘yan?” narinig kong tanong ni Auntie kay Manang at saka siya lumapit sa pwesto nito. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero sana lang ay ‘wag nilang basta-basta sapian ang mga tao na narito dahil wala naman silang kinalaman. Hindi ko tulyo maiwasang mainis dahil bigla-bigla siyang sumasapi kay Manang. Isa pa at hindi dapat nila ako sundan. Kung ang dahilan lang ay dahil hindi ko pa natatapos tuparin ang mga kahilingan nila ay gagawin ko naman. Basta ba ay ‘wag lang nilang idadamay ang mga tao na narito. “Patapos na ‘tong niluluto ko. Halika at tikman mo muna,” narinig kong sabi niya pa kaya naman lumapit sa kanya si Auntie Amanda para tikman ang niluluto niya. Maya-maya lang ay biglang natigilan si auntie matapos niyang matikman ‘yong niluluto ni Eleanor. Nagtataka man anong nangyari ay nanatili akong alerto kung sakali man na may gawin siyang masama kay auntie. Pero ilang sandali lang din ay muling kumilos si auntie at humarap kay Manang, kay Eleanor. Hindi ko alam kung gaano katagal silang nagtitigan pero bawat segundo na lumilipas ay lumalaki ang kaba ko na baka kung ano na ang ginagawa niya kay auntie. Lalapit na sana ako sa pwesto nila ng muling magsalita si Auntie. “Saan mo natutunan ang recipe na ‘to, Manang?” seryosong tanong niya. “Anong recipe? Hindi naman ako gumamit ng recipe, bakit may mali ba sa lasa ng niluluto ko?” nagtatakang sagot naman nito at saka muling tinignan ang nilulutong ulam. Nanatili akong nakatayo sa may sala habang pinapanood sila. Na-curios tuloy ako kung anong problema sa luto ni Eleanor. “Auntie, ano pong problema?” lakas loob na tanong ko at lumapit na sa kanila. Nagkatinginan pa kami ni Eleanor kaya naman sigurado ako na nakita niya ako. “Ah, wala naman, may naalala lang ako. Anyway, tikman mo ‘tong niluluto ni Manang na sinigang,” alok niya at saka inabutan ako ng kutsara. Nag-aalangan man ay tumikim na lang ako ng sabay. Matapos humigop ay parehas na naghihintay sila ng sasabihin ko. Hindi ko alam pero parang bigla tuloy akong na-pressure dahil parehas silang naghihintay ng sasabihin ko. Humigop ulit ako ng sabay galing sa tasa dahil parang hindi sapat ‘yong nasa kutsara. Matapos humigop ay para namang natigilan ako. Hindi dahil hindi masarap ‘yong luto pero dahil masarap talaga siya. Parang nakakapanibago lang ‘yong lasa dahil ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na sinigang. Isa pa, hindi ganito ang lasa ng niluluto ni Manang kaya siguro nagtaka si auntie. At saka ko lang napansin na hinihintay nga pala nila ang sasabihin ko. Nakaka-pressure tuloy dahil parang sa akin nakasalalay ‘yong final decision. “Kumusta?” “Masarap po, auntie,” sagot ko. Napansin ko naman ang bahagyang pagngiti ni Eleanor. Well, masarap naman kasi talaga. Masasabi ko na sa lahat ng natikman ko na sinigang, ito ‘yong pinakamasarap. Tumango-tango lang si auntie at saka tinapik ako sa balikat bago siya umalis ng kusina. Kaya naman kami na lang tatlo ang naiwan dito. Nang masiguro ko na nakaakyat na si auntie ay muli akong humarap kay Eleanor para kausapin siya. “Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Pero parang wala lang siyang narinig dahil bumalik lang siya sa pagluluto. Ilang minuto pa akong naghintay na magsalita siya pero nanatiling nasa niluluto ang atensyon niya. Kaya naman imbes na mainis ay kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Mukhang wala naman siyang balak na magsalita kaya mamaya na lang. “Gusto ko kayong makausap. Kaya sana ay pumunta kayo sa kwarto ko mamaya,” I said bago tuluyang umalis. Alam ko naman na narinig niya ang sinabi ko kaya hihintayin ko na lang ang pagkakataon na makausap sila mamaya. Hindi ko naman na sila pwedeng basta-basta tawagin dahil nandito na ako sa bahay ni Auntie Amanda, hindi na ako nag-iisa. Kaya paniguradong magtataka ‘yon kapag nakita niya akong nagsasalita mag-isa. Kaya ko namang maghintay hanggang mamaya. Sandali. Napatigil ako sa ginagawa ko ng may maalala ako. Base sa natatandaan ko, no’ng araw na pumunta ako rito kina Auntie ay parang nakita ko si Mr. Julian bago ako tuluyang lumabas. Pero hindi lang ako sigurado rin ng araw na ‘yon dahil nga masyadong maraming nangyari. Pero ngayon ay sigurado na ako. Hindi ako namamalik-mata ng araw na ‘yon dahil sila nga ‘yong nakita ko. So, ibig palang sabihin ay sinundan nila ako hanggang dito sa bahay ni auntie. Kaya pala alam nila ‘tong lugar na ‘to. Nakaramdam naman ako ng pagkainis dahil sa kanila. Pakiramdam ko ay na-traydor ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko. No’ng una pa lang ay sinabihan ko na sila na ang ayoko sa lahat ay ang sinusundan ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatanggalan nila ako ng privacy ng dahil sa ginagawa nila. “Bakit kayo nandito? Paano niyo nalaman ang lugar na ‘to? Sinusundan niyo ba ako?” sunod-sunod na tanong ko sa kanilang tatlo nang muli kaming magkaharap-harap. Sinigurado ko muna na tulog na silang lahat kaya naman ayos lang na mag-usap-usap na kami. Hininaan ko lang din ang boses ko para kung sakali ay wala ring makarinig sa labas. Kanina pa ako nagtatanong sa kanila pero lahat sila ay tahimik at ayaw magsalita. Hindi ko tuloy maiwasan na mainis dahil sa inaasta nila. Sana pala ay hindi ko na lang sila kinausap kong ako lang din naman pala ang mag-isang magsasalita. Hindi naman sobrang hirap ng mga tanong ko para hindi nila masagot. “Kung ayaw niyong makipag-usap, pwede na kayong umalis. Magpapahinga na lang ako,” wika ko at niligpat na ang mga libro ko para maghanda sa pagtulog. Mukhang wala rin naman kasi silang balak magpaliwanag kaya itutulog ko na lang ‘to. Kaysa masayang ang oras ko kung magtititigan lang kaming apat, maaga pa naman ang pasok ko bukas. “Kasi alam namin na magagalit ka kapag nalaman mo na sinusundan ka namin,” paliwanag ni Mr. Julian. “Alam niyo naman na pala eh, pero bakit ginagawa niyo pa rin? Sinabi ko naman na no’ng una pa lang na pagbibigyan ko kayo sa mga gusto niyo basta ‘wag niyo lang akong susundan, hindi ba?” At dahil napapansin ko na medyo tumataas na ang boses ko ay muli kong kinalma ang sarili ko. Mukhang wala namang patutunguhan kung magagalit ako ng magagalit sa kanila. Akala ko pa naman ay ayos na, na hindi ko na sila makikita pa ulit. Pero mukhang kailangan ko talaga munang tuparin ang kahilingan ni Eleanor at Jackson para tuluyan na silang makatawid sa kabilang buhay. “’Wag kayong mag-alala, malapit na ang bakasyon ko. Sa bakasyon, tutuparin ko ang mga kahilingan niyo.” Mukhang ‘yon na lang din naman na ang kailangan nila. Ang magawa ang mga bagay na hindi nila nagawa dati para tuluyan na ring matahimik ang mga kaluluwa nila. ----- Matapos ang pag-uusap na ‘yon ay ilang araw ko rin silang hindi nakita. Pero minsan ay naabutan ko si Eleanor na nagluluto, kaya naman napapadalas na ang pagsapi niya kay Manang. Sinabihan ko na siya tungkol do’n pero pinakiusapan niya ako na gusto niyang ipagluto sina auntie kaya pinagbigyan ko na lang din siya. Masarap naman kasi ang mga putahe na niluluto niya. Actually, nagustuhan din nila Aaron at Amber kaya naman ganado silang kumain. Naalala ko pa no’ng unang nagluto si Eleanor, hindi ko alam kung anong dahilan pero biglang naluha si auntie habang tinikman niya ‘yong sinigang. Nagulat pa nga kami dahil akala namin kung anong nangyari sa kanya pero sabi niya ay may naalala lang daw siya. Nang tanungin naman siya ni Aaron, ang sabi niya ay naaalala niya lang ang luto ng kapatid niya. Hindi ko tuloy kung sinong kapatid ang tinutukoy niya dahil tatlo silang magkakapatid nila mama. Halos dalawang linggo na rin ang lumipas simula no’ng lumipat ako rito at naging maayos naman ang lahat. Minsan ay bigla-biglang sumusulpot sina Mr. Julian at Jackson lalo na kapag nasa bahay si Aaron. Palagay ko ay dahil madalas itong manood ng basketball game o hindi kaya maglaro. Kaya naman paniguradong nae-enjoy din ang dalawa. Hindi katulad no’ng nando’n pa sila sa apartment ko ay puro cooking show lang ang pinapanood nila. Wala naman kasing cable ro’n kaya mga local na palabas lang ang available sa mga channels. No’ng una ay nailing ulit ako kapag bigla-bigla silang sumusulpot pero paunti-unti na ulit akong nasasanay. Hinahayaan ko na lang din naman na silang magsaya dahil mahigit isang linggo na lang at magbabakasyon na kami. Ibig sabihin ay mahigit isang linggo na lang din ang kailangan nilang hintayin. Nai-kwento ko na nga rin pala kay Abigail na bumalik na ulit ako sa poder ni Auntie Amanda kaya naman kapag nagyayaya siyang gumala ay mas madala nang hindi ako nakakasama. Kaya naman ramdam ko na sobrang nagtatampo na siya sa akin. Mabuti na nga lang din at nakabawi ako sa kanya no’ng birthday niya. ‘Yon nga lang ay hindi kami masyadong nakapag-usap din dahil marami siyang bisita. Buong klase nga namin ang imbitado. May iilan din kaming schoolmate na dumalo na familiar na sa akin dahil madalas kong nakikita sa university. Naalala ko na naman tuloy kung gaano ako na-out of place no’ng araw na ‘yon dahil wala rin akong ka-close kaya wala akong makausap. Mabuti na lang din at nando’n si Mark kaya naman kahit papano ay may nakausap ako. Ang alam ko lang ay crush ni Abigail si Mark, pero hindi ko alam na close rin pala sila. Akala ko nga ay hindi siya uma-attend ng ganitong party dahil parang ang seryoso niya masyado, pero well, hindi naman maiiwasan lalo na at college students na kami. Hindi ko alam kung paano pero matapos no’ng sunod-sunod na pagkikita namin ni Mark ay naging komportable rin ako sa kanya. Kapag wala kasi si Abigail ay madalas ko siyang nakaksalubong at nakakasabay kumain. Kaya naman naiilang ako sa mga classmates namin dahil grabe ‘yong tingin na binibigay nila sa akin. Minsan kasi ay nakakalimutan ko na sikat pala sa mga babae si Mark kaya naman hindi maiiwasan na may naririnig akong nagbubulungan tungkol sa akin. Kaysa magpa-apekto ay hindi ko na lang sila pinapansin dahil hindi naman importante ang mga opinyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD